-105-

320 12 3
                                    

OLEYA'S.

ㅡflashback


"pamilya mo sila oleya" tinignan ko ang isang babae at lalaki na may buhat na batang babae na nasa harapan ko.







"pamilya?" i asked sister diamond dahil sa sinabi nya.








"sabi ni hee, kayo po ang pamilya ko" i miss him so much. nagtatampo ako pero, miss ko na sya sa totoo lang. ilang linggo na sya hindi bumabalik dito dahil pupunta daw sya sa ibang bansa para magbakasyon, yun ang paalam nya sa akin na akala nya ay hindi ko pinansin.








"pamilya mo kami, pero sila yung tunay na dahilan kung bakit nandito ka, bata ka, buhay ka" sister diamond tried so hard to explain everything to a 6 year old me.








"sila ang nag iwan sa akin dito" tinignan ko sila, madaming tanong ang nabuo sa maliit kong ulo.







"sorry, anak. dana, ano.. kasi.. mahirap.. mahirap ang buhay" lumapit at umupo sa harapan ko yung babae.







"ako 'to si mommy, dana. you are three noong iniwan kita rito dahil magulo sa labas" she started to tear up infront of me.







"kailangan namin umalis tatlo, kasama ang ate mo dahil yun ang paraan para maging ligtas tayong lahat"








"at iniwan nyo po ako"







"dahil.. yun lang ang paraan noon, anak. para sayo yun, okay? babawi na kami ni daddy. maayos na ulit ang lahat" she hugged me, i also cried on her shoulder.







"mahal nyo po ba ako?" madami akong gustong itanong pero yun ang unang lumabas sa mga labi ko.








"mahal na mahal, anak ko" we hugged. i felt.. happy, but i felt emptiness inside me so much.








mom tried to explain na kumplikado ang pamilya namin sa side ni daddy. naghirap kami after my grandfather took everything to my dad's name, his inheritance. dahil mahirap, lumipad sila sa ibang bans para maging maayos ang buhay iniwan ako para mas maganda ang lagay ko. noong bata ako, wala pa akong pakealam. pero habang tumatagal.. nalulungkot ako dahil sana sinama na lang nila akong maghirap sa ibang bansa kesa maiwan.







pero hindi ko makikilala si heeseung kung ganoon naman.







hindi na ako bumalik sa orphanage, dahil ayoko na. mas masaya ako kila mommy at daddy, pati kay ate na tumitira ng simple at umaahon na pamilya sa Thelonia.








i entered elementary school. one day, absent si ate kasi may sakit sya. kaya mag isa akong naghihintay sa waiting shed ng school para sa sundo ko. palagi naman kaming sinusundo ni daddy.







nakaupo lang ako habang tuwang tuwa sa award na natanggap ko sa math kanina.









"teka lee heeseung!" napalingon ako sa kabilang daan.







"tita amor! si jake at jay nauna na po!" nanlaki ang mata ko dahil- si heeseung! matagal at taon na noong huli ko sya nakita.







"heeseung! saglit!" pero madaming nadaaan na sasakyan kaya impossible nya akong makita. nakita ko syang sumakay sa isang kotse kasama ang babae, at may dalwang bata pa na bumaba at muli din naman sumakay.








"saglit heeseung! ako ito si oleya!" sigaw ko at tumakbo upang habulin sila...








akala ko tumigil ang sasakyan nila pero tumigil ang mundo ko sa pagtama ng katawan ko sa isang sasakyan.








unti unti kong pinikit ang mga mata ko, humiling na sana sa paggising ko kasama ko na lang ulit sya.







ngunit sa pagmulat ng aking mata pagkatapos ng ilang buwan... wala na akong maalala. i asked my parents what happened but they told me na nawalan ng preno ang sasakyan ni daddy at napahamak kami.





i don't asked anything anymore because my head hurts so much.




at doon nagsimula magbago ang lahat.

love to hateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon