Chapter 42

2.7K 181 6
                                    


Tikom ang aking bibig habang nakapanglumbaba akong nakadungaw sa bintana ng karwahe. Gayundin ang mga kasama ko. Marahil ay pagod na sila dahil sa byahe. Hindi na rin nakakapagtataka 'yon dahil tatlong araw bago namin marating ang Kaharian ng Thilawiel. Pero kahit anong pagod na ang nararamdaman, patuloy pa rin hawak nina Vencel at Raegan ang mga dinala nilang papel. Isa-isa nila binabasa 'yon habang nasa paglalakbay. Kumasabagay, kahit na wala kami sa Cyan ay ipinagpapatuloy pa rin nila ang kanilang mga trabaho. Samantalang ako, sitting pretty lang dito. Kahit iniwan ko muna ang trabaho ko, sina Caldwell at Houstin muna ang nakatoka hanggang sa makabalik kami. Si Ceola naman ay abala sa mga ginagawa niya, lalo sa itatayong Unibersidad sa Cyan. Masaya ako dahil napapansin ko ang pagiging dedikado niya para doon.

Umiba ako ng posisyon nang tumigil na ang sinasakyan naming karwahe sa mismong harap ng Palasyo ng Thilawiel. Medyo nawala na ang thrill habang papunta kami dito dahil sa kasamaang-palad, aksidente ako napadpad dito. Napagtanto ko, elemental teleportation pala ang ginawa kong mahika upang makarating dito. Haa... Ngayon lang ako sumablay nang ganito. Ang buong akala ko pa man din ay makakalipad ako tulad ng mga nababasa at napapanood ko. It's kinda made me a little bit disappointed. Pero hindi bale na lang, mukhang mainam na din na may natutunan na naman akong magic spells. At isa pa, tingin ko din ay malaki ang maitutulong nito sa akin sa hinaharap. I have plans to polish it after Otis' birthday celebration.

Maingat at inaalalayan akong makababa ng karwahe. Dinaluhana ko ni Nesta at mga idinala naming tagapagsilbi para ipasuot sa amin ang mga coat dahil taglamig sa bansang ito. Namataan ko din na halos puti ang nakikita ko dahil sa makakapal na niyebe. Nang tumapak na ang mga paa ko sa Palasyo ay nagbukas ang main door. Lumabas mula doon ang Emperador ng Thilawiel, si Emperador Audrick Cairon. Hindi tulad ng Emperador ng Oloisean, blangko ang ekspresyon sa kaniyang mukha nang salubungin niya kami. Nakasunod lamang sa kaniya ang dalawang lalaki na tingin ko ay personal niyang mayordomo. Ang mas nakakapagtataka, bakit hindi niya kasama si Otis o hindi kaya ang nanay nito? Hmm, siguro ay abala ito.

"Ikinalulugod kong nakarating kayo sa aking lupain, Emperador Vencel." pormal nitong bati. Bumaling siya sa amin. "At sa inyo, din mga mahal na prinsipe..." hanggang sa nagtama ang mga mata namin. "At nag-iisang mahal na prinsesa."

Marahan akong pumikit. Hinawakan ko ang palda ng aking bestida upang iangat 'yon nang kaunti. Yumuko ako na parang wala lang. "Ikinagagalak po namin makita kayo ulit, mahal na Emperador ng Thilawiel." magalang kong sagot. Walang bahid na kaba o hindi ako naiintimidate sa kaniyang presensya. Siguro ay dahil na din nasanay na ang sistema ko lalo na't mas nakakaintimidate naman talaga ang mga Eryndor kung tutuusin."Maraming salamat po sa ipinadala ninyong paanayaya at maging parte sa selebrasyon sa gaganaping kaarawan ng prinsipe na tagapagmana." dagdag ko pa. Tumayo na ako nang tuwid.

"Kung ganoon ay hayaan ninyong na ako na ang personal na maghahatid sa inyo sa inyong magiging silid." alok ni Emperador Audrick.

"Maraming salamat, Emperador Audrick Cairon." si Vencel.

Nagsimula na kaming umakyat sa malawak na hagdan bago man namin marating ang loob ng Palasyo. Sinalubong sa kami ng mga magarbo at malawak na lobby. Kapansin-pansin din ang mga nakasabit na malalaki at magagandang paintings dito. Namataan ko din na sumisigaw sa karangyaan ang mga kagamitan dito. Tulad ng aking inaasahan, marami ding pondo ang Thilawiel.

Isa-isa ko pinagmamasdan ang mga painting sa pader. Tumalikwas ang isang kilay ko nang napagtanto ko kung sinu-suno ang mga nasa painting. I assume, they are the late Emperadors who rule this country dahil kasama din ang litrato ni Emperador Audrick sa mga nakalinya dito. Wala pa man ang litrato ni Otis, tiyak magkakaroon din siya sa oras na siya ang tatanghalin na bagong Emperador ng Thilawiel.

Tahimik kaming umaakyat ng grand staircase para marating namin ang pangalawang palapag. Habang naglalakad kami sa malapad na pasilyo ay ginagawa ko pa rin kung ano ang nakagawian ko. Sumusulyap ako sa bintana upang makita ko kung ano ang hitsura ng bakuran nito. Wala ako masyadong makita mula dito dahil sa niyebe. Sayang at hindi ko masisilayan kung gaano kaganda ang Imperial Garden nila kung sakali.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon