IASWAKS2C2

598 53 5
                                    

Coleen's Pov

Pumasok na ako ng kwarto upang magbihis at tsaka inanatay ko na din na pumasok si amy dito sa loob.

Sobrang pagod ako ngayon kaya dapat sosorpresahin ko siya sa pamamagitan ng pagpunta sana namin sa binili kong bagong mansion na para sa amin.

Binili ko yun for the future purposes alam mo naman na graduating na kami at tsaka hindi pwedeng hanggang engagement lang kami.

I'll be preparing na din siguro next next year ng kasal namin, stable naman na yung pinagkukuhanan ko ng income at tsaka independent na ako.

Hindi ko na ginagamit kailan pa yung credit card na binigay sa akin ni dad nung first year ako.

"Mahal?! Tulala kana dyan? Akala ko natulog kana , ito oh regalo ko sayo" sabay abot niya sa akin ng maliit na box hinila ko naman na siya upang yakapin ng mahigpit.

"Salamat dito mahal , saglit lang labas na muna ako ah mukhang dumating na yung inorder ko" sabi ko nang mag notif yung phone ko at nag update na yung driver na magdedelivery.

Tumango na lamang siya at lumabas na ako ng condo at tsaka nagtungo sa may labasan.

Nakita na ako nung delivery boy kaya binigay niya na yung bouquet ng flowers at chocolates , pati na din yung inorder ko na singsing at necklace para kay amy.

Naglalakad na ako pabalik nang sa ganun ay maibigay ko na itong lahat kay amy.

Binuksan ko na ang pinto at hinanap ko kaagad si amy at nakita ko siya sa may kwarto na nag aayos ng kama namin.

"Mahal para sayo nga pala" sabi ko sabay abot sa kanya ng bulaklak at yung iba pang hawak ko.

Bakas naman sa mukha niya yung saya at tsaka dali dali siyang nagpunta sa akin upang yakapin ako.

"Salamat mahal!" Sabi niya sabay inamoy amoy yung bulaklak na binigay ko , kinuha ko na sa loob ng box yung necklace muna na exclusive lang para sa kanya pina customized ko kasi yun.

Dapat bracelet nalang yung inorder ko kasi nga may binigay din siya na necklace sa akin na pareho nung sa kanya bali naka couple necklace kami.

"Ang ganda nito mahal! Hindi ko akalaing magpapagawa ka nito para sa akin!" Manghang mangha na aniya niya napaluhod naman ako at tsaka binuksan na yung singsing at kinuha yung kamay niya.

"Syempre naman para sayo mahal ko, itong singsing na ito ay nagsisimbolo ng pagmamahal ko sayo , I promise na every year ay bibigyan kita nito at habang suot suot mo ito ay sana maramdaman at maalala mo kung gaano kita kamahal amy" medyo madramang aniya ko sa kanya at isinuot ko na iyon sa kanya.

Halos maluha naman siya dahil doon sa maikling speech ko, mahal na mahal kita amy at hindi ako magsasawang iparamdam iyon sa iyo.

"I love you mahal ko!" Sabi niya at isiniil ko na siya ng halik, lumalim lang iyon hanggang sa mahiga kami sa kama.

Natigil nalang iyon nang mawalan kami nang hininga , niyakap ko na siya ng mahigpit at tsaka natulog na kami sapagkat maaga pa ang klase namin bukas.

IT ALL STARTED WITH A KISS (COCOTYANG)Where stories live. Discover now