049 - UNDER THE SPELL (2)

465 31 0
                                    


Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din makatulog si Ione Lazuli sa kanyang puwesto. Ginawa niya na din ang lahat lahat para aliwin ang sarili pero lalong lumalala ang kirot nang kanyang ulo. Well, flashback started to occur in her head as she was suffering from pain nung nasa banyo siya tapos sinalubong siya ni Shania.

━━━━━❘༻༺❘━━━━━

"Ione, ayos ka lang ba?" bumukas ang pintuan ng girls restroom. Todo hilamos lang si Ione dahil umaagos na yung dugo nito sa noo at ginamit ang handkerchief para punasan ang ito. Dapat pala dumiretso na sila sa clinic pero may order din pala siya para kina Purple at Bea. She didn't know why she obliged to follow Anna's request na saluhan ito kumain sa cafeteria, lalo lang siya magtatagal.

"Oo, ayos lang ako." biglang nagpatay sindi ang ilaw at parang may kutsilyo na kumikiliskis sa eardrum ni Ione. Her head started to ring and hearing some different kinds of voices like –

'Hourglass...'

'Hourglass...'

'Hourglass...'

"H-H-Hourglass?" hinihingal na sabat nito sa sarili pero narinig iyon ni Asteria. She cannot help but to ask.

"Hourglass? Bakit? Anong meron dun?" kabadong tawa na tanong ng dilag. Nanginginig na inaabot nang kanang kamay ni Asteria ang hourglass na nakatago sa bulsa ng kanyang uniporme.

"H-Huh? Wala. Wala. AHAHAHA! Wag mo na ako intindihin. Bumalik na tayo sa Cafeteria." nauna na si Ione lumabas sa girls restroom habang sumunod naman si Shania sa kanyang likuran. Kumakabog ang dibdib ni Shania at halatang di mapakali sa sarili.

"Ione... Sobrang late nako sa klase namin. Ikaw na mag-isa pumunta sa–"

"HINDI PWEDE." mabilis na saad ni Ione habang yung kamay nito ay dumapo sa braso ni Asteria para pigilan ito. Nagbigay lakas si Asteria para sikuhin ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit ka umaakto na parang ibang tao Ione. Mas mabuti na maghiwalay tayo ng landas at gawin mo na lang ang dapat mong gawin. Wag mong pag hintayin si Anna sa iyo." tumalikod si Shania at ganun din ang ginawa ni Ione.

Sobrang bigat ng pakiramdam nang dalaga. Hindi nito mabigyan nang tamang deskripsyon ang nararamdaman. Pakiramdam niya na yung kabuuan ng kanyang katawan ay napapalibutan ng sinulid. Parang nakatatak sa isipan niya na kailangan niya dumikit kay Shania para may siraing isang mahalagang bagay.

When she goes back to her place, Anna waved at her with a smile pero nawala agad ang ngiti nito at kinuha ang cellphone. Sinenyasan ni Anna na basahin ni Ione ang nasa cellphone.

'Nasaan si Shania?'

"Ahhh, bumalik na si Shania sa klase. Wala naman akong karapatan na pigilan siya kasi siya din mismo mapapahamak pag pinagsabihan ng guro." kinuha ni Ione ang tubig pero agad na tumayo si Anna at tinabig ang baso sa kamay nito. May ibang tao na na patingin sa gawi nila dahil nabasag yung baso.

"ANNA! Ano ba ang problema mo?!" if Ione is acting weird. Anna is more weirder than her. Bakas sa mukha ni Anna ang inis na akala mo yung lahat nang tinaya niya sa lotto ay dapat nang manalo pero may isang namali na numero.

"Anna! Yung pagkain mo!" Anna just walk out while stomping her feet like a kid. Naparolyo na lang ng mata si Ione at kinuha lahat ng pagkain para bumalik kina Purple at Beatrice.


『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon