Chapter 16

1.4K 53 0
                                    


--

As what Jaid's promised to our son, he visited this morning and ask for their father and son bonding. Hindi ko alam kung ano ang pakulo niya pero pinayagan ko siyang umalis kasama ang anak namin.

At dahil naka leave siya which means I don't neet to go to work dahil wala naman siya do'n and Jaycee can handle the company, that's what he said.

Kaming dalawa lang ang naiwan ni Jiel sa condo at dahil matagal na simula ng mag bonding kami na kaming dalawa lang nag plano kami na umalis para mamasyal.

Kasalukuyan kaming nasa isang botique dito sa pinasukan naming mall at kanina pa ako napapagod kakasukat ng damit na pinipili niya sa akin. Hindi ko alam pero sinumpong na naman siya at ako ang napag tripan. Nag mistula akong barbie doll na binibihisan dahil mula damit at sapin sa paa ay siya ang pumili at pinapasukat sa akin lahat.

"Try this one" bigay niya sa isang off shoulder above the knee dress na kulay navy blue. Sumimangot ako sa harap niya para makitang pagod na ako. Jusme! Madami na kaming nabili at kinailangan na ng bodyguard na dalhin ang lahat ng paper bags na meron kami.

Nasabi din sa akin ni Jaid and tungkol sa pagkakaroon ko ng bodyguards, it's for safety purposes daw lalo na kung may mangyare na hindi inaasahan. Umamin din siya na matagal na niya akong pinababantayan sa tauhan niya ng palihim pero ngayon na alam ko na ay pwede na daw silang bumuntot sa akin na hindi na poproblemahin kung malalaman ko.

Ayuko sana ng ganito dahil hindi ako sanay pero makulit siya at ito din daw ang napag kasunduan nila daddy ng mag uusap sila kahapon.

"Last na talaga ito babes, promise!" binantaan ko siya ng tingin bago kinuha ang dress sa kamay niya. Narinig ko pa ang tawa nito pagkapasok ko sa dressing room.

Tumingin ako sa salamin pagka tapos kong suotin ang damit. Bilib na talaga ako sa fashion sense ng kaibigan ko. Humulma ang kurba ng aking katawan dahil hapit ang damit sa akin. Kita din kaunti ang cleavage ko pero hindi naman iyon masagwa. I put my hair into messy bond and smile at the mirror.

Lumabas ako at hinanap si Jiel para makita niya ang suot ko. "No wonder Narthaniel is crazy for you. Taray natin babes, ganda ng g-ga! Kainis" pag bibiro niya at hinampas ang braso ko. "Wag ka na mag palit at tara na sa cashier para mabayaran na ito lahat" dahil gusto ko din naman ang damit na suot ko ay pumayag na ako.

Si Jiel ang nag bayad ng lahat dahil libre niya daw iyon sa akin. "Hindi pa din ako makapaniwala na may bodyguard ka dahil kahit ako hindi man lang iyon napansin!" komento niya habang sabay namin pinapanuod ang isang bodyguard na dala ang pinamili namin na ilagay sa compartment ang shopping bags.

"Should we find a resto to eat or drive thru nalang?" tanong niya habang nasa loob na kami ng sasakyan. Nasa isang sasakyan naman ang bodyguards namin, nakasunod lang.

" Drive thru nalang at bibilhan ko nalang din ang mga bata. Paborito nila iyon eh" tumango siya sa desisyon ko. Napag planuhan kasi namin ni Jiel na bisitahin ang ampunan ngayon dahil matagal na simula ng huli kong bisita.

Akala ko nga ay aangal siya dahil medyo malayo iyon pero pumayag siya agad at nag presenta pa na siya ang mag mamaneho.

Habang nasa byahe ay kumakain kami. Nasa back seat naman ang ibang order namin na para sa mga bata. Puro tawanan at catch up lang ang ginawa namin habang nasa byahe hanggang sa makarating kami sa ampunan.

Kukunin ko na sana ang mga pasalubong sa back seat ng pinigilan ako ni Jiel at tumingin sa likod ko. Nakita ko doon si Mark;one of our bodyguards. Ngumiti siya sa amin "Kami na po ang mag dadala ma'am" ang ganda ng pagkakangiti niya kaya nakakahawa. Ngumiti ako pabalik at tumango "Salamat. Sumunod nalang kayo sa amin"

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now