Chapter 19

2.5K 158 14
                                    

Manari POV

Malalamig na tingin lang ang ibinibigay ko sa dalawang taong pumasok mula sa pamamahay namin

At ano naman ginagawa nila ng gantong oras?

"Gabi na mr and mrs Salvatore ano pa ginagawa nyo dito?" Usal ko habang seryosong naka tingin sa kanilang dalawa

Tumingin ako sa likuran ng mga ito na baka kasama nila ang magaling nilang anak

"Hindi namin kasama ang anak namin ms.Manari" usal ni Mr.Salvatore

Napansin yata nila na hinahanap ko si Beatrice

"Mabuti naman kung ganun.. dahil hindi ko alam kung anong mangyayare sa anak nyo pag sinama mo pa sya dito" usal ko at ngumiti sa kanilang dalawa

Bumakas ang takot sa mukha nilang dalawa dahil sa sinabi ko

"H-hindi kami dito para m-mamg gulo Manari.. nandito kami para sabihin sa iyong mga magulang ang good news" seryosong usal nito

Na ikina kunot noo ko

" Sakin mo nalang sabihin wala rito ang mga magulang ko" kibit balikat na usal ko nag bakasyon kasi ito at pumunta sa ibang bansa dahil sa hindi makapag pahinga ang mga ito

"W-what?? nasan sila? Kailangan nilang malaman to!" Usal nito

"Tinataasan mo ba ako ng boses" kunot noong tanong ko. Napalunok ito sa sarili nyang laway

Lumapit ang isa kong tauhan sakin at binigyan ako ng Wine

"H-hindi naman sa g-ganon Manari.. g-gusto lang namin sabihin na....n-nakita na namin kung saang lugar nag tatago ang kapatid mo"

Marahas na napabaling ang tingin ko sa kanila

"Nasan si Malori?!"usal ko

After ng ilang buwan na pag hahanap namin nakita na rin sya sawakas..

"N-nasa Visayas sya.. s-sa liblib na lugar ng Visayas" usal ni mr Salvatore may binigay itong envelop na mabilis na kinuha ko naman

At ganun nalang pag laki ng mga mata ko nang makita ko ang picture ni malori roon

Kuha ito ng gabi tila parang may event or  festival na nagaganap sa lugar

May kasama si malori na isang babae mag kahawak sila ng kamay habang sumasali sa mga laro

At hindi ko maiwasan na di mapangiti

Nakangiti ito na tunay

Mabuti naman at maayos ang lagay nya

Inaayos ko ang picture at binalik ulit ito sa loob ng ng envelop bago tumingin sa dalawa 

"Sige sasabihin ko ito sa magulang ko pwede na kayo umalis" taboy ko sa mga to

Tila di naman sila mapakali sa kinatatayuan nila na para bang may gustong sabihin

"M-manari.. m-mamaari ba kaming sumama upang tignan si malori? At upang makihingi narin ng sorry sa kanya sa ginawa ng anak namin "usal ni mr. Salvatore at tila nahihiyang napa yuko ito

Napaisip ako

Hindi naman sila may kasalanan kaya na umalis ang kapatid ko eh tanging ang magaling na  anak lang naman nila ang may kagagawan ng lahat

Isipin mo?

Sobrang bait ng kapatid ko mayaman , matalino dagdag mo natin yung itsura nya?

May hihilingin paba sya?

Sya na binigyang halaga sya pa itong may ganang mag loko

Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now