Chapter 14

1.4K 52 0
                                    


--

Hindi maalis-alis ang tingin niya sa akin. Nando'n pa din ang hindi makapaniwala niyang ekspresyon habang hinihimas ang aking buhok. Her gaze never left my face na para bang kinakabisado niya ang bawat detalye ng mukha ko.

"I'm sorry. Patawarin mo sana kami kung bakit hindi kami ang nandiyan habang lumalaki ka" ayon palang ang sinabi niya pero nahihirapan na akong lumunok. Nag simulang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi alam kung anong gagawin.

"Alam ko na naguguluhan ko kung bakit bigla kaming sumulpot at nag pakilalang mga magulang mo kahit ang alam mo ay matagal ng patay ang magulang mo. Sila Cristina at Kael ang nag palaki sa'yo tama?" tumango ako dahil hindi ko magawang ibuka ang aking bibig. Ngumiti siya sa akin at nakita ko ang lungkot sa mata niya "Matalik na kaibigan ko ang itinuring mong mga magulang, anak. Sa kanila ka namin ibinigay dahil alam ko na ligtas ka sa kanila"

"B-Bakit niyo po iyon ginawa?" ngumiti siya ng malungkot sa akin at tumingin sa ama ko na tahimik lang na nanunuod sa amin. Tumango ang ama ko na para bang ayos lang na si mama na ang mag kwento ng lahat.

Hinawakan ni mama ang kamay ko at pinisil ng bahagya "Kinailangan namin gawin iyon para iligtas ka. Hindi basta bastang pamilya ang meron tayo anak kaya marami ang gustong pabagsakin tayo lalo na ikaw dahil ikaw ang isa sa tagapag mana ng ari-arian na meron kami ng ama mo. Puntirya ka ng mga kalaban namin anak lalo na rin siguro na masyado ka pang bata at walang muwang ng mga panahon na iyon."

"They tried to harm you not just once but twice. No'ng una ay simpleng kidnapping lang ang ginawa nila. Humingi sila ng ilang milyon kapalit mo at dahil mas mahalaga ka sa higit na ano pa man ay hindi kami nag dalawang isip na ibigay ang gusto nila but one of our trusted friend suggest something para mahuli ang kumuha sa'yo at para hindi na maulit pa ang gano'ng bagay. Noong una ay umayaw kami sa plano dahil binantaan kami na kapag huminge kami ng tulong ay sasaktan ka nila pero nangako si Jacob na walang mangyayareng masama sa'yo kaya pumayag din kami sa huli" huminga pa siya ng malalim bago nag salita ulit "To make the story short the plan went successful. Nakuha ka namin ng ligtas at nahuli ang mga may sala. Akala namin ay doon na natatapos pero marami ang gustong pabagsakin kami. Kahit marami ang naging bodyguard mo ay nakuha ka pa din nila. Hindi ko alam ang nangyare sa'yo sa kamay nila pero hindi ko kinaya ang itsura mo ng madatnan ka namin" bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. What happen to me that day? Bakit hindi ko maalala?

"Maybe you're wondering why you can't remember. You suffered from permanent lost of memory. Nawalan ka ng alaala, my princess. Nalaman namin iyon ng chineck ka ng doktor pagkagising mo."

"Masakit malaman na gan'on ang nangyare pero sa kabilang banda ay nag papasalamat kami na nawalan ka ng memorya  dahil alam ko kahit hindi mo nagawang ikwento sa amin ang nangyare sa'yo ay sobrang trauma ang dinanas mo sa kamay nila. Dahil sa takot na may mangyare ulit sa'yo ay kahit masakit, nag desisyon kami na ipaalaga ka sa matalik kong kaibigan. We cut our ties to you and let you live a normal life with them"

"Maiintindihan namin kung magagalit ka sa amin anak pero sana ay maisip mo na hindi namin iyon ginawa dahil hindi ka namin mahal. Mahal na mahal ka namin my daughter. You are our only life. Buhay ka namin anak ko"

"I'm not mad. I understand, ma. And thank you for thinking about my safety"

Puro iyakan at yakapan ang nangyare sa amin doon. Hindi na ako nag tanong pa tungkol sa nakaraan dahil ayuko nang balikan pa. Ramdam ko din ang pahhihirap nila habang ikene-kwento ito sa akin kaya hindi na ako nag abala pang ungkatin ang nakaraan.

"Paano niyo po ako nakita?"

"Oh! About that, Attorney Lluz help us. Nakilala mo na siya hindi ba?" tumango ako kaya ngumiti siya "He's the one who track your location pero nahirapan siya dahil may humaharang kung nasaan ka. Ang huling lokasyon na meron kami ay ang ampunan na kinalakihan mo. Pumunta kami doon at nag tanong pero ang sabi ng isang madre ay umalis ka na." tumango-tango ako habang napaisip.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now