c h a p t e r f o u r t e e n

7.6K 316 94
                                    

        "ATE!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        "ATE!"

A laugh escaped my lips as I was engulfed in a big hug. Muntik pa akong matumba sa yakap ni Markus. I hugged him back kahit na dumulas na ang bag ko mula sa balikat.

I leaned away from him with a grin. "Ang tangkad mo na ha! Binata na o, nangyayakap pa na parang bata."

Markus shook his head. "Seventeen pa lang ako, Ate. Baby pa rin iyon."

Lumayo ako sa kanya ang gave him a thorough look. Ang laki na talaga ng kapatid ko. Naaalala ko pa noong panahon na naulila kami kay Papa. I was just sixteen and he was seven. Maliit pa noon at bilugan si Marcus, but now he stood tall and lean with a smile that surely can grab a young girl's heart.

"Umuwi ako kasi baka kako may girlfriend ka na para mapagsabihan kita."

He gave me a shy smile.

"Hay nako. Mukhang alam ko na kung bakit ayaw mo lumipat ng school. Aba sige, hindi pa ako sisante kaya roon ka pa ga-graduate." I wagged a finger at him. "Magpakabait ka ha? 'Wag gagawa ng kalokohan."

"Ito naman si Ate." Muli siyang yumakap sa akin. "Magpapakabait ako. Hindi pa nga natin nababayaran 'tong lupa."

"Ikaw talaga—"

"MEGAN!"

Kumakaripas ang takbo ni Mama papasok ng bahay. She's a sight. Naka-jogging pants, fuschia pink na blouse at may salakot at nakabota. Puno man ng natuyo ng putik ang damit at mga braso, maganda pa rin ang ngiti niya. Mabilis siyang yumakap sa akin at natawa nanma ako nang makita ang naluluha niyang mga mata.

"Ma," I laughed. I cupped her cheeks. "Bakit ka umiiyak?"

"Hindi ka man lang nagsabi na uuwi kang bata ka!" Suminghot siya. "Dalawang taon na kitang hindi nakikita! Maski pasko hindi umuuwi!"

"Ma, ang mahal kaya ng pamasahe. Imbes na gastusin ko sa pag-uwi, ipadala ko na lang para may panghanda kayo."

Hinampas niya ako sa braso. It stung, but it somehow comforted me. "Pasaway talaga kayong dalawa ng kapatid mo! Aba kahit wala tayong handa basta magkasama tayo, okay lang!"

Hindi ko tuloy maiwasan na maiyak na rin. I hugged her tight at pareho na kaming napahagulgol. Narinig ko rin ang pagsinghot ng Markus na yumakap na rin sa amin.

I rested my chin in the crook of her neck, the best place where I could seek comfort. Yinakap ko siya nang mahigpit. "Hayaan mo, Ma. Mas sisipagan ko pa para ngayong Pasko magkakasama tayo at may handa."

She cried harder pero nanatili akong nakangiti kahit may mga luha sa mga mata.

This was the only love should define me. Hindi ko kailangan maging karapat-dapat because I was loved for being who I am.

Never undeserving. Never in secret. Never replaceable.

Just pure unconditional love.

Nakabibinging katahamikan ang bumalot sa hapagkainan nang sabihin ko kay Mama ang dahilan kung bakit ako umuwi sa San Juanito.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon