CHAPTER 42

12.2K 480 180
                                    


Pareho lamang kami na nakatitig sa kisame ni Primo mula kanina. Hangang ngayon ay naalala ko pa rin ang gulat sa kaniya nang ayain ko siya pabalik. Nilingon ko siya at nakita ko na nakapikit na siya, siguro nga ay pagod na rin siya. Pakiramdam ko ngayon ay ang makasarili ko ngayon upang hilingin na samahan niya ako, ngayon na pagod siya.

Tumalikod ako sa kaniya, ngayon mula sa kinahihigaan ko ay kita sa labas ng bintana ang magandang buwan. Ngayon ko lang naisip na si Dominique ang lagi sa aking nagpapaalala ng ganda ng araw, habang si Primo naman lagi ang nagpapaalala sa akin ng ganda ng buwan.

Matapos ko na magdasal ay sinubukan ko na muling matulog ngunit wala pa rin talaga, patuloy kong naiisip si Soraya. Alam ko na kasama niya ngayon ang kapatid niya ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nangyayari sa kaniya, kung pwede lang nagkakatotoo ang sinasabi ng ibang magulang. Na maari nilang kunin ang sakit na nararamdaman ng isang anak, gagawin ko 'yon ng paulit-ulit kina Soraya at Cordelia.

Nagulat ako nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Primo.

"Hindi ka pa ba inaantok?" tanong niya sa akin mula sa aking likuran. "May lugar kasi dito na gusto kitang dalhin."

Hindi ako agad na nakasagot sa kaniya dahil gulat pa rin ako sa kaniyang yakap, maging ang pagdikit ng kaniyang katawan sa akin ay pansin ko ngayon. Na tila ba bago ang lahat ng ito sa akin, ngunit kung maririnig niya lamang kung gaano kabilis ang kabog ng puso ko.

"Nevermind, I forgot that you're really tired already."

Hindi ko na pinatapos pa ang kaniyang sasabihin nang marahan akong tumango.

Maginaw na ang hangin kahit na suot ko na ngayon ang jacket ni Primo. Nakaalalay lamang siya sa akin habang naglalakad kami papunta sa sinasabi niyang talon o ang Gervacio falls na pinangalan sa isa sa kapamilya niyang nakahanap nito noon. Nakatingin lamang ako sa mga kamay ni Primo na inaalalayan ako na tila ba wala akong sariling kakayahan.

Inangat ko ang tingin ko sa magandang talon nang makarating na kami rito.

"Dito kami dinadala ni mama pag may isang malungkot sa aming magkakapatid noon. Wala pa si Migo no'n, hindi pa siya ginagawa, pero dito siya ginawa." natatawa niyang saad habang ako ay napangiti na lamang. "Ganda naman ng ngiti mo, isa pa nga."

"Ewan ko sa 'yo."

"Sigurado akong nagandahan din si Dominique, ngayon na lang kasi namin muling nakita 'yan." umiling-iling ako sa kaniya at niyapos ko ang aking sarili.

"Primo."

"Anya?"

"Ang ganda ng buwan 'di ba?" nilingon niya iyon at tumango. Ako naman ay nangiti sa kaniyang ginawa, ikaw ang laging nagsasabi sa akin no'n ngunit ikaw ngayon ang hindi nakakaintindi. Hinawi ko na lamang ang aking buhok dahil sa hangin.

"Anya, punta tayong parke bukas? Gusto ko na kasi turuan na mag-bike sina Soraya."

"Ayos lang naman sa akin." sabmit ko sa kaniya. "Gusto ko na rin na malibang ang mga bata lalo na sa mga nangyari sa kanila, lalong-lalo na si Soraya."

"Anong paboritong kulay ni Soraya?" kumunot ang noo ko sa kaniya. "Gusto ko malaman lahat ng mga gusto at paborito niya. Andito na kaya yung second daddy mayor niya naman."

"Red, Primo." sagot ko na lamang sa kaniya. "Yellow naman ang kay Cordelia tama?"

"Hmm oo, paano mo nalaman?"

"Napansin ko lang sa mga lagi niyang suot at sa mga pinapasa niyang drawing niya." sagot ko sa kaniya. "Kapareha kami ng kulay na gusto."

Natahimik na kaming dalawa habang nakatayo kami ngayon dito at nakamasid lamang sa talon. Siguro ay pareho kaming walang mapiling salita na sasabihin, kaya kung ano na lamang ang pumasok sa isipin ko ang nasabi ko.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon