Chapter Nine

106K 4.7K 3.1K
                                    

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad akong tumalikod at dali-daling umalis sa lugar na 'yon. Nanginginig ang mga tuhod ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Nanghihina pa rin ako nang makarating sa hotel room at nanlalabo ang paningin dahil naiipon ang luha sa mga mata ko.

May ideya na ako kung ano ang nararamdaman kong 'to... at natatakot ako na baka tama ang iniisip ko.

Nanghihinang napaupo ako sa couch at napatulala. Walang ibang natakbo sa isip ko ngayon kundi si Cadence. Gano'n ba talaga siyang klase ng lalaki? Ginagawa n'ya rin ba sa iba ang mga ginawa n'ya sa akin? Pinaglalaruan n'ya lang ba ako?

I just bit my lower lip and looked at the ceiling to restrain my tears from falling. My heart feels heavy. Kakaiba ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko ngayon. Pakiramdam ko hindi ko pa naramdaman ang ganitong bigat noon.

I took a deep breath and tried to calm myself for a moment. After I gathered my thoughts, I immediately stood up and went to the cabinet nearby. Kinuha ko ang bag ko ro'n at isinukbit. Dali dali akong nagtungo sa labas at akmang lalabas nang biglang bumukas ang pinto. Agad akong napaiwas ng tingin nang si Cad ang bumungad sa akin.

"Liah, bakit bitbit mo 'yang bag mo?" tanong n'ya.

Hindi ko siya sinagot. Akmang lalagpasan ko siya at lalabas na ng hotel room pero agad n'yang nahawakan ang palapulsuhan ko.

"Bakit aalis ka? May problema ba? Ano'ng nangyari? Sabihin mo sa 'kin," sabi n'ya sa malumanay na boses saka hinawakan ang braso ko at pinaharap ako sa kan'ya.

"Aalis ako kung kailan ko gusto. Bitiwan mo 'ko," malamig na sabi ko at marahas na inalis ang pagkakahawak n'ya sa 'kin. Halata namang natigilan siya sa ginawa ko.

"B-Bakit, Liah? Galit ka pa rin ba sa 'kin dahil sa ginawa ko kagabi?" Napaiwas siya ng tingin sa 'kin. "Sorry sa nagawa ko kagabi. Promise, hindi ko na talaga uulitin. Sorry na, Liah... please. Ano'ng gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit sa 'kin? Gagawin ko kahit ano," anas n'ya saka tumingin sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita. Nanatili na lang akong nakatingin sa dibdib n'ya dahil ayokong tumingin sa mukha n'ya. Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya, mukhang marami talaga siyang nainom habang may nakaupong babae sa kandungan n'ya.

I just shook my head and smiled bitterly. "I don't want to stay here anymore. Gusto ko ng umuwi," sabi ko saka tumingin sa kan'ya.

Saglit na natahimik si Cad. Napakagat siya sa ibabang labi n'ya saka napatungo. "H-Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin sa nagawa ko kagabi, Liah?" tanong n'ya sa mahinang boses.

Hindi agad ako nakasagot. Napakapit ako nang mahigpit sa bag ko saka napaiwas ng tingin sa kan'ya. Nanginginig ang mga kamay ko ngayon. Gusto kong malaman n'ya na lang basta ang problema ko nang hindi ko na kailangang sabihin sa kan'ya. Hindi n'ya ako naiintindihan... pero hindi ko alam kung gusto ko ba talaga na maintindihan n'ya ako... na malaman n'ya ang nararamdaman ko ngayon.

"Hindi naman ako galit sa ginawa mo kagabi. Kagabi pa lang pinatawad na kita tungkol do'n. Pero bakit ka umiwas na parang ako ang may kasalanan sa 'yo? S-Sinabi mo na mag-e-enjoy at magre-relax tayong pareho rito pero hindi ka naman nagparamdam sa 'kin maghapon." Tumingin ako kay Cad. "T-Tapos makikita kita na may kasamang ibang babae... tapos nakaupo pa siya sa kandungan mo."

I bit my lower lip and avoided his gaze when my vision became blurry because of the tears pooling my eyes. I hate being like this. Mababaw ang luha ko noon pa, pero ayokong makita ni Cad ang ganitong side ko.

"N-Nakita mo 'yon?" tanong ni Cad. Humakbang siya papalapit sa 'kin pero agad akong humakbang paatras.

"S-Siguro gusto mo na lang gawin sa iba ang hindi mo naituloy na gawin sa 'kin kagabi... Nalilito ako, Cad. Hindi ko kayang makipagsabayan sa 'yo. Inosente ako sa ganitong bagay... 'Yung mga ginawa mo ba at trato mo sa'kin, ginagawa mo rin sa ibang babae? Pinaglalaruan mo lang ba ako? G-Gusto mo lang ba ako maka-sex? Sabihin mo, Cad. H'wag mo 'kong lituhin. Diretsahin mo na lang ako dahil hindi ko naiintindihan ang intensyon mo kung hindi mo sasabihin sa 'kin," usal ko habang hindi pa rin makatingin sa kan'ya. "Ayoko ng ganito. Ayoko ng nalilito ako at--"

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon