. . . ⇢ 64 ˎˊ˗

173 13 4
                                    

"kingina mo!"

natawa ito sa sinabi ng dalaga. "inaano kita?"

"inaano? talaga ba yang jungwon? 3 weeks ka lang namang hindi nagparamdam!" pagmamaktol ni francine sa kausap nito sa phone, si jungwon.

yes, you heard it right. mula nang umalis si jungwon para mag-train sa japan, ayos pa naman ang communication nila sa isa't-isa kahit minsan saglit lang sila mag-usap dahil sa schedule ni jungwon.

pero isang araw, nagulat na lang si francine dahil wala siyang natanggap na text kahit ni-isa kay jungwon which is strange dahil tuwing umaga nag-iiwan ito ng good morning sa kanya.

noong una inakala ni francine na baka busy lang ni jungwon pero lumipas ang isa, dalawa at umabot pa ng tatlong linggo pero hindi pa rin nagpaparamdam si jungwon.

nag-alala si francine, of course. gusto niya i-contact ang agency para malaman ang condition ni jungwon pero pinigilan niya ang sarili niya at isinaisip na lang na baka nga sobrang busy ni jungwon.

at ngayon, heto si jungwon. makalipas ng 3 weeks ay ngayon lang siya muling nagparamdam. hindi mababaw na tao si francine pero naiyak siya nang marinig muli ang boses ng jowa niya.

ediwao, chos.

"i'm sorry, sorry na ha?" jungwon said softly.

syempre marupok si francine kay jungwon edi ayon natawa siya habang umiiyak na parang sira. "fine, fine. pero ano ba kasing nangyari?"

matagal bago nakasagot si jungwon at saka napabuntong hininga. "nalaman nila ang tungkol sa'tin."

"h-ha!?!" bulaslas ni francine. "a-anong sabi?"

"wala naman kasi co-trainee ko lang naman ang nakaalam sa atin and he's my friend, sabi niya hindi naman siya magsusumbong.. hopefully. and about sa hindi ko pagpaparamdam sa'yo, naging busy lang masyado." malungkot na natawa si jungwon.

"oh.." 'yon lang ang nasabi ni francine.

bukod sa halatang malungkot si jungwon, mahihimigan din sa boses nito ang pagod. kanina nga naririnig niya pang hinihingal si jungwon, for sure pagod na pagod siya sa training.

jungwon auditioned for singing since it's his passion. pero nakapasa siya as one of the trainees para i-debut as a group kaya hindi lang pagkanta ang kailangan niyang i-train kundi pagsayaw din.

"nakakapagod 'yan for sure, pahinga ka kaya muna?" malumanay na sabi ni francine.

"after this, gusto muna kita makausap." sagot ni jungwon na ikinangiti ng dalaga.

"saka na, matulog ka na. importante pa rin na may sapat kang pahinga, hmm?" natawa si jungwon sa sinabi ni francine. "stop laughing yang jungwon, hindi ako nagbibiro kaya mag-rest ka na."

muli ay natawa si jungwon. pero hindi man niya aminin ay nararamdaman niya na ang unti-unting pagbagsak ng talukap ng mga mata niya at anytime ay makakatulog na.

"fine.. but in one condition."

"ano 'yon?"

"sing for me, francine."

natawa si francine sa sinabi ni jungwon saka tumango-tango na tila ba nakikita siya ni jungwon. "i will."

-♡️-

cyril
@cyrillee

cyril
join ka sa movie date later?

francine
date yon bakit mo ko niyayaya, gusto mo ba ko maging thirdwheel ninyo ni jake mah labs mo?

francine
HOY ABA CYRIL LEE HINDI PORKE WALA SI JUNGWON MAH LABS KO DITO GAGAWIN MO NA KONG THIRDWHEEL HA

the real tragedy. enhaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon