eighteen

114 16 7
                                    

Riki.

papasok na si luna at nakatapat sa kanya ang ilaw .. lahat naman kami ay nakatingin na sa kanya pero bakit wala si kuya sa tabi niya?

nagbubulungan na ngayon yung ibang guests at yung iba naman ay walang pakealam . di naman nila alam na may escort dapat ngayon si luna .

nakita ko naman na kahit nakangiti siya ay hindi iyon abot sa mga mata niya . di tulad ni kian na daig pa yung araw sa pagiging bright .

tumingin naman ako sa paligid pero di ko talaga makita si kuya pero nandito na sina kuya jay at kuya jake , bakit siya , wala pa ?

" kuya , nasaan si kuya ethan ? akala ko ba dadaanan niya kayo ?" tanong ko kay kuya jay na panay ang papogi sa mga dalaga sa table malapit samin , chickboy talaga hayss ..

" akala ko nga din eh pero nagtext siya na mauna nalang daw kami kasi may dadaanan siyang importante . di ko nga alam kung mas importante paba yon kesa sa pagiging escort nita kay luna "

" hala eh sobrang late naman yata niya .. walang escort si luna oh . " sabi ko naman .. ano kaya ang dinaanan non at hanggang ngayon ay wala pa siya .

" ikaw nalang kaya maging partner niya , diba crush mo si luna ?" pabulong na sabi ni kuya jake na nasa tabi ko rin .. nagulat naman ako sa sinabi niya at dali-daling tinakpan ang bibig niya . baka marinig ng iba eh .

" luhh si kuya , pabida .. ayokong kuhanin yung role ni kuya ethan no . at baka ayaw din ni luna na makapartner ako .. ayokong mapahiya "

" di mo pa nga nata-try , aayaw kana ?? " sabi ni kuya jay at itutulak na sana ako papunta kay luna nang bigla nalang dumating si kuya ethan na may kasamang babae . hala sino naman yan ..

nakita ko namang hinanapan muna ni kuya ng mauupuan ang kasama niya bago pumunta sa tabi ni luna . nakita ko naman na tinitingnan niya ang kasama ni kuya na may halong pagtataka at inis . haha , selos yarn ?

" ay pota , dinala niya yung babae na dinideskartehan niya sa school " sabi lang ni kuya jay kaya nagtaka ako . wala namang nabanggit na ganun si kuya sakin ah.

" hala oo nga .. di naman niya sinabing magdadala siya , sana dinala ko na rin yung akin " sabi naman ni kuya jake .. sana all nalang

at kahit na nagtatampo si luna kay kuya , kumapit parin siya nang ilahad ni kuya ang braso niya sa kanya at nagsimula na silang maglakad papuntang gitna .

---

nasabi na ng MC lahat ng kailangan niyang sabihin at ngayon magsisimula na ang cotillion . kinakabhan ako na excited .. alam niyo yun ? yung hindi ka mapakali ??

pinagpapawisan na ako dahil ako na ang kasunod ni kian sa pagsayaw kay luna .

nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang naghihintay ng turn ko .. nakita ko namang napatingin si luna sa akin at ngumiti . and that's the cause of my death .. dejoke charot lang peri parang hihimatayin na ako dito . anlamig pa ng pawis ko ..

natapos nang isayaw ni kian si luna , hinigpitan ko naman ang paghawak sa rosas na kanina kopa hinahawakan .

hinalikan ko muna ito bago ko abutin ang kamay ni luna na ipinasa ni kian sa akin . he even nudge me before he left us .. loko talaga tong si kian .mukhang may balak ilaglag ako ..

" hi " bati ko kay luna nang magkalapit na kami . napangiti naman siya ulit tas eto ngayon natunaw na naman ako

" for you .. " i said shyly .. really self ? ngayon kapa talaga nahiya ?

tinanggap naman iyon ni luna .. di ko alam kung masaya siya na makasayaw ako o masaya siya dahil pagkatapos ko ay si kuya ethan na .. hays , nag-o-overthink na naman ako .

" thank you riki !" sabi naman niya nang matanggap yung bulaklak . aaminin ko , kinilig ako dun ! send help !!

isinayaw ko siya sunod sa musika na nanggagaling sa malaking sound system sa di kalayuan . feeling ko ngayon ay nakalutang ako sa alapaap pero medyo exaggerated yun kasi di ko naman talaga alam ang feeling na lumutang dun . pero mga pars , kinikilig ako shet .. nanghihina yung tuhod ko pero kailangan kong maging strong para sa ikakaunlad ng pilipinas . walang connect yun .. yes po , opo .

" parang nahihiya ka yata ngayon riki .. ano nakain mo ?" tanong niya sakin kasi di ko siya matingnan

" yun nga , wala pa akong nakain kasi balak kong mag mukbang mamaya kaya sadyang nagpagutom talaga ako "

" nice , bumalik ang dating riki .. ikaw na ulit yan , congrats bro " ouch bro zoned .. samahan niyo kong umiyak .

" grabe naman , na bro zoned ako .. wala nabang mas le-level up pa diyan ?" suggestion lang naman kasi baka ma promote ako from bro zoned .

" sige , sis .. " sabi naman niya .. nakapanglulumo talaga guys . saksakin niyo nalang ako please .

nag hum naman ako sa tune ng kanta ni Jom ng Almost na ngiti ..

"ngumiti ka lang ~ malalampasan mo yan ~"

"bakit kapa naghu-hum diyan eh may music naman "

" ahh wala , gusto ko lang ng bgm as celebration sa pagiging sisters natin " i told her sarcastically .. bobo siya pag hindi niya nahalatang sarcasm yun

" ahh ganun ba ?? osige" ay bobo nga

natapos na yung time para makasama ko siya dahil binanggit na ng panirang MC yung pangalan ni kuya .. minsan na nga lang mag moment , sisirain pa niya . hustisya naman sana

nakita ko naman kung gaano siya na excite .. edi wow .. ako lang to guys yung na sister zoned  tsaka naiwan dahil nakahanap ng mas better .






-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon