nineteen

120 13 1
                                    

Riki.

bumitaw na ako sa pagkakahawak sa beywang ni luna dahil papalapit na si kuya sa amin .. ibibigay ko pa sana ang kamay niya sa kay kuya nang bigla niya itong hinablot mula sakin . medyo nahurt ako ng very light dahil dun pero okay lang , debut naman niya eh .

nang mapunta naman siya nang lubusan kay kuya , lumingon pa si kuya sa akin at ngumiti as if he's asking for my permission .. to dance chour .. to dance luna pala .

tumango lang ako bago ako umalis sa gitna at pumunta kung nasaan yung iba ..

" yiieee nakasayaw si luna .. " asar ni kian .. parang di niya nakasayaw si luna , eh nauna pa nga siya sakin . utak nito minsan may ubo

" isasayaw ~ ka sa ulap ~ " pakanta naman ni kuya jay .. naks ganda ng boses , pwedeng pang alarm . magigising ka sa inis .

" oh bakit sadboy kana naman ?! nakasayaw mo naman crush mo ah ?" tanong naman ni kuya jake . siya lang siguro yung nag-c-care sakin dito pero di pa rin ako umimik

" ahh dahil siguro sila na ni ethan yung sumasayaw ngayon . nagseselos yan !" sabi naman ni kuya jay .

" eh okay lang naman yan , siya naman yung isinayaw bago si ethan . second to the last , malamang special ka din sa kanya " singit naman ni kian

" second option kamo kian .. " sabi ni kuya jake at nagtawanan silang tatlo . akala ko talaga ay may care si kuya jake sakin , wala pala . pinaasa niya lang ako

di ko nalang sila pinansin at pinagtuunan nalang ng pansin ang dalawang sumasayaw sa gitna .

nakita kong parang yayakap na si luna kay kuya .. tyansing !

si kuya naman , halatang naiilang sa pinaggagawa niya . panay din ang lingon niya sa babae na kasama niyang dumating dito kanina . mukhang galit na nga yung babae pero nakangiti parin para hindi halata . nginitian lang siya ni kuya pero inirapan lang siya nito .

si luna naman ay parang sinasadya ang ginagawa niya at tinititigan ang babae na para bang nang iinis ito .

nangiti nalang ako kasi alam ko namang mas pipiliin ni kuya yung babaeng kasama niya kanina kaso kapag umalis siya dyan ngayon , mapapahiya siya at si luna tsaka papagalitan siya ni mama at papa kaya konting tiis lang muna aking kapatid .

natapos na ang kanta para sa sayaw nila at inihatid na ni kuya si luna sa gitna ng stage kung saan siya dapat maupo . iiwan sana niya ito nang higitin ni luna ang damit niya dahilan para bumalik siya sa tabi nito . tinawag naman ni luna ang isa nilang kasambahay para utusan na kumuha ng mauupuan ni kuya . hala , reyna ba siya sa pyesta ? bakit kailangan ni kuya umupo din sa gitna ?

walang nagawa si kuya at nag peace sign lang sa babaeng kasama niya kanina . di ko idedeny , maganda tong babae .. bagay sila ni kuya . sanaol , bagay ..

alam kong sinasadya ulit to ni luna para masolo niya si kuya . pero si kuya , ilang minuto nalang ay aayaw na haha , para siyang matatae na ewan

binulungan ni kuya nang kung ano si luna . nakita kong umirap si luna sa kanya pero mapilit parin si kuya .. tumayo nalang bigla si kuya at pumunta sa likod . siguro ay naiihi siya o tatae talaga dahil sa likod ng backdrop ay ang bahay na nila luna .

mga ilang minuto ang lumipas ay nakita kong sumunod ang babae kay kuya . hala , baka may gagawin silang kakaiba .

si luna naman ay bagot na umupo nalang habang pinapatapos ang buong program para sa debut niya . pero alam kong gusto na niyang sundan si kuya lalo na at napansin na rin niyang wala na dun ang babae .

pagkatapos ng program ay aayain ko sana si luna na kumain na nang bigla nalang siyang umalis . nagtaka din yung iba kung bakit siya umalis pero sinundan ko nalang siya . mamaya nalang ako magmu-mukbang . sana tirhan nila ako ng balat ng lechon .







-ˋˏ✄┈┈┈┈

Balang Araw || Ni-ki Enhypen✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon