LIV

1.4K 138 29
                                    


ABELAINE TRINIDAD

"Update me, okay?"

Kukurap-kurap ang matang tumango ako sa kanya. "Yes, I promise."

Matamis na ngiti pa ang ginawad niya sa'kin at saka marahang hinaplos ang pisngi ko bago tuluyang lisanin ang kwartong 'to.

Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang makalabas dito sa kwarto. Hindi ko naman napigilan ang mapahinga ng malalim.

"Napaka ganda nga niya talaga." punong-puno pa ng paghanga sa boses ni Rans ng sabihin niya 'yon.

Nakangiting binalik ko ang tingin sa kanya. "Oo, sobra." lahat ata ng bagay sa kanya ay maganda. Wala nga akong maipipintas kay Marsela. "Kaya magpapasalamat ako sayo at diyan sa boyfriend mo." mabilis ko pang sinulyapan si Justin na nakataas na ang kilay sa'kin ngayon. "Kung hindi niyo kami niloko, hindi ko makikilala si Sela. Salamat parin." nakangiting dagdag ko.

Mahinang tinawanan naman ako nitong babaeng prenteng nakaupo dito sa higaan niya. "Wag mo ng pakawalan 'yan, gold na 'yan ee."

Hindi ko na siya sinagot bagkus tinawanan na lang. Hangga't maari, at hangga't kaya ko, hindi ko siya hahayaang mawala sa'kin.

Namayani ang mahabang katahimikan sa'ming tatlo. At sa mga oras na 'to, hindi ako manhid para hindi maramdaman na parang may kakaiba sa kanilang dalawa. Parehas silang hindi makatingin sa isa't isa.

Napakamot na lang ako sa noo ko bago tumikhim. "Ano ba talagang nangyari?" pagbasag ko sa mahabang katahimikan. "Bakit parang may pakiramdam ako na may iba pang nangyari bukod sa pagka-aksidente mo?" dagdag ko pa.

Mas lalo lang niya pinatunayan sa'kin na may mali nga dahil sa biglang pagka-ilap ng mga mata. Huminga ako ng malalim at marahang hinawakan ang kamay ng babaeng minsan ko ng minahal. "What happened Rans? You can tell me."

She staring at me intently. Pansin na pansin ko rin ang sunod-sunod na paglunok na nagawa niya, na para bang may pinipigilan siyang emosyon na ayaw niyang ilabas.

"I lost him Abelaine." pero bigo siya. Dahil pagkasabi niya ng mga katagang 'yon, ay siyang pagbuhos ng luha niya. "My  b-baby, I lost him."

Napatuwid ako ng pagkakaupo ko. Bahagya namang umawang ang labi ko para lang isara ulit. "What?" medyo pumiyok pa 'ko ng itanong 'yon.

"She was pregnant when that accident happened." Justin said all of sudden. Bakas na bakas ang lungkot at sakit sa mga boses niya ng sabihin niya 'yon.

Tuluyan na kong natameme. Para akong naputulan ng dila ngayon. Hindi ko magawang magsalita. Naghihinang napasandal na lang ako dito sa upuan ko habang nakatingin kay Rans na tahimik na umiiyak ngayon.

Kaya pala sobrang pugto ng mata niya nang dumating kami. Ganon pala talaga ang totoong nangyari.

Napalunok na lang ako. "Gaano." I paused and inhaled deeply. "Gaano katagal ka ng buntis?"

Sinulyapan naman niya ko para lang tipid na ngumiti. "Dalawang buwan na."

Literal na napatampal ako sa noo ko. Bigla akong na-stress. Jusko lang. Parang may nakabara pa sa lalamunan ko dahil miski ang paglunok, hirap akong gawin. Hindi ko naman kasi inaasahan na ganito ang malalaman ko sa kanila. Hindi ito pumasok sa isipan ko.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon