Chapter 49

2K 176 13
                                    


"Nahanap ninyo na ba?" tanong ko sa kanila sa pamamagitan ng aking isipan. Binabaybay namin ang kakahuyan.

"Hindi pa po, kamahalan." sabay sa sagot nina Caldwell at Houstin.

I gritted my teeth harder. Humigpit pa ang pagkakapit ko sa damit ni Raegan. Kasabay na mas binilisan pa niya ang pagtakbo niya sa kabayo habang nakasunod naman sa amin ang kaniyang dala na hukbo. Si Otis kaya? Nahanap na kaya niya? Wala akong natanggap na balita mula sa kaniya.

"My rose," tawag ni Otis sa pamamagitan ng aking isipan.

"Nahanap mo na ba?" 'yan agad ang sinabi ko sa kaniya nang nagawa niyang makipag-usap sa akin sa pamamagitan ng aking isipan.

"Mula dito, may natatanaw akong mga karwahe sa labas ng isang kweba. May mga bantay din na sa tingin ko ay hindi lalagpas ng dalawampu na kalalakihan. Pawang may mga suot silang itim na balabal. May mga hawak silang armas, mga espada. Sa palagay ko ay nasa loob ng naturang kweba ang mga biktima at mga iba pa nilang kasamahan. Nasa bandang hilaga-silangan sila."

"Naiitindihan ko, salamat."

"Ikinalulugod ko." hanggang nawala na ang presensya niya sa isipan ko.

"Kuya Raegan, lumiko po tayo sa bandang hilaga-silangan. Doon po natagpuan ni Otis ang mga mandurukot!" malakas kong sabi sa kaniya. "Nasa dalawampu ang mga nasa labas po ng kweba at pawang may mga hawak silang armas kaya mas mainam po na maghanda at mag-ingat!"

"Sige!" sakas marahas niyang iniliko ang kabayo tulad ng itinurong direksyon ni Otis.

Nanatiling ako nakakapit sa kaniya. Mas sumeryoso ang mukha ko. Hindi na ako makapapigil na saktan ang mga walang hiya na dumukot sa mga bata, lalo na kay Birley. Kahit na hindi ko pa nakikita at naabutan ko palang siya habang nasa sinapupunan palang siya ng biscondesa, malapit sa akin ang pamilyang Stodge para sa akin, lalo na si Maria. Alam kong labis ang kalungkutan nila. I can't stand to see them sad and miserable. Sariwa pa sa alaala ko kung gaano sila kasabik na makita nila ang maituturing na bunsong anak ng pamilya Stodge.

We need to save him and those pitiful children no matter what!

"Ihanda ninyo ang mga sarili ninyo! Mag-ingat kayo!" malakas na utos ni Raegan sa mga direct order niya.

"Ha!" matigas at determinadong tugon ng mga ito sa kaniya.

Ilang saglit pa ay inactivate ko ang clairvoyance skills ko. Mula dito ay natatanaw na namin ang grupo ng kalalakihan. Inangat ko nang kaunti ang isa kong palad mula sa pagkabitaw sa damit ni Raegan. Tumalim ang tingin ko. Kukunin ko ang pagkakataon na ito upang umatake habang habang nasa malayo pa kami. Kumapal ang hamog sa paligid ng mga kalaban. Kita ko kung papaano sila naalarma sa ginawa kong mahika. Inilabas at inangat nila ang mga hawak nilang espada. They do a waiting stance. Hinahanda nila ang kanilang sarili sa anumang pagsugod namin. Pero wala silang kaalam-alam na mababalewala 'yan dahil sa naisip kong plano.

Doon ay tahimik nagsilabasan ang mga doopleganger ko sa pamamagitan ng illusion magic ko. Ang bilang nila ay nasa dalawampu tulad ng banggit ni Otis. Dahil din sa ilusyon na ginawa ko ay may mga hawak din ang mga kampon ko na mga armas tulad ng patalim. Tahimik silang naglakad palapit sa likuran ng mga kalaban. Maingat at sinisiguro nila na hindi sila makalikha ng ingay.

Walang sabi na mahigpit nilang niyakap ang mga leeg ng nagbabantay saka walang kagatol-gatol nilang sinaksak kung nasaan ang mga puso nito sa pamamagitan ng patalim na hawak nila. Nakahandusay na sila sa lupa.

Agad pinatigil ni Raegan ang kabayo nang nasa mismong harap na kami ng kuweba. Tumambad sa amin ang mga bangkay ng mga kalaban. Wala na ni isa sa kanila ay buhay pa. Talagang sinisiguro ko na masasaksak ko sila ng direkta sa kanilang mga puso upang wala nang kawala pa. Bukod pa doon, mga tauhan lamang sila. Imposibleng nasa loob ang utak ng kanilang grupo.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon