05

592 33 12
                                    

v.

"For your group, Miss Shaira. It's 4.8 over 5!" natutuwa na sabi ni Ma'am Cath. "Though it should be 5 over 5, pero late kayong nagpasa. Good job!"

Tila tuwang tuwa talaga sya sa naging output namin. But based on the reactions of my groupmates, parang hindi nila inaasahan ito. Did they passed? Pinaghirapan ko ang ginawa ko kagabi!

She announced all the scores regarding the project, and we are the highest. Napapatingin sa akin sina Shaira saka taasan ng kilay, nagsimula na magturo si Ma'am Cath saka ako nakinig ng mabuti kahit na kinakabahn.

Agad akong nilapitan ni Shaira nang matapos na ang klase, "Tignan mo nga naman, kailangan pa pala kitamg sabunutan para lang may maipasa kang matino."  aniya

Tumawa ang iba kong kaklase, "Ito naba iyong project na pinass mo? Creative ah." aniya sa nanunuyang tono.

I didn't passed anything, bakit nagkaroon kami ng highest score?

Lumabas ako para hanapin si Jake, he's the one who asked me kung may maitutulong ba siya, and for sure he did it!

Hingal na hingal kong nilibot ang buong Enhyfun para lang makita si Jake, but then nakarinig ako ng mga tilian sa may kanan ko. It was Jay in his basketball jersey, at umiinom ito ng malamig na tubig. Pinapaligiran siya ng mga babae na naghahandog sakaniya ng kanilang mga alay para kanilang sinasambang lalake, but even in a distance I can feel that he's kinda annoyed.

"Girls, stop. Kainin niyo nalang ang mga binibigay niyo sakin, ano ako pulubi? Walang pambili? Please lang, you're stepping on the line." aniya.

I smirked, pero hindi iyon nagtagal nang mahagip ako ng tingin nito. Agad akong naglakad palayo at pinagpatuloy ang paghahanap kay Jake.

Hindi ko makita ito kahit na halos nailibot kona ang buong school para lang hanapin sya, naupo muna ako sa isang bench upang magpahinga.

"So...nag b-boy hunting ka?" napatalon ako sa gulat nang makita si Jay sa may likuran ko.

Agad kong pinunasan ang pawis ko pero hindi ko makapa ang aking panyo, mariin akong napapikit. I sighed bago tumayo, akmang iiwan ko na siya ay hinuli niya ang kamay ko. Napatingin ako doon,

"Pwede ba? Ayaw na ayaw mong nilalapitan ka ng gulo pero ikaw mismo lumalapit sakin?" irap ko.

Padarag kong inalis ang kamay ko sa kamay niya saka siya inirapan at iniwan doon. Pumasok ako sa gymnasium upang doon maupo at ilabas ang sama ng loob ko, pagod na ako okay? Bakit kailangan niya pang sumipot sa oras na di ko siya gustong makita?

"AHHH! NAKAKAINIS!" sigaw ko.

Napansin kong nakatingin ang lahat ng estudyante sa akin sa loob ng gymnasium. Bahagya akong napapikit at nahiya kaya agad akong humingi ng tawad. Then I suddenly saw Jake giggling with a man taller than him.

"J-Jake!" I called.

Napatingin ang dalawa sa akin, "Oh? Karen!" bati niya. He chuckled and pointed at the man beside him, "This is Ni-Ki." aniya. "And this is Karen from BSA." sambit nito.

Nakipag shake hands sa akin si Ni-Ki, saka ngumiti. May ibinulong ito kay Jake bago tumingin sa akin,

"Ate siguro po mahilig kayo sa gawaing bahay." aniya.

I know what he meant, patago kong itinago sa likuran ko ang palad ko. He told me to not be offended since he respects girls for their hardwork. Napapairap nalang ako sakaniya saka humarap kay Jake na nakangiti parin,

"Salamat, Jake." sambit ko. Napatingin siya sa akin, he seemed confused. "Salamat sa pagtulong mo sa project namin." ngiti ko.

His eyebrows met, saka napa 'ahh' when he get it. Napakamot din siya sa batok saka ngumiti ulit, "Ah iyon ba?" aniya.

Tumango ako, but when he was about to say something ay biglang tumunog ang bell, hudyat ma tapos na ang break kaya nagpaalam na ako sakaniya't nagpasalamat ulit.

On my way to our room ay pinaligiran ako ng limang babae, hindi ko alam kung bakit pero masasama ang mga tingin nila sa akin.

"Girls, did you know that there's someone who keeps on clinging to our boys, Jay and Jake?" ani ng isang blonde.

"Yeah true, like hindi siya makuntento sa isa kaya kumuha pa siya ng isa pa."

"Kulang pa ba scholar mo at kailangan mo ng dalawang mayaman para makapag aral ka?"

Tumawa ang isa pa, "No! Masyado naman siyang abusada, baka pinaglalaba niya sina Jay at Jake para lang magkapera."

Naiinsulto ako sa bawat pagbukas ng bibig nila, sa bawat taas babang tingin nila sa akin. We're just poor I think, but I can't accept the fact na pati socio-economic status ko ay pag usapan, I am here to study and not to be insulted from some ignorant and rich kids with no manners.

"Ano ngayon?" I fight back. Nagulat sila, "Ano ngayon kung kailangan kong magtrabaho para magkapera? Palibhasa palamunin lang kayo sa inyo e!" sigaw ko.

They gasped, "A-Ano...What did you say?!"

Hindi ako sumagot kaya hinatak nila ang blazer ko, "Remember this day, you clumsy witch. Tomorrow, kailangan mo nang magpaalam sa Enhyfun!" aniya saka tinulak ako dahil upang mapaupo sa lupa.

Sinamaan nila ako ng tingin bago sila umalis, pinagpagan ko ang uniform ko bago tumayo at tumingin sa mga nagbubulungan. Hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy ako sa paglalakad papasok sa room namin,

"Kita mo nga naman, the poor troublemaker Karen Emille Sebastian is here." sabi ni Shaira.

Napatingin ang lahat sa akin, "Do you know sinong binangga mo? It's Mirabella Halili, her father owns a big share here in Enhyfun. Kaya hindi na ako magugulat kung bukas expelled kana." aniya at nakipagtawanan sa mga kaibigan niya.

So talagang mayaman ang babaeng iyon? Payamanan ba dito sa school na ito at naligaw ako? I tilted my head, saka napaisip. If they are rich, they are smart also? O palaging pera ang gumagana dito sa school na ito para makapasa?

Pauwi na ako nang tinawag ako ni Jake, he's smiling and it gives me comfort. Napangiti rin ako saka bumati sakaniya pabalik,

"Oh Jake."

"Pauwi kana?" tanong niya.

Tumango ako, "Oo, ikaw?"

"Pauwi na rin." aniya.

"Nasaan mga kasama mo?" tanong ko habang tinitignan ang mga nasa likod niya.

Tumawa siya, "Ethan and Yvette went out together." aniya. "Tho Yvette hates Ethan, nilibre niya si Yvette sa isang milktea shop. Then si Benjamin went somewhere, Ni-Ki went to their dance studio before going home, and Jay went to see her sister." Dagdag niya.

Napataas ako ng kilay, "May ate si Jay?" tanong ko.

"Oo, she's ate Rosé." bigkas niya.

"Ano? Rosey?"

Umiling siya saka itinuro ang bibig niya, "Row...Zey. RowZey."

Iba ang accent niya kaya hindi ko siya gaanong maintindihan, pero isa lang ang alam ko, iba ang pronunciation niya sa pangalang Rosé.

"Tara umuwi kana baka gabihin ka pa." aniya saka ako sinamahan papuntang terminal.

"Saan ka?" tanong niya sa akin.

"Ahh jan lang malapit sa may palengke." sagot ko.

Nagtaas siya ng kilay sa akin saka ako hinila pabalik sa may parking lot ng Enhyfun.

"Dapat pala tinanong ko na bago tayo lumipat sa may terminal, pasok kana ihatid na kita." aniya.

Itinuro ko ang Ford na kotse sa harapan ko, tumango ito. I'm shocked knowing that he's really rich!

Nang hindi pa ako pumapasok ay umikot ito para pagbuksan ako ng pinto ay bahagyang nag bow sa akin na parang isang principe. I laughed at him saka na pumasok. Umikot ito upang makapunta sa driver's seat at pinaandar ang kotse.

Possessive You (Enhypen Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon