Chapter Five

110K 4.6K 4K
                                    

“Tangina, sakit ng leeg ko,” reklamo ni Cad habang nakahawak sa leeg n'ya.

“Doon ka na sa kwarto mo matulog. Masakit talaga sa leeg ang pwesto mo rito kagabi,” sabi ko na lang saka tumuloy sa paghahalo ng gatas.

Lumapit na ako sa kanya at inabutan siya ng baso na may gatas. Kitang kita ko kung paano siya napangiwi nang makita 'yon. Pinaghain ko na rin siya ng fried rice. Sobra naman ang niluto ko, e.

“Pero ayos lang, ngayon ko na lang ulit naranasan makatulog nang gano'ng kahaba.” Cad smiled and closed his eyes.

“Why don't you try taking medications for that? Makakasama sa 'yo ang palaging walang tulog... Bakit ba hindi ka makatulog?” Hindi ko mapigilang mag-alala.

“Hmm, actually ang problema ko naman talaga 'yung palagi akong binabangungot sa tuwing sinusubukan kong matulog... Pero minsan naman hindi.” Ngumiti siya sa akin.

“Uminom ka ng tubig bago ka matulog saka magdasal ka rin,” tila nag-aalalang sabi ko.

“A-Ako? Magdadasal?” tanong n'ya at tinuro ang sarili n'ya saka napakurap.

I froze. “Oh, sorry. Are you an atheist or do you belong to other religion? I'm sorry if that's the case,” I apologized.

He chuckled and scratched his nape. “I'm an atheist,” sagot naman n'ya.

I smiled and nodded. “Don't worry, I respect your belief.”

Hindi lang naman siya ang nakilala ko na atheist. Para sa akin hindi naman ibig sabihin no'n, masama na siyang tao.

“Grabe ka, crush. Almost perfect ka na,” nakangiting sabi ni Cad habang nakatingin sa akin.

Naiinis na sinipa ko ang binti n'ya sa ilalim ng mesa. Napadaing siya pero at napangiwi pero maya-maya ay natawa rin nang makita akong nakasimangot sa kanya.

“Minsan seryoso kang kausap, minsan naman nakakainis.” Inismiran ko na lang siya saka nagsimulang kumain.

Cad laughed at me and drank his milk. “Ayaw mo no'n? I'm a boyfriend and best friend material. Ano pa'ng hahanapin mo sa 'kin?” mayabang na sabi n'ya.

“Ayoko sa maingay at isip-bata,” sabi ko na lang at tumuloy na sa pagkain at hindi na siya pinansin.

“Edi isip-bata na, at least pwede naman ako katulong gumawa ng bata,” narinig kong bulong ni Cadence.

Napasinghap ako at muling sinipa ang binti n'ya. “Puro kabalastugan ang nalabas sa bibig mo!” singhal ko.

“Oo na, cute ka na mapikon. Kaya tama na, please. Kumain na lang tayo. Mrs. Dimagiba cutie,” bulong n'ya saka nagsimula ng kumain.

“Ikaw naman ang nangunguna,” saad ko saka napaismid.

Napabuga na lang ako ng hangin at napahilot sa sentido ko. Sakit lang talaga sa ulo ang makipag-usap sa lalaking 'to.

Nang matapos na 'ko maghanda para sa school, bumungad agad sa akin si Cad sa sala. Napangisi siya nang makita ako saka nagsabit ng towel sa batok n'ya.

“Let's go,” sabi ko na lang saka agad na lumabas ng bahay. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin.

Umakbay sa akin si Cadence saka kinurot ang pisngi ko habang palabas na kami ng looban. Naiinis na inalis ko ang braso n'ya saka siniko ang tagiliran n'ya.

“I told you before, don't touch me. Nawiwili ka na porke mabait ako sa 'yo!” singhal ko at itinulak siya.

“Gan'yan ba ang mabait?! Psh,” pagmamaktol n'ya saka napaismid.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon