First customer

3.7K 8 0
                                    

Myca's POV

Bumaba na ako suot-suot ang tight jeans at croptop na kulay pink. Tinali ko na lang ang buhok ko para hindi sagabal sa biyahe. Naglagay lang ako ng lip shiner at polbo para hindi ako magmukhang maputla.

Nasa baba pa ang magkakapatid patuloy parin sa panonood ng t.v.

"Mga kuya, alis po muna ako may pagdedeliveran lang ako ng order. Tapos ko na po mga gawain ko." Kuya ang tawag ko sa kanila pati kay Kuya James na halos kaedad ko lang.

"Lapit ka nga muna dito." Sabi ni Kuya Ysmael.

"Bakit naman?" Sabi ko na may kunot ang noo. Mang-aasar na naman to eh.

"Wag ka na lumapit, Myca. Aasarin ka lang niyan." Sabi naman ni kuya James sabay kaway sa akin.

"Ano ka ba. Sasabihin ko lang na bagay sa kanya ang suot niya nagmukha na siyang tao." Asar ni Kuya Ysmael sabay tawa. Natawa rin ang dalawa.

"Ang ganda kaya ni Myca."Depensa ni Kuya James.

Nginitian ko na lang silang tatlo at nagpaalam na paalis.

"Sige na, bye sa inyo. Salamat sa compliment Kuya Ysmael at mukha naman talaga akong tao, maganda at sexing tao." Sabi ko sabay tawa din.

Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa bike ko. Everytime na nagdedeliver ako sa mga malalapit lang ay bike ang gamit ko. Kapag malalayo naman ay ihinahatid ako ni Kuya James.

So, ngayon ay solo flight lang ako.

Malapit lang ang bahay ni Sir Jay nasa pangatlong kanto lang mula sa rotonda. Binaybay ko na ang kalsada patungo sa kanila. Marami ng sasakyan na bumabiyahe kasi tanghali na. Medyo mainit na ang simoy ng hangin.

Ilang minuto lang ay dumating na ako sa apartment ni Sir. Ititext ko muna si Sir.

"Nasa labas na po ako,Sir."

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at bumungad ang nasa 40s na si Sir Jay. In fairness gwapo si Sir lalo ngayon at bagong gupit ang buhok niya. Bumata siya tuloy sa paningin ko.

"Pasok ka, Myca." Pagkasabi ay pumasok na ako sa loob.

All white ang paint ng apartment ni Sir Jay. May makikita kang few decors sa loob. Umupo na ako sa couch na kulay peach.

"Hintayin mo lang ako saglit Myca ha kukunin ko lang yung bayad ko sa kwarto."

"Sige po." Sabi ko.

Comfortable ang couch at malambot. May kaya to si Sir kasi nagtatrabaho bilang Legal Consultant sa Munisipyo. Umorder siya sa akin ng dalawang polo shirt na susuotin daw niya sa susunod na linggo.

Maya-maya pa ay lumabas na siya.

"Magkano nga ulit yan, Myca?"

"1,430 po lahat sir including shipping fee po." Sabi ko sabay abot sa parcel niya.

"Sige, kasya kaya sa akin yan?"

"Opo kakasya yan. Large size po kayo kaya kasya yan."

"Oh sige. Pwede ko ba isukat? At saka tingnan mo na rin kung alin sa dalawang kulay ang mas babagay sa akin. Okay lang ba?"

"Ako po ang pipili kung alin ang bagay?"

"Oo naman. Wala naman akong ibang kasama dito ikaw lang." Sabi niya habang binubiksan ang parcel niya. Checkered blue and white ang isa at grey naman ang isang polo shirt.

"Halika pasok tayo sa kwarto . Doon na ako magbibihis."

"Ano po?"

"Oo, sa kwarto alangan naman dito ako sa sala maghubad."

DON'T CALL ME A WHORE!Where stories live. Discover now