Chapter 51

2.1K 170 6
                                    


Pareho kaming tuliro ni Otis. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami makapaniwala. Out of the blue, biglang may batang susulpot sa harap namin at tatawagin kami na magulang nito kahit alam naming dalawa wala nangyari sa amin. Maybe we exchanged kisses already and talk about the plans regarding the wedding, pero wala pa sa ganoon! I'm still a virgin and there's no way I have already a child!

Bumaba ang tingin ko sa bata na nasa tabi ko. Masaya siyang nakaupo sa pagitan namin at nakahilig siya sa braso ko, mahigpit naman siya nakakapit sa braso ni Otis na akala mo ay ayaw na nito pakawalan. Sino ba talaga nag batang 'to? Why she suddenly appeared infront of us? Hindi kaya napagkamalan lang niya kaming mga magulang niya dahil kahawig namin ang mga ito, hindi kaya?

Inilipat ko ang tingin ko kina Caldwell at Houstin, bakas pa rin sa mukha niya ang pagtataka at naguguluhan sa kanilang mukha. Alam ko kanina ay nawindang din sila nang marinig sa mismong bibig ng bata na tinawag kaming mama at papa nito. Pero ang mas ipinag-aalala ko lang ay si Raegan na ngayon ay nakaupo na nakatingkayad sa damuhan habang napapasabunot sa kaniyang buhok. Kanina pa nga ay gusto na niyang sugurin si Otis, iniisip niya na baka may ginawa itong masama sa akin. Mabuti nalang ay kumalma na siya kahit papaano dahil pinigilan ko siya sa binabalak niya.

Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ngayon ay pinoproblema ko kung papaano ko ipapaliwanag ito kay Vencel pati sa iba pa naming kapatid. Pambihira, babalik ako sa Palasyo para magbigay ng ulat pero mukhang madadagdagan pa dahil sa sitwasyon na ito. Papaano ko ipapaliwanag sa kaniya kung sino ang batang ito?

Nagtama ang tingin namin ni Otis. Kahit siya ay nagtataka sa nangyayari. Wala rin siyang ideya kung sino ang batang ito.

Tumingala ng tingin sa amin ang bata. Hindi nawawala sa mukha niya ang kasiyahan. As if she's longing for a family or what.

I secretly bit my lower lip. Marahan ko siyang inilayo mula sa akin. Tumayo ako. Ganoon din si Otis. Humarap kami sa kaniya. Muli siyang tumingala sa amin. Nawala na parang bula ang kaniyang ngiti kanina. Napalitan agad ito ng pagtataka. Yumuko si Otis para buhatin siya.

"Munting binibini, maaari ba namin malaman kung anong pangalan mo?" marahan na tanong ni Otis sa kaniya.

Hindi agad nagsalita ng bata, sa halip ay lipat-lipat ang tingin niya sa amin. "Wala pwo akwong pwangalan..." mahina niyang tugon.

Pareho kami natigilan nang marinig namin ang sagot niya. What? She's nameless? Papaano nangyari 'yon? May magulang siya pero wala siyang pangalan. Hindi kaya inabandona siya ng mismong magulang niya kaya napadpad siya sa lugar na ito o ano?

Ngumiwi ako. "Alam mo ba kung saan ka nakatira?" ako naman ang nagtanong. Baka sa puntong ito, malalaman namin kung saan siya galing.

Hindi siya muli agad nagsalita. Ngumuso siya saka iginalaw niya ang isang kamay niya. May itinuro siya. Sinundan namin 'yon ng tingin. Naawang ang bibig ko nang itinuro niya ay kalangitan.

"Aaah... I-ibig ko sabihin, may tirahan ka ba? Uhmm, may bahay ka ba mauuwian? 'Yung kasama mo ang mga magulang mo..." pagpapaliwanag ko, maski ako ay hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko.

Binigyan niya kami ng matamis na ngiti. "Ang swabi pwo sa akin, kaywo daw pwo ang mwagulang ko..." medyo tuminis ang boses niya nang sabihin niya 'yon.

Oh my, I feel we were hopeless to know her identity!

"Pwero pwo..." dugtong pa niya. Muli kami tumingin sa kaniya. "Dwoon pwo akwo gwaling..." saka may itinuro siyang matinong direksyon.

Muli namin sinundan ng tingin na 'yon. Medyo natigilan at naniningkit ang aking mga mata. Nagpalitan kami ng tingin ni Otis. Mas lumapit pa ako sa kanila. "Otis," seryosong tawag ko sa kaniya. "Hindi kaya...?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon