LI

1.4K 138 44
                                    


MARSELA MARI GUIA

"I'm tired."

Nanlalambot na napasandal ako sa upuan ko. Nakakapagod naman talaga.

"Konting-konti na lang, makakaraos na tayo." segunda pa ni Belle. "Kaso di parin pala. Umay."

Mahinang napatawa na lang ako. Nasa library kaming tatlo nina Sheki at Belle ngayon. Wala naman masyadong naganap na klase pero mga schoolworks, madami, sandamakmak. Gusto ko na lang maging patatas. Hay buhay.

"Ilang araw na lang finals na ah, tapos sunod nun, practice na para sa graduation. Then next, graduation na." Sheki said. "Can't wait." natawa naman ako. Para pa kasing kumikinang ang mata niya ng sabihin niya 'yon.

"Yun ay kung kasama ka sa master list ng magmamartsa." pangbabara naman nitong isa. "Malay mo, hindi. Tapos ikaw lang maiwan sa'tin dito." she added.

"Hoy para sabihin ko sayo Belle, sa ating tatlo ikaw ang kaiwan-iwan." nakangusong ganti ng isa.

"Anong ako? Si Sela kaya!" at tinuro pa niya ko.

Napatuwid ako ng pagkakatayo. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maging reaksyon. Wala silang kaalam-alam sa nangyayari sa'min ngayon ni Abelaine, kaya hindi ko alam kung may alam ba sila o wala. Napakamot na lang tuloy ako sa noo ko, medyo natamaan ako ee.

"Ang pasmado Belle ah." alanganin pang ngumiti sa'kin si Sheki na ikinatawa ko lang naman.

"Wag kayo masyadong maingay, baka mapaalis tayo agad." pagsasaway ko sa dalawa.

Hindi naman sumagot sa'kin ang dalawa at tumango na lang. Binalik ko lang ang atensyon sa ginagawa.

Mahigit isang oras pa ang nilaan namin sa lugar na 'to bago naming napagdesisyunang umalis na. Tutal uwian narin naman, makakapagpahinga na kami.

"Kamusta kayo ni Alice Shekinah?" Belle asked her out of nowhere.

Napasulyap naman ako kay Shekinah. Napapansin ko lang kasi, hindi na sila masyadong nag-uusap ni Ate Alice, ni ang magkasama nga, hindi na nila nagagawa. Need ko ng ganap, asap. Chour.

"Oo nga, hindi na kayo nag-uusap." dagdag ko pa. "Magkaaway kayo?" pag tatanong ko pa.

"Hindi naman." she simply said. "Hindi naman kailangan oras oras kaming magkasama. Hindi naman kami in the first place." prenteng dagdag pa niya.

Napakunot noo naman ako. "Ay hindi kayo?" hindi pala sila? Akala ko ee.

Pero ang babaeng ito, tinawanan lang ako saka nauna ng maglakad. Nagkatingin pa kami ni Belle at sabay na napakibit balikat. Hindi ako Psychology student, pero ramdam ko na may ayaw siyang sabihin sa'min.

Nagkahiwa-hiwalay kami pagkalabas ng University. At katulad dati, doon ako sa waiting shed maghihintay ng sundo ko. Ang kaibahan lang, hindi ko kasama ang taong lagi kong kasama dito sa tuwing uwian na. Mapait na napangiti na lang ako. Ni hindi ko nga alam kung kami pa ba ee. At para akong tangang nanghuhula dito kung may kami pa ba sa salitang tayo.

"I need to talk to your friend Gia. I badly need to talk to her."

Natigilan ako. Medyo nakaramdam din ako ng gulat ng silang dalawa ang bumungad sa'kin dito sa shed. Hindi ko lang kasi inaasahan.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon