Kabanata 5

753 25 2
                                    

Unang araw sa pangalawang linggo ko rito bilang adultsitter. Hindi na siya baby kaya iyon ang dapat na itawag ko sa kanya. Mas mabuti pa nga kung bata ang binabantayan ko, atleast ang bata hindi ka pagsasalitaan ng masakit. Eh, iyong Alex na iyon parang may punyal bawat lumalabas sa bibig niya.

Kunting tiis na lang talaga at aalis na ako sa bahay na ito. Mas mabuti pang sa fastfood na lang ako mag-trabaho kahit hindi kalakihan ang sweldo, walang nananakit sa akin. Kapag nakuha ko na ang unang sweldo ko, maghahanap ako ng pwedeng pumalit sa akin dito para hindi na mag-abala si Nay Lolit na maghanap nang ipapalit sa akin.

Nauna akong nagising kaysa kay Joce. Tulog na tulog pa ang babae at ayaw ko na muna siyang gisingin dahil maaga pa naman. Naligo ako at isinuot ang uniform na bigay ni Nay Lolit. Mukhang pang mayaman lang talaga ang may ganitong uniform para sa mga katulong. Kaso, ganito rin ang sinusuot ng mga nakikita ko sa porn na kunwari katulong pero kinakayod naman ng amo.

"Joce, hoy! Gising na!" sabay yogyog ko sa katawan niya pero umungol lang siya. Tulog mantika talaga ang babaeng ito, ang hirap gisingin. Paano ba naman kasi nanunuod pa ng palabas lalo na at libre ang wifi dito.

"Bahala ka diyan. Basta ako, mauuna na ako sayo at baka magising na ang amo kong palaging may topak," giit ko at hindi ko alam kong narinig ba ako ni Joce. May alarm naman siya kaya magigising din siya mamaya.

Nagpunta na muna ako sa kusina at nadatnan si Nay Lolit na mukhang nagkakape. Hindi maitago ang gulat sa mukha niya. Alam ko na iyon kung bakit.

"Honey, ayos ka na ba? Hindi ko naman babawasan ang sweldo mo. Magpahinga ka na muna at baka mabinat ka," pag-aalala niyang sinabi. Kumuha naman ako ng tasa at nag timpla ng sariling kape. Mamaya na lang ako mag-aagahan. Naupo ako sa harap ng ginang at binigyan siya ng ngiti.

"Maayos na po ang pakiramdam ko. Huwag po kayong mag-alala at sasabihin ko kaagad sa inyo kapag sumama ang pakiramdam ko," panigurado kong sinabi sa ginang.

"Oh siya, basta kung may maramdaman ka sabihin mo sa akin agad," aniya at natapos ang pagkakape namin na hindi pa rin nagigising si Joce.

Nagpasya akong umakyat papunta sa kwarto ng asungot kong amo at baka makalat na naman ang kwarto niya. Magliligpit na lang muna ako kung sakaling natutulog pa siya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan upang hindi makagawa ng ingay.

Ayon, tulog pa nga siya. At ayon, sobrang kalat na naman ng kwarto niya. Nagtataka ako kung bakit palaging nakakalat ang magazine kung saan. Hindi niya naman iyon mababasa. Anong ginagawa niya sa mga magazine?

Pinulot ko ang mga ito at noong niligpit ko ito no'n ay hindi ko na nagawang mapansin kung anong klasing mga magazine ba ang mga iyon. Napangiwi ako nang makitang mga babaeng halos hubo't hubad ang nasa magazine. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit palagi itong nakakalat. Malamang ini-imagine niya ang mga babae rito. Lalaki pa rin naman siya kaya naiintindihan ko.

Isa-isa kong ibinalik sa ilalim ng mesa ang mga magazine at napansin ko ang mga medyas. Tatlong medyas. Bakit may medyas dito? Nilalamig ba siya kagabi kaya kumuha siya ng medyas? Wala sa sarili kong pinulot ang medyas at  agad naestatwa habang unti-unti kong binitawan ang medyas. May nahawakan akong kakaiba roon.

Napapikit ako at nagdarasal na sana mali ang nasa isipan ko. Ngunit nang tingnan ko ang kamay ko ay napagtanto ko kung ano iyon.

Mga tamod iyon!

Para akong nasusuka at agad kumaripas ng takbo sa banyo upang hugasan ang kamay ko. Bakit kailangang sa medyas pa niya ipahid ang mga iyon?! Napakabalahura ng lalaking iyon!

"Kadiri. May tissue naman, bakit kailangan sa medyas pa?" bulong ko sa sarili dahil sa sobrang inis habang kinukoskos ang kamay ko. Ngayon pa lang ako nakakita at nakahawak no'n sa tanang buhay ko.

Secret ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon