L

1.4K 144 67
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Kamusta kana babaita?" bungad na tanong sa kanya ni Gia.

Hindi ko naman sila pinansin pa at mas piniling maupo na lang dito sa tabi at manahimik.

Wala dapat ako sa ganitong eksena ee. Kung hindi lang kami naabutan ni Justin sa labas. Nakauwi na sana ako at payapang natutulog ngayon o kaya nama'y inaalagaan si Braelynn.

Kahit kailan talaga, lagi siyang wrong timing. Hay.

"Okay naman, buhay pa kahit papaano." Rans replied. "Ang tagal kitang hinihintay na dumalaw sa'kin, bakit ngayon ka lang?" dagdag pa niya.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at doon na lang tinuon ang pansin. Ramdam na ramdam ko ang mga matang nakapukol sa'kin ngayon. Tinatatagan ko na lang ang loob ko para hindi magawang tingnan ang taong nagmamay-ari nun.

"Well" pasimple akong umusod nang umupo sa tabi ko si Gia. "Hindi ko nabalitaan ang nangyari sayo. Walang nagsabi sa'kin." she added.

"Walang nagsabi sayo?" rinig ko pang tanong ni Rans sa kanya. "Abby, hindi mo sinabi sa kanya?"

Napalunok ako. Hindi naman ako ang tinanong pero ako ang kinabahan. Nakakainis. "Sorry, nakalimutan ko banggitin kay Gia." malamig na tugon niya.

Buhat ng makapasok kami dito, ngayon ko palang narinig na nagsalita siya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang titigan ako.  Ramdam na ramdam ko 'yon kahit na hindi ko siya tingnan.

At ang nakakainis lang, para akong tangang nakikipaglaban sa isipan ko kung titingnan ko ba siya o hindi. Ayaw kong maging marupok. Bwisit.

"Ay weh? Nakalimutan mo? Baka naman sinadya mong hindi talaga banggitin sa'kin?" nahihimigan ko pa ang pagngisi sa tono niya.

Mabilis tuloy akong nag-angat ng tingin para lang makitang nakangisi siya.

"At bakit ko naman hindi sasabihin sayo?" ganting tanong nitong isa.

She just shrugged her shoulder. "Siguro dahil." saglit pa niya ko sinulyapan bago ibalik ang atensyon sa kaibigan. "Ayaw mong malaman ko na niloloko mo si Sela." walang pakundangang saad niya.

Literal na nanlaki ang mata ko. Umawang pa nga ang labi ko dahil sa gulat. Teka lang, hindi ako naabiso na ganito kaprangka ang taong 'to.

"Gia" I warned her. But she just winked at me. Oh my gosh. What the hell is she thinking?

Akmang sasagot pa sana itong isa ng makarinig kami ng pagtikhim mula kay Justin. "Tara na kumain, nagugutom na ko." napansin ko pa ang palihim na pagngiti niya sa'kin.

Nakahinga ako ng maluwag. Kahit papaano, pinagpapasalamat kong nandito ang mokong na 'yon. May magagawa parin pala siyang tama sa'kin.

Nang tumayo si Gia para kumuha ng pagkain, sumunod narin ako. Inaabutan pa niya ko ng plato na agad kong tinanggap. Medyo nagulat pa nga ako ng siya na mismo maglagay ng pagkain sa platong hawak ko.

"Kumain ka ng madami Marsela." may kalakasang saad niya. "Nangangayayat ka. Mukhang hindi ka naaalagaan ng tama." dagdag pa niya. "Pano kasi, 'yong taong dapat gumagawa sayo nito, may inaalagaan na iba." walang kapreno-prenong saad niya.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon