Chapter 54

2.3K 150 15
                                    

# CHAPTER54

Kalat na ang balita sa Cyan ang tungkol sa papakasal ko kay Otis. Pero dahil totoo naman ang balita na 'yon, wala na akong magagawa pa. Pinapangatawan ko na, wala rin naman dapat itago. Hind na rin ako magtaka kung ako na laman ng chismis sa mga maid. Ilang beses ko na sila nahuhuli na pinag-uusapan ako. Titigil lamang sila sa pag-uusap kapag nakikita nila na paparating ako o dadaanan ko sila. Binabalewala ko lang ito.

Sa loob ng anim na buwan ay nagawa ko parin nang maayos ang trabaho ko. Nabanggit ko na din kina Caldwell at Houstin ang pagkabahala ko sa oras na aalis na ako ng Cyan. Nais kong sila na hahawak ng nasimulan ko. Hindi ko lang inaasahan na pumayag silang dalawa na sa kanila ko na ipagkakatiwala ang organisasyon. Nabanggit ko na din ito kina Vencel. Pumayag sila na patuloy pa rin nakatayo ito kahit iba na ang mamumuno nito. Nagsuhesyon si Eomund at Raegan na maaari daw nilang alalayan ang organisasyon na dahilan upang makahinga ako ng maluwag.

Sa loob din ng anim na buwan, ay patuloy pa rin ako personal na binibisita ni Otis dito sa Cyan, meron ding oras na kasama niya si Ceca dahil sa pagkasabik na makita ako. Minsan ay isinasama ko siya sa aking silid para maglaro o hindi kaya makipagkwentuhan habang si Otis naman ay daig pang ininterrogate ng mga Eryndor sa loob ng mahabang panahon. Wala, ganoon talaga. Kailangan niya talagang harapin at ligawan ang pamilya ko. Dinadamay na niya ang mga ito sa pasalubong niya para sa akin. Kapag may oras ay nagsasparring sila sa ng swordsmanship at kung anu-ano pang armas na kaugnay sa pakikipaglaban. 'Yon ang nagiging bonding nila.

Para kay Ceca naman, nalaman ng mga tao sa buong Palasyo tungkol sa tunay niyang pagkatao. Nagulat kasi sila nang aksidente akong tawagin ni Ceca ng mama at papa naman kay Otis. Ang buong akala nila ay nabuntis ako ni Otis kaya niya ako papakasalan. Mabuti nalang ay naipaliwanag namin sa kanila ang totoo. Ngayon, malapit na din ang batang ito sa mga Eryndor. Natatawa ako sa kanila dahil nanumbalik na naman ang kanilang ugali noong bata palang ako. Na akala mo ay nagkaroon na naman sila ng kapatid na babae. Ganoon din si Vencel, inaaya niya ito mamasyal sa parte ng Palasyo. Ang nakakatawa lang din ay tinatawag na siyang lolo at tiyo naman sa magkakapatid na Eryndor.

Dahil dito na rin nakatira si Ceola, ay dinadala ko din si Ceca sa kaniya para makonsulta at maturuan ang paggamit ng mahika sa kabila na pinamumunuan niya ang Unibersidad. Paunti-unti man ang pagtatayo ng naturang paaralan ay tumatanggap na ito ng mga magiging estudyante. Sa una ay hindi na masama dahil hindi namin inaasahan na maraming mga kabataan na nais mag-aral dito. Mas naging bukas pa ang Cyan sa iba't ibang bansa para tumanggap ng mga magiging mag-aaral na nais matuto ng mahika, mga gayuma at kaugnay sa pakikipaglaban. Tulad din ng aking inaasahan ay pumunta ang mga estudyante dito dahil nais nila makita ang mga naging kampeon at mga itinanghal na mga bayani noong pyesta. Madalas ko nababalitaan na nais din nila lumahok sa pyesta na 'yon ngunit dahil wala na ang mga halimaw sa Loray ay iibahin na ang lokasyon kung nasaang bansa na meron naglilipa na mga demonyo at mga halimaw.

Huminto ako sa pagsusulat. Marahan kong inilapag ang panulat sa mesa. Itiniklop ko ang mga papel. Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Humarap ako sa bintana na nasa likuran lang ng upuan. Pinagmasdan ko ang labas. Marahan akong ngumiti nang masilayan ko ang kapayapaan. Dumapo ang isang palad ko sa salamin.

Ngayon na ang huling araw ko sa lugar na ito at susunduin na ako mismo ni Otis anumang oras. Ang tanging ginagawa ko lang ngayon ay mag-iiwan ako ng iilang bilin para kina Caldwell at Houstin. Nagsulat din ako ng bilin para kay Nesta dahil pinili ko na hindi ko muna siya isasama para magampanan niya ng mabuti ang mga ibibilin ko. Kapag natapos na niya ito, maaari na siyang sumunod sa Thilawiel na pinayagan din ni Vencel pati ng pamilya nito.

Nag-iwan ako ng malaking halaga para sa magiging pondo ng patuloy na pagtatayo ng Unibersidad. Hindi lang 'yon, naiwan din ako ng tulong para sa Pamliya Stodge upang magtayo din sila ng paaralan doon. Isang akademiya na para sa mga batang nais matuto magsulat ang magbasa, lalo na sa nais matuto na mag-aral ng ballet. Nag-iwan din ako ng pondo para sa organisasyon para pananatilihin ang operasyon nito. Inipon ko ang pera na ibinibigay sa akin ni Vencel para sa plano ko na ito.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon