Chapter Ten

116K 4.7K 2.5K
                                    

"Wala kang isang salita! You said okay lang na friends tayo! What the hell is your problem, Dimagiba?! Binabawi mo rin lahat ng sinasabi mo," naiinis na tanong ko saka itinulak siya palayo sa akin.

"Plano ko naman talaga bawiin 'yon kapag bati na tayo. Saka sa tingin mo ba madaling pigilin ang feelings? Hindi 'no. Palibhasa wala kang gusto sa 'kin kaya hindi mo maiintindihan," parang nagtatampo pa na sabi n'ya.

"So, are you telling me that it was my fault?" I laughed sarcastically. "What do you want me to do then?" I asked and raised my eyebrow.b

"Edi gustuhin mo rin ako," agad na sagot n'ya.

Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. "Sa tingin mo ba gano'n kadali 'yon?" nakakunot-noong tanong ko.

Muli siyang lumapit sa akin yumakap sa baywang ko. Hindi ako nakapalag nang isubsob n'ya ang mukha saa leeg ko. "Hindi naman talaga ako sadboi pagdating sa ganito, pero gusto talaga kita, Liah. Joke lang 'yung sinabi ko kanina na friends na lang tayo. Hindi rin naman kaya gano'ng kadali ang hindi ka magustuhan," tila nagmamaktol pang sabi n'ya.

Napaismid ako at pilit na itinulak siya kahit nag-iinit ang mukha ko sa pinagsasasabi n'ya. "Lumayo ka na nga! Hindi mo na  pwedeng bawiin ang sinabi mo. Bawal na!" asik ko. 

Cad distanced his face from my neck and stared at me. "Bakit? 'Yung mainit na kape nga lumalamig, e," sambit n'ya.

My forehead creased. "What do you mean by that?"

"Ang ibig kong sabihin, 'yung mga nasabi, pwedeng bawiin," sabi n'ya saka mas hinila ako palapit sa kan'ya.

Naiinis ako sa kan'ya pero hindi ko napigilang matawa. "Wala namang connect 'yon, e!" 

"Uy, napatawa kita. Dahil d'yan, papayagan mo na 'kong manligaw. Yieee. Liah cutie," sabi n'ya saka kinurot ang pisngi ko. 

I slapped his hand lightly. "No, h'wag kang mag-assume," masungit na sabi ko saka inirapan siya. 

"Promise, magbabayad pa rin ako ng upa sa 'yo kahit maging tayo na." Inangat pa ni Cad ang kanang kamay n'ya.

"Ang kapal naman ng mukha mo. Sino naman ang nagsabi sa 'yo na magiging tayo?" nakataas-kilay na tanong ko. 

Cad pouted his lips and pinched my cheeks. "Manifesting... magiging mag-boyfriend girlfriend tayo tapos magpapakasal at magkakaanak ng dalawampu," sabi n'ya saka muling yumakap sa baywang ko. 

"A-Ano'ng dalawampu?" nauutal na tanong ko.

"Twenty," agad na sagot n'ya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na batukan siya. "Hindi ka talaga seryoso kausap! Lumayo ka na nga sa 'kin," naiinis na sabi ko saka inalis ang pagkakayakap n'ya sa baywang ko.

"H'wag ka na nga magalit, Liah. Ang cute mo rin kapag nagagalit ka," saad n'ya saka napaismid. 

"Lahat na lang ba ng gagawin ko cute sa paningin mo?! Ano'ng gusto mo... hindi na lang ako gumalaw?!" naiinis na tanong ko.

"Hindi, mareng Liah. Kahit wala kang ginagawa, cute ka sa paningin ko," sabi n'ya saka ngumiti nang cute sa akin. Halos naningkit ang mga mata n'ya.

Niloloko n'ya ba ako? Siya nga 'tong cute sa aming dalawa, e.

I just shook my head and stood up. Umalis na ako sa dagat at naglakad palayo kay Cad pero agad naman siyang sumunod sa akin. Napailing na lang ako at hinayaan siya. He won't listen anyway. This man is more immature than my students. He's a freaking headache!

"Saan ka pupunta, Liah? Baka maligaw ka, mukha ka pa namang baby ko," sabi n'ya saka sinabayan ang paglalakad ko. 

Natigilan ako sa sinabi n'ya. I just cleared my throat and act normal even though I was kinda affected. I didn't expect that my heart will flutter because of some corny words from someone. Naiinis ako sa sarili ko dahil naapektuhan ako sa mga simpleng salita at mga kilos n'ya. I can't help to blame myself for this. Sana lang talaga hinayaan ko na lang siyang ginawin sa labas noon at hindi na tinanggap na mangupahan sa bahay ko.

Boundless Possession (SERIE FEROCI 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon