Chapter 46

2.4K 171 8
                                    


Halos isang linggo na ang nakalipas buhat nakabalik nakauwi na kami dito sa Cyan. Tulad ng nakagawian ay bumalik na ako sa pagtatrabaho. Masaya ako sinalubong nina Caldwell at Houstin. Natutuwa din ako dahil babalik na din ako sa operasyon sa gayon ay mawawala sa isipan ko kung ano ang mga kaganapan na hindi maganda habang nasa Thilawiel ako. Kahit ganoon, hindi iyon ang magiging sagabal sa usapan namin ni Otis. Hindi iyon ang magiging hadlang upang mahanap ko ang lalaking mula sa panaginip ko. I need to find out who he is. Kung ano ang dahilan upang sirain niya ang apat na Imperyo.

Bueno, hindi lang sunud-sunod na kaso ang aking binibigyan ng solusyon. Nabanggit din sa akin nina Caldwell at Houstin na may mga naghahanap sa akin. May mga gustong mamasukan sa amin kaya nagbigay sila ng mga impormasyon tungkol sa kanila. Ngayon, kaming tatlo mismo ang mag-iinterview sa kanila kung qualified nga sila bilang panibagong myembro ng oragnisasyon na ibinigay sa akin ni Vencel. Kailangan ay maingat at pulido ang pagtanggap namin sa mga ito.

Karamihan sa kanila ay galing sa kilalang pamilya, lalo na't mga anak sila ng duke. Sila ang tipong hindi mahilig makipagdigma pero may ibubuga naman pagdating sa katalinuhan. In short, mga tamad gumalaw! Well, para sa akin ay hindi pupwede 'yon. Papaano namin mahuhuli ang mga masasamang loob kung hindi nila hahabulin, hindi ba? Hindi naman pupwede sa lahat ng oras ay aasa lang sila sa mga mahika nila. Papaano kapag naubusan na sila ng mana? Hindi rin sa lahat ng oras ay tatakbo sila kay Ceola lao na't abala ito sa pagtatayo ng Unibersidad at sa nalalapit na kasal nila ni Cederic. Todo stress naman ang isang 'yon kung nagkataon. At saka, kahit na may mga nakaimbak kaming mga healing potions, nakareserved ang mga 'yon para sa biglaang digmaan kung sakali.

Sa ngayon, may nahired kami na magiging parte ng organisasyon pero hindi pa sila opisyal na myembro. Sabihin nating mga on training palang sila. Kailangan ko ipakilala sa kanila ang environment ng trabaho namin para hindi sila macultured shock sa oras na nasa operasyon na kami.

Napaluhod sila dahil sa pagod. Ilang beses ko pa naririnig ang kanilang malalakas na hingal mula dito. Nakahalukipkip ako't naka de kuwatro na upo. Pinapagitnaan naman ako nina Caldwell at Houstin na seryoso nakatayo sa magkabilang gilid ko habang nasa likuran nila ang mga kamay nila. Seryoso ako nakatingin sa taong nasa harap ko. Nagbuntong-hininga ako. Alam kong masyadong mahirap ang ipinapagawa kong work out pero 'yon nalang ang pinakamadaling paraan para lumakas ang pangangatawan nila especially their endurance status. Kailangan lang nila tiisin ang mga bagay na ipinapagawa ko kung gugustuhin man nila maging opisyal na myembro ng organisasyon.

Tumayo na ako saka binigyan ko sila ng maiinom. Tinanggap nila 'yon. Sa ngayon ay lima ang mga trainee na kinuha namin. Ito palang ang unang batch. Kapag walang nakatagal ni isa man sa kanila, kukuha naman ako ulit mula sa second batch.

I think this is enough time before I will formally announced that I am officially engaged with Otis. Magandang pagkakataon na din 'yon para sa kaniya kung anuman ang mga dapat niyang tapusin. Speaking, hindi ko pa nadidiscuss ang bagay na ito kina Caldwell at Houstin, maski kina Ceola at sa mga Eryndor. Tanging kaming dalawa lang ni Otis ang nakakaalam. Pero para hindi nila ako matunugan, sinadya kong itinago ang singsing na ibinigay niya sa akin. Kasi sa oras na makita nila 'yon, iisipin nila na matatali na ako.

"Magpahinga muna kayo," kaswal kong utos sa mga trainee. Bumalik na ako sa kinauupuan ko. Agad ako nilapitan ni Nesta para bigyan ako ng maiinom. "Salamat." nakangiti kong sabi sa kaniya.

Sinuklian niya ako ng ngiti saka bumalik siya sa kaniyang pwesto. Pinapanood ko ang bawat trainee na kasalukuyan ngayon nagpapahinga, naghahabol ng hininga dahil sa harsh training. Nilapitan naman ako ni Caldwell para iabot sa akin ang mga papel na naglalaman ng ulat. Isa-isa ko 'yon binabasa habang patuloy pa rin ako sa pag-inom. Tumalikwas ang isang kilay ko, may mga nababasa akong mga karumal-dumal na krimen. Pero may isang kaso ang nakakuha ng atensyon ko.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon