Chapter 59

2.1K 157 7
                                    


Ilang beses ko kinukuyom-kuyom ang aking mga palad nang suotin ko ang leather gloves. Pinagmasdan ko ito ng mabuti. Mukhang dekalidad ang paggawa nito at tama lang ang sukat sa aking mga kamay. Kusang sumilay ang aking ngiti na may halong pagkasabik. Nasa likuran ko lang sina Faila pati ang mga maid. Marahil ay nagtataka sila kung bakit ganito ang suot ko ngayon. Naka-training attire ako. Hindi naman sila nagtatanong kaya hindi rin nila malalaman kung bakit ganito ang suot ko ngayon.

Tahimik akong lumabas sa silid pampanauhin. Muli silang nakabuntot sa akin. Umaapaw ang excitement sa sistema ko ngayon dahil ito ang unang beses na mag-eensayo ako sa Thilawiel tutal naman ay may bakanteng oras ako ngayon. Nagpahinga ako sa pag-aaral ko ngayon sa mga dapat kong pag-aralan. Gusto ko lang ngayon ay mag-ensasyo, pampawala lang ng stress.

Nalaman ko din kasi kay Otis na may training area daw sila para sa pagpapana. Itinuro niya sa akin kung saan ko ito makikita. Mas lumapad ang ngisi ko. Kailangan ko ng warm up kaya walang abiso akong tumakbo sa pasilyo. Jogging kumbaga.

"Mahal na prinsesa!" gulat na gulat sila nang tinawag nila ako.

Pero tila akong bingi. Hindi ako tumigil sa pagtakbo. Sila na ang bahala kung mahahabol nila ako o hindi basta ako, gustung gusto ko na mag-ensayo ulit sa pagpapana dahil simula dumating ako dito ay nawawalan na ako ng oras para maenhance ko pa ang kapangyarihan at fighting skills ko.

"Hintay, mahal na prinsesa!" rinig kong tawag sa akin ni Faila, na todo ang pag-aalala, nanibago sa ikinikilos ko.

Wala talaga akong balak tumigil. Tatakbo talaga ako hanggang sa marating ko ang lugar ng pagsasanay na ipinakita sa akin ni Otis. Sige pa rin ang pagtakbo ko kahit na nakukuha ko na ang atensyon ng iba pang tagapagsilbi dito. Okay, windang na windang sila dahil hindi kilos prinsesa ang ikinikilos ko ngayon. Kahit naman mismo ang mahal na Emperador ay alam niya na may alam din ako sa pakikipaglaban dahil kasama siya nina Vencel na nanood sa amin noong pyesta ng pangangaso.

Nang marating ko na ang lugar ay doon na ako tumigil. Lumingon ako sa aking likuran. Inilagay ko ang gilid ng aking kamay sa aking noo na akala mo ay sumasaludo. Natatanaw ko sa kalayuan sina Faila pati na din ang mga maid. Patuloy pa rin nila ako sinusundan. Lihim ako natatawa sa kanila. Masyado silang malamya kung kumilos. Talagang inaalagaan nila ang kilos ng isang binibini. Naiiling-iling tuloy ako sa kanila.

Hindi pa ako agad nag-umpisa. Habnag hinihintay ko sila ay nagstretching muna ako na madalas kong ginagawa. Parte na ito ng routine ko. Iniistretch ko ang mga braso at mga binti. Pati na din likod at bewang. Nang matapos na ako ay marahas ako kumawala ng malalim na hininga. Sakto na din na nasa likuran ko na sila. Humarap ako. Tumambad sila sa akin na hapong-hapo, lahat sila ay napasapo sa kanilang dibdib. Lumabi ako pero pigil ang ngiti.

"M-ma-mahal na prin-sesa..." hinihingal na tawag sa akin ni Faila. "H-huwag po... Kayong tumakbo... Ng ganoon..."

Mahina akong tumawa. "Hindi ko maiwasan na hindi tumakbo, Faila."

"Pero..." hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang tinalikuran ko siya.

Agad ko nilapitan ang mesa kung nasaan ang mga pana at mga palaso. Kumuha ako ng isang pares. Pumosisyon ako. Itinutok ko ang dulo ng palaso sa target board. I stretch the serving point. Naglabas ako ng itim na enerhiya hanggang sa nabalutan niya ang pana at ang palaso. Binitawan ko ang palaso.

Mabilis itong lumipad hanggang sa tumama ito sa gitna. Inilayo ko ang pana mula sa aking mukha. Lumapad ang ngiti ko. Mabuti nalang hindi pa ako kupas sa pagpapana kahit ilang linggo na ako walang ensayo.

"K-kamahalan...?" hindi mapaniwalang tawag nila sa akin.

Nagtataka akong bumaling sa kanila. "Bakit?"

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon