Chapter 58

2.2K 168 11
                                    


Pagkatapos namin kumain ay sabay na namin hinatid si Ceca sa kaniyang silid. Maingat namin siyang hinahawakan dahil nagpalit siya ng anyo bilang isang maliit na ibon. Medyo nakukuha ko na kung bakit. Sa oras ana napagod, nabusog at inaantok saka siya nagpapalit ng anyo. Hindi namin mapigilan na mapangiti ni Otis habang pinagmamasdan namin siyang mahimbing na natutulog. Magkaharap kaming nakatagilid ng higa sa isa't isa habang nasa gitna si Ceca.

Ilang saglit pa ay maingat na kaming umalis sa kama.

"My rose," tawag ni Otis nang sabay na kaming lumabas ng silid ni Ceca. Ayaw na namin siyang maistorbo sa kaniyang pagtulog.

"Bakit?"

Nagsisimula na kaming maglakad. "Nakahanda na ang listahan ng mga dadalo sa magiging kasal natin. Gusto mo bang makita muna ito bago man natin ipamahagi ang mga imbitasyon sa mga kaharian na parte ng ating Imperyo?" suhesyon niya.

Mangha akong tumingin sa kaniya. "Maaari ba?"

Ngumiti siya saka tumango. "Oo naman, kasal natin 'yon, my rose. Kung may kulang pa na nais mong imbitahan, pupwede mo dagdagan." saka inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tainga. "Ang hangad ko lang ay maging masaya ka sa araw ng kasal natin."

Nagulat ako sa kaniyang inakto. Bakit mas lumalandi pa ang isang ito? Nakakarami ka na, ha! Pilit ko maging kalmado sa harap niiya. "G-ganoon ba? Makita ko lang ang pamilya at mga kaibigan ko sa araw ng kasal natin ay sapat na sa akin. Wala na akong hinahangad na iba pa." sagot ko. "Siya nga pala, Otis..."

"Hmm?"

"Nais kong lumabas ng Palasyo kung may pagkakataon." diretsahan kong sambit.

Huminto siya sa paglalakad. Ganoon din ako. Humarap kami sa isa't isa.  "Nais mong lumabas ng Palasyo? Bakit?" nagtataka siya.

"Nais ko makita kung anong estado ang meron ang Thilawiel. Gusto ko din makita ang daloy ng ekonomiya ng Kapitolyo." sagot ko.

Hindi siya agad makasagot. Mataimtim niya ako tinititigan gamit ang kulay emerald niyang mga mata. Tila pinag-aaralan niya ang ekspresyon ng aking mukha. Binigyan ko siya ng seryoso at determinadong tingin. Tulad ng binitawan kong pangako sa kaniya ay tutulungan ko siya upang maganda ang daloy ng pamumuno niya sa kaharian na ito dahil sa oras na mahalal na siya bilang bagong Emperador ay nasa maayos na itong kalagayan.

"Nais ko lang maitanong, saan ka papanig, my rose?" bigla niyang tanong.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dalawang klase ng tao sa mundo. Ang mga tao na kabilang sa maharlika at mga karaniwang mamamayanan. Bilang isang Emperatris, kailangan mong mamili sa kanila na mabigyan mo ng pansin." marahan niyang wika. "Dahil dito sa Thilawiel ay ganito ang kalakaran."

Tumalikwas ang isang kilay ko. "Kung sasabihin ko ba na pareho ang pipiliin ko? May magagalit ba?" ako naman ang nagtanong.

Nanigas siya sa naging sagot ko. Maski ang mga tagapagsilbi na nakasunod sa amin ay nabigla sa aking naging sagot.

"Alam nating masamang bagay na maging sakim sa kapangyarihan pero para sa akin, gagamitin ko ang kasakiman ko upang matulungan ko ang nangangailangan, mapabilang man ito sa maharlika o sa mga karaniwang mamayanan. Dahil lahat sila ay parte ng iyong pamumunuan balang araw, Otis. Dahil ikaw ang susunod na maging ama ng bansang ito." bakas sa mukha ko ang determinasyon. "Kaya ang sagot ko ay pareho ko silang pipiliin. Kung ito man ang magiging ugat ng kaguluhan sa bansang ito, naniniwala ako na maraming paraan upang maresolba ito kung gugustuhin mo talaga."

"Rini..."

"M-mahal na prinsesa..." namamnghang bulalas nina Egos at ang punung mayordoma.

Ngumiti ako. "Kilala mo ako, Otis. Hindi porke isa akong babae, hinding hindi makakapayag na gagamitin ko lang ang aking estado bilang palamuti ng bansang ito."

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon