c h a p t e r t en

7.6K 281 56
                                    


        "MEGAN, IN MY OFFICE NOW!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        "MEGAN, IN MY OFFICE NOW!"

Isang naaawang tingin ang ipinukol sa akin ni Weng nang marinig ang sigaw ni Tito Erning at wala akong ibang nagawa kundi ang bumuntong hininga. I already expected this, kagabi pa lang bago ako matulog at habang kausap sina Mama at Markus sa text. Kahit na buo na muli ang fighting spirit ko pagkatapos makausap si Lola Dally, I still had to be realistic. At ang mapait na katotohanan ngayon ay malaki ang tsansa na mawalan ako ng trabaho.

May babayaran daw bukas, ate para sa project namin sa physics. Medj mahal. Bayaran ko na lang ate pag graduate ko.

Muntik na akong sumubsob sa lamesa nang itulak ako ni Weng. "Girl, tulala ka nanaman. Dali na, pinapatawag ka ni Sir."

Liningon ko siya nang may naluluhang mga mata. "Weng," I whined. "Paano kung wala na akong trabaho pagkatapos nito? May mga babayaran pa sa school 'yong kapatid ko, 'tapos—"

"Ano ka ba," putol sa akin ni Weng. Iginaya niya ako para tumayo at kinakabahan akong lumingon sa kanya. "Pumasok ka na roon. Kahit anong mangyari, paglabas mo nandito pa rin ako. Hindi kita pababayaan."

"Promise?"

"Hindi," she deadpanned at agad akong napasinghap. She rolled her eyes. "Siyempre, gaga. Ano ba? Dali na, pasok na roon, be. Susubukan kong tawagan si Theo."

Agad kong yinakap si Weng kahit na nagprotesta pa siya. "Love you, Weng. Libre kita ng tatlo face mask pagsweldo."

Tinapik niya ako sa likod. "Gaga, pumasok ka na doon bago ka pa lalong masabon."

With a grin, I pulled away from her, took a deep breath and walked straight ahead to Tito Erning's office. Kaya ko 'to, bulong ko sa sarili, and pushed open the glass door.

"At talagang binagalan mo pa," salubong sa akin ni Tito Erning. Nakaupo siya sa swivel chair niya at nakakunot ang noo. He slid his phone across his wooden desk at may pagtataka akong tumingin sa kanya. "Nag-text sa akin si Kiana tungkol sa nangyari," he started with a scoff. "Ano ba ang meron sa 'yo at wala kang magawang kahit isang tama, Megan? Kung kailan talaga na nandoon pareho ang bride and groom saka ka pa gumawa ng ganitong eksena."

"Hindi ko naman po sinasadya, Tito. 'Di ko po alam na magre-react ng ganoon si Theo—"

"You should've handled the situation better!" sigaw niya at agad akong napayuko. "Sana kasi kung nagulat kayong pareho, sinabihan mo si Kiana na mag-uusap na muna kayo ni Theo, and then you pulled him to the side, saka ka nagmakaawa! Hindi 'yong ikaw ang sasagot para sa tao na para bang hindi ka professional."

"Tito, I'm really sorry." Napakarami kong gustong sabihin, pero alam ko na walang silbi ang lahat ng 'yon. Tama si Tito Erning, I should've known better. Ilang taon na rin ako sa industriyang ito at dapat hindi na sa akin bago ang mga kliyenteng gaya ni Kiana. Pero nang dahil lang kay Derek, nawala ang composure ko at professionalism. I shook my head. "Sorry po talaga."

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon