Chapter Seven

112K 4.6K 2.2K
                                    

"Bakit may kotse pa na maghahatid sa atin doon?" bulong ko kay Cadence.

Cadence just laughed at me and continued playing with my hair. Ako naman dito hindi mapalagay. We're currently inside a luxurious black car with an agent-looking driver driving for us to Amianna beach. Paano naman ako makakampante sa lagay na 'to?

"Kalma ka lang, Teacher Liah. Diba sabi naman na libre talaga 'yung transportation natin papuntang Amianna? Saka may identification card pa siyang pinakita sa atin," sabi na lang ni Cad saka umakbay sa akin at kinurot ang pisngi ko.

"When I heard free transportation, I didn't expect it to be like this. This is too much for me. I'm nervous." Napahawak ako  nang mahigpit sa laylayan ng damit ni Cad.

"H'wag kang kabahan. Kasama mo naman ako, e... Ang baby mo talaga masyado," natatawang sabi n'ya saka idinikit ang tungki ng ilong sa pisngi ko.

Napabuntonghininga na lang ako at nanatiling nakahawak sa damit ni Cadence. Hindi naman n'ya ako pinigilan at hinayaan ako.

"Yumakap ka na lang sa 'kin para hindi ka kabahan," nakangising sabi n'ya saka kinuha ang kamay ko at niyakap 'yon sa baywang n'ya.

"C-Cad!" I immediately pushed him away from me.

Cadence let out a manly chuckle and pinched both of my cheeks. "Oo na, cute ka na, mareng Liah," natatawang sabi n'ya saka muling kinuha ang kamay ko at ikinapit 'yon sa damit n'ya.

Napaismid na lang ako at kumapit sa damit n'ya. Umakbay ulit siya sa akin saka inilapit ang ilong sa buhok ko at inamoy 'yon.

"Ang bango ng shampoo mo. Paggamit din ako ha," biglang sabi n'ya.

Napatingin ako sa kanya, pero agad din akong napaiwas ng tingin dahil ang lapit pala ng mukha n'ya sa akin. Agad na nag-init ang pisngi ko pero pinili ko na lang na h'wag ipahalata na apektado ako.

"A-Ano ka ba? Tipikal naman ang gan'yang amoy na shampoo kasi marami namang nagamit n'yan," sabi ko na lang.

Natahimik na lang kami pareho habang nasa biyahe. Kahit papa'no kumakalma na ako, hindi ko alam kung bakit.

I yawned and closed my eyes. I didn't get to sleep properly last night because I was so excited for this trip.

"Inaantok ka?" tanong ni Cad. Marahan n'yang hinaplos ang buhok ko habang nakaakbay pa rin sa akin.

Isinandal n'ya ang ulo ko sa balikat n'ya saka inilapat ang pisngi n'ya sa ulo ko. Napakurap na lang ako sa ginawa n'ya. Marahan n'yang hinaplos ang braso ko saka bumulong sa akin.

"Tulog ka muna. Matagal-tagal pa naman ang biyahe."

I bit my lower lip and didn't respond. I just closed my eyes and tried to calm my raging nerves and this unknown feeling in my stomach. Why am I being like this towards him lately? Hindi na yata 'to normal.

Sinubukan ko na lang matulog kahit nagwawala ang puso ko... I don't know what made me feel sleepy and comfortable right now... if it's his natural scent or his warmth.

Kumapit na lang ako sa damit n'ya at sinubukang matulog. Lalo akong inantok dahil sa paghaplos n'ya sa buhok ko... hinayaan ko na lang nang tuluyan na 'kong hinila ng antok.

"GISING NA, Liah... Nandito na tayo."

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Cad. Marahan kong idinilat ang mga mata ko saka napatingin sa kanya. Napangiti na lang siya saka inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa ilalim ng tainga ko.

"Matulog ka na lang ulit sa hotel room kung inaantok ka pa," sabi pa ni Cadence sa malumanay na boses saka hinaplos ang buhok ko. 

I just groaned and hugged his waist tighter. Cad chuckled and sniffed my hair... My eyes widened when I realized what's happening right now. I immediately distanced myself from Cad as my cheeks burned with embarrassment. What the hell am I thinking? Why did I cling on him like a leech? Sobrang nakakahiya!

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon