Chapter Six

110K 4.7K 4K
                                    

“Magpahinga ka na,” sabi ni Cad.

Nakaupo na naman siya sa tabi ko habang nakapatong ang ulo sa unan na nasa mesa. Malamang tititigan n'ya na naman ako at dadaldalin habang nagtatrabaho hanggang sa makatulog siya.

“I can't. I still have a lot of work to do.” I sighed and slapped my face then shook my head.

Napasinghap si Cadence sa ginawa ko at agad na hinawakan ang kamay ko. “Tanga ka. Ipagtitimpla na lang kita ng kape. H'wag mong sampalin sarili mo,” panenermon n'ya.

He let go of my hand and stood up to make coffee for me. I just closed my eyes tightly and took a deep breath. Kailangan kong labanan ang antok para wala na 'kong masyadong iisipin bukas.

Pagkatapos magtimpla ni Cad ng kape, agad siyang umupo sa tabi ko at inabot 'yon sa akin. Muli n'yang ipinatong ang ulo sa unan na nasa mesa sala tumitig sa akin.

I smiled at him. “Thank you.”

I looked at my laptop again and continued what I was doing. Cad played with the ends of my long hair with his fingers. I didn't stop him because he seems entertained with my hair. Itinuloy ko na lang ang powerpoint na ginagawa ko.

“Gusto mo tulungan kita?” biglang tanong n'ya.

“No, you don't have to. I can manage. Besides I prefer doing this alone,” sabi ko na lang.

“Okay. Sabihin mo na lang kung kailangan mo ng tulong. Hindi lang obvious pero matalino ako,” mayabang na sabi n'ya.

Natatawang napailing na lang ako. “Oo na, Mr. Dimagiba.”

“Tinatawag mo siguro akong gan'yan para tawagin kitang Mrs. Dimagiba, 'no?” tila nanunuksong tanong n'ya.

I rolled my eyes at him. “You're being delusional again. Kapal ng mukha.”

Natawa na lang siya sa sinabi ko at muling natahimik. Malamang nag-iisip na naman siya ng iku-kuwento o sasabihin.

“Nakakapagod ba talaga maging teacher?” biglang tanong n'ya.

Nanatili ang mga mata ko sa laptop pero sinagot ko ang tanong n'ya.

“Oo, nakakapagod. Nakaka-stress din,” natatawang sabi ko saka napailing.

“Bakit ka nag-teacher? Sa pagkakaalam ko pa hindi rin gano'ng kalaki ang sweldo n'yo,” pag-uusyoso n'ya pa.

Napangiti ako. “Hindi naman 'yon sa sweldo, Cad... This is my calling. Wala sa akin ang laki ng sweldo. Ginagawa ko 'to dahil mahal ko ang ginagawa ko. Being a teacher is stressful, but I'm the happiest every time I teach my students. Lalo na kapag nakikita ko na nasa landas sila na alam nilang tama, kapag nagiging successful sila at masaya along the way, that's so fulfilling as a teacher. Masaya ako kapag ginagabayan at tinuturuan ko ang mga estudyante.”

Saglit na natahimik si Cad. Pakiramdam ko naging madaldal na 'ko simula nang mangupahan siya rito.

“Hindi mo 'ko estudyante pero pwede mo rin ba 'kong turuan?” tanong n'ya.

Napatingin ako kay Cad saka natawa. “Ano naman ang ituturo ko sa 'yo?”

“Turuan mo 'kong magmahal,” agad na sagot n'ya.

I glared at him and kicked his leg. He just laughed at me and pinched my cheek.

“Puro ka-kornihan ang sinasabi mo,” bulong ko saka inismiran siya.

“Sus, bakit kinilig ka? Namula pa nga 'yang pisngi mong cute,” nanunuksong sabi n'ya saka muling kinurot ang pisngi ko.

“Stop nga,” naiinis na sabi ko at inalis ang kamay n'ya.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon