Chapter Twenty Four

8.4K 304 17
                                    

Banana


"Banana Crescencio!" Patay kang bata ka Saging! Boses ni Victoria 'yon! Talaga nga namang ang pagkakataon oh. Lagi akong nalalagot tuwing sumusulpot siya ng walang pasabi.

"Patay ka, Saging." At talaga nga namang inulit pa ni Alex ang sinabi ko sa isipan ko. Nilingon naming dalawa kung saan ang boses na 'yon.

Kinakabahan tuloy ako dahil paniguradong nakita niyang hinalikan ako ng kaibigan ni Alex na si Carli sa pisngi pagkatapos niya akong ipakilala.

Nakita ko kasi si Alex sa parking lot kanina pagkatapos kong hindi sumunod sa nagmamaldita kong irog. Sinama na rin niya ako rito sa cafeteria dahil baka makita ko si Victoria rito ang kaso ay hindi ko siya nadatnan. Sa rami ng tao ay mahirap hagilapin ang Propesor na 'yon ngayon.

Napansin ko ang mukhang susunog sa akin ng buhay na si Victoria. May mga kasama ito, maski si Miss Tala Liandro ay kasama niya at sila Ate Sherez na pinsan ni Alex ay narito rin. Ano naman kayang ginagawa nila rito?

"Crescencio!" Mariing bigkas ni Victoria pagkalapit niya sa kung nasaang table kami nakap'westo. Hindi rin naman ako naaapektuhan sa pagiging masungit ni Vic e. Pero nakikinita ko ang isang malaking tyansa na magiging under ako— ah, hindi ako papayag. "You really know who to flirt ha?"

Natawa naman ako. Nagseselos na naman ang babaeng bumihag sa puso ko at ang babaeng parang kulang na lang ay isumpa ako sa sama ng tingin niya.

"I think, I already heard that. Right, Alexandria?" Tanong ko sa kaibigan ko pero kay Victoria ako nakatingin. Masarap kasi asarin ang isang ito pag nagagalit na. Bumitaw na rin si Alex sa pagkakahawak niya sa bewang ko.

Sabi na hindi ako naapektuhan sa pagiging masungit ni Victoria dahil kayang-kaya ko pa siyang asarin.

"Yeah, I think so too, Saging. Ang ganda ko e." Proud pang komento ni Alexandria. Mukhang nagpasya siyang dagdagan ang pang aasar ko sa Irog ko.

"Lotus." Ngunit mabilis na napatungo ang kaibigan ko at lumayo para makiupo sa tabi ng kaibigan niya. Ito ang tinatawag na under. Ang isang Alexandria the Great ay under ni Tala Liandro. Wala pala siya, mahina.

Nakatitig na lang ako kay Victoria na umuusok na ata ang ilong sa sama ng tingin niya sa akin at sobrang pula ng mukha niya. Wala na rin itong sinabi kahit na naghihintay ako basta masama ang tingin niya sa akin. Iyong tipong parang nahagis na ako nito sa kumukulong lava at tumatawa siya na parang nagtagumpay siya, gano'n na gano'n.

Tsaka mas mabuti na rin na huwag muna kaming gumawa ng kung ano rito dahil ang daming estudyante.

Pambihira, lagot na ata talaga ako ng malala mamaya pero susubukan ko pa rin siyang kausapin.

"MISS LIANDRO!" Mayroon namang isang estudyante ang sumisigaw kaya napalingon kami sa kaniya. May hawak pa nga itong magandang bulaklak.

"Bea! 'Wag kang sumigaw!" Sita ni Alex sa estudyante. Mukhang kilala naman ata niya ito.

Hanggang sa malaman namin na para kay Tala pala ang bulaklak. Iisipin ko sanang kay Alex ito galing pero nagtanong naman siya kung kanino galing at parang nawalan na siya ng gana pa.

Nagseselos ata ang kaibigan ko. Mukhang may kaagaw siya sa irog niyang si Tala.

Inaya ko naman si Victoria na maupo ngunit hindi ako nito pinapansin. Mabuti na lang ay naupo pa rin sa tabi ko.

Hanggang sa magpaalam na si Alex na aalis na muna na sinundan rin ata ni Miss Tala. Nakatanggap lang ng bulaklak si Miss Tala ay nagpaalam na agad si Alex. Baka naman nag iiwasan talaga ang dalawang iyon? Pambihira, kailangan ko na talagang makausap nang masinsinan 'yang si Alex. Lalo na ngayon na mukhang iniiwasan na naman kami dahil sa mga natatanggap niyang walang k'wentang mga papel na may pagbabanta.

Banana Crescencio (ViPe Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon