Scarper House 3: Detention

598 25 6
                                    

Scarper House 3: Detention



The other night was too far from a typical night. I, the top student of Ceres High, currently at my last year as a senior, just got my first ever detention.



"Catarina Lim!"



Hindi lang ako ang nagulat noong halos nayanig ang buong classroom dahil sa lakas ng sigaw ni Ma'am Carmen. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa nang makita kung gaano kasama ang tingin niya sa 'kin.



"M-Ma'am—"



"Nakailang tawag na ako sa 'yo, saan ba lumilipad 'yang utak mo?!"



Napayuko ako. Aminado akong walang naintindihan sa mga dini-discuss niya dahil masakit ang ulo ko. Kanina pang umaga, sinasabihan na ako ni mama na 'wag na lang pumasok pero ayoko kasing mahuli sa mga lectures. Ganoon din naman pala ang mangyayari. "Sorry po."



"Hindi por que alam mo na ang itinuturo, hindi ka na magbibigay ng atensyon sa klase!"



I almost buried myself in my chair when she walked towards me. It's the first time I got yelled at by a teacher. Nakakahiya. Nakakapanliit. "Sorry po talaga, ma'am—"



"You'll have detention after class, Ms. Lim."



Napaangat ang tingin ko dahil sa sinabi niya. First offense ko pa lang, detention kaagad? "Ma'am—"



"I am so disappointed in you."



Those words echoed inside my mind. Ang sakit marinig. Buong buhay ko ibinibigay ko ang best ko sa pag-aaral. Kaya nga nasa school ako kahit masama ang pakiramdam ko. Tapos kulang pa rin? Nakaka-disappoint pa rin?



Mas magiging malaking usapin lang kung tatakasan ko ang detention kaya wala akong choice kung hindi ang pumunta after class. Dapat kasi talaga nakinig ako kay mama. Dapat 'di na lang ako pumasok.



Sa sobrang hiya ko, nakayuko lang akong naglakad papunta sa detention room. 'Yon lang kasi ang room na ginagamit sa left wing sa 5th floor ng main building, at pag doon ka papunta, alam na ng lahat na na-detention ka.



Hanggang noong buksan ko ang pinto sa detention room, nakayuko pa rin ako. Tumalikod din ako kaagad, nagpapanggap na isinasara nang mabagal ang pinto. Nahihiya akong ipakita ang mukha ko sa mga nandoon.



Pero maliit na bayan nga lang pala ang Ceres. Lahat nga pala ng nag-aaral dito sa Ceres High, schoolmates ko rin noon sa Ceres Elementary.



"Uy, may bago." Napahigpit ang kapit ko sa doorknob nang marinig ang boses ng pinsan kong si Joaquin na mula pa noong mga bata pa kami, sakit na sa ulo ni tita dahil laging nakikipag-away. Hindi kami close dahil sabi ni mama, baka maimpluwensiyahan niya ako.



Hindi yata alam ni mama na kaya ko namang mapariwara nang mag-isa. Heto nga ako sa detention ngayon.



"Kali?"



Napapikit ako bago lumingon noong tawagin ako ni Gia, kaklase ko mula no'ng elementary at kapitbahay namin sa apartment na tinitirahan namin ni mama. Literal na lumaki kaming magkasama—mapa-school, dahil palagi kaming magkaklase, o sa bahay. Kaya kahit yata nakabaon ang mukha ko sa lupa, kilala niya ako.



"Gia," naiilang na bati ko sa kaniya. Bakit nga ba nakalimutan ko na nauna siyang palabasin ni Ma'am Carmen dahil natutulog siya sa klase?



"Bakit—Ano'ng ginawa mo at nandito ka?" litong-lito namang tanong ni Jero. Kaklase rin namin siya ni Gia no'ng elementary pero nasa ibang section siya ngayon dito sa Ceres High. Masasabi kong isa siya sa pinaka-close kong lalaki.



Scarper HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon