38

9 4 0
                                    

“Talaga? Hindi na?” paninigurado ko pero this time, hindi na siya muling nagsalita.

Tinanguan niya lang ako. Nakatingin lang siya saʼkin ng seryoso. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya pero ang importante, ayos na kami.

Hindi niya na ako iiwan at aayusin namin ang problema sa pagitan naming dalawa.

“Alam kong nagkakaayos pa lang kayo pero, Kie, thirty minutes na lang bago mag-alas dose. Kailangan mo ng umuwi para makahabol ka sa Noche Buena,” pagsingit naman ni Stanley.

Bumusangot ang mukha ko at muli kong niyakap si Taba para magpaalam.

Nakakalungkot lang isipin na hindi siya gumaganti ng yakap saʼkin pero naiintindihan ko naman. Alam ko namang kahit ayos na kami, may parte pa rin sa sarili niya na masama ang loob saʼkin.

“Ba, kailangan ko ng umalis,” pagpaalam ko pero tumango lang siya. “Tatawagan mo naman ako mamaya, 'di ba?”

Hindi siya sumagot. Muli lang siyang tumango kaya naman kahit ayos na kami, nasasaktan ako na wala akong tinig na marinig mula sa kanya.

“Bro, tara na!” pagyaya ni Stanley na ngayon ay nakaabang na sa may pinto ng kwarto ni Tatin. “Tatin, Ba, una na kami.”

Tumango lang silang dalawa ni Taba. Kahit paano ay napangiti ako dahil sinabi nila saʼkin na mag-ingat daw kami pauwi.

“Tatin, salamat ng marami at pasensiya sa abala. Ikaw na lang ang bahala kay Taba,” bilin ko naman.

Nginitian lang ako ni Tatin saka siya tumango saʼkin. Muli akong lumapit kay Taba saka siya niyakap sa pangalawang pagkakataon. Kahit hindi siya yumayakap pabalik, natutuwa ako. Natutuwa akong mas nanaig pa rin ang pagmamahal niya saʼkin dahil nagbago na ang isip niyang iwan ako.

“Aalis na kami, Ba. Happy Anniversary,” hinalikan ko siya sa pisngi para pagpaalam.

Maglalakad na sana ako palayo pero hinawakan niya ako sa braso. Pagkatapos ay hinila niya 'ko palapit sa kanya saka niya ako niyakap.

Parang nablangko bigla ang utak ko sa ginawa niya. Namiss ko ang yakap niyang ganito.

“Bye, mag-iingat ka lagi,” iyon ang huling tinuran niya at pagkatapos ay lumabas na kami ng kwarto ni Tatin.

Sinamahan naman kami ni Tatin para makalabas ng hindi kami nakikita ng Mama niya. Umangkas na ako sa motor ni Stanley at nagmamadali siyang ipaharurot ito kaya naman limang minuto bago mag-Noche Buena ay nakaabot ako.

“Maraming salamat talaga saʼyo, Bro. Salamat rin sa paghatid. Mag-iingat ka pauwi,” turan ko saka kumaway sa kanya bilang pagpaalam.

Ngumiti naman siya saʼkin at nag-salute. Pagkatapos noʼn ay kaagad niya ng pinaharurot ang motor.

Pagpasok ko ay naabutan ko sina Mama na nasa hapag-kainan na.

“Ma,” nagmano ako pagkarating.

Didiretso na sana ako papuntang kwarto ng bigla siyang magsalita.

“Bakit maga ang mata mo? Mabuti at napaaga ka ng uwi. Akala ko nga, hindi ka aabot sa Noche Buena,” sabi ni Mama at pagkatapos ay inabutan niya ako ng plato. “Kain na, anak. Merry Christmas.”

“Thank you, Ma,” wala sa sarili kong sabi saka ko kinuha ang platong binigay niya.

Tahimik lang akong nagsasandok ng spaghetti sa plato. Ewan ko ba kung bakit iyon lang ang naisipan kong kunin kahit pa maraming pagkain sa mesa. Para bang bigla akong nawalan ng gana na kumain.

“Kumusta nga pala ang lakad niyo ni Gian?”

Natahimik ako sa tanong na 'yon ni Mama. Hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now