Chapter 14

11.7K 606 189
                                    

"Ano, g ka?"

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung himala o ano na parang last time lang, siya ang topic namin ni Jean ─ tapos ngayon ito siya ─ kinukulit ako.

"Hindi ako confident sa cosplaying," sagot ko kay Seth, ang boyfriend ko kuno. Ini-connect ko yung bluetooth headset ko bago kumilos sa bahay. "Parang iilang beses ko lang sinubukan 'yon, eh."

"Edi dagdagan natin ang experience." He told me on the other line.

Napaisip naman ako. It's been a while since we've hanged out. Hindi rin naman siya halos nag-aaya, parang ilang buwan din yatang nanahimik ang lalaking ito. Pero hindi ko na ma-imagine ang sarili kong nagc-cosplay. Sa aming dalawa, siya ang sanay. Although most often mga character sa games ang kino-cosplay niya.

"Hindi ba pwedeng support-support na lang ako?"

"Anong mapapala ko sa support mo?"

"Confidence?"

"I'm confident enough, Paris." Tumawa ito sa kabilang linya. "Sa gwapo kong 'to?"

"Yabang mo naman." Natawa na rin tuloy ako. Wala rin naman akong ikokontra dahil totoo naman, ang daming iiyak na babae sa kanya kapag nalaman nilang hindi straight itong taong ito.

"So, ano na?" Pag-aaya pa rin nito. "Sure naman akong hindi ka busy kahit kakaiba ang schedule mo. The fact na nakasagot ka sa tawag ko with ease just simply means you have a lot of free time."

Huminga ako ng malalim. Baka magtampo naman 'to kung aayaw pa rin ako, minsan na lang mag-effort 'tong si Seth. "Saan bang event?"

"Malapit lang, hindi hassle. Just your usual go-to mall."

"Sabihan mo na lang ako ng details," I told him. Napahinto ako nang may maalala. "Wait, today, right? Wala pala akong susuotin, and what character?"

"Don't worry, provided na by courtesy of me." Ramdam ko yung ere ng kayabangan sa boses niya. He's just so good with making costumes and stuffs. Pati sa make up, kinabog niya mga professional. Pero hobby niya lang naman iyon. "And, we're going with Genshin characters."

"Wow." Sikat yung laro na 'yon ─ na kasalukuyan ko rin namang nilalaro. I'm really enjoying it ─ and is yuri shipping some characters. "Prepared ka, ah."

"Kabisado ko body size mo."

Napahilot ako sa sentido ko. "Ang pangit pakinggan."

"Madumi ka lang mag-isip."

"Oh, siya. Message mo na lang ako, kain muna ako."

"Alrighty, girlfriend."

"Marinig ka ng crush mo."

"Wala naman dito, eh."

"Baliw."

Tawa niya ang narinig ko bago mamatay ang tawag. Napaunat ako bago tingnan ang oras sa phone ─ ten na pala ng umaga.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan at ligpitin yung mga kung anu-anong gamit na naiwanan ko kagabi ay pumunta na akong kusina to see if there's anything I can cook. Kaka-grocery ko lang naman kahapon. Pakiramdam ko nahahawa na ako kay Jean dahil nagc-crave ako sa noodles.

--

"Ang bigat mo." Reklamo ko nang akbayan niya ako at binigitan pa ang sarili. Ang laki niyang lalaki, makaakbay akala mo ang gaan.

"Aga mo, ah." sabi niya sa akin. Tinulak ko naman yung braso niya paalis sa balikat ko na ikinatawa niya lang. Inayos ko ang damit ko na medyo nagusot dahil sa kanya. "Kumain ka na ba?"

Unrequited [HSS #4, Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon