Chapter 61

2.2K 159 56
                                    

Conceiving a child is part of my Imperial duty. And as a wife of the crown prince, I still have to fulfill my duties.

Kung tutuusin ay tama din ang sinabi ko sa kaniya. Walang halong pandaraya upang magampanan ang trabaho ko. Sinasabi ko lang kung anong nararamdaman at kung ano ang naoobserbahan ko sa aking sarili. Hindi siya mahirap gustuhin. Hindi dahil siya ang prinsipe na tagapagmana, kungdi mismo siya. He can protect me although I can manage to protect myself anytime. He saw me tough but he still treat me as a woman. He accepted me as I am, not as the only princess from the most powerful Empire.

Pagkatapos kong ipahayag ang mga salita na 'yon ay dumapo ang palad niya sa aking batok. Mas inilapit pa niya ako sa kaniya hanggang sa naramdaman ko ulit ang mga labi niya sa mga labi ko. Marahan akong pumikit. Ramdam ko din ang isang braso niya na pumulupot sa aking bewang kaya mas lalo pa dumikit ang katawan ko sa kaniya.

Patuloy kami nagpalitan ng matatamis na halik. Pareho kaming walang karanasan sa ganitong bagay pero sinusubukan naming punan ito---lahat ng pagkukulang namin. Sa pamamgitan nito ay hinahayaan namin ang aming mga sarili na pag-aralan namin ang isa't isa.... Na kilalanin pa namin ang isa't isa.

Ngayong alam na niya na sa kabila ng pinaplano ko na gawin ang aking tungkulin ay alam niya na kinakabahan ako. Pero sa tuwing mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin ay unti-unti din ito naglalaho. Ramdam ko din nag pagbilis ng tibok ng aking puso. Bakit sa isang halik lang ay nagawa na niyang itaboy 'yon?

I clenched my shoulders and let out a small and single moan. Because of that, I suddenly feel he gently pushed his tongue deep into my mouth. Kusang nawindang ang aking katawan pero patuloy pa rin gumagalaw ang aking mga labi, ipinapagpatuloy ang aming ginagawa. Ayokong maudlot ito dahil lang sa paninibago ko sa mga ikinilos niya. Ayokong umiba ang kondisyon sa pagitan naming dalawa. Kasabay na unti-unti nang umaahon ang init sa aking katawan na akala mo ay lalagnatin ako anunang oras.

Humiwalay ang mga labi niya sa mga labi ko. Dahil sa bilis ng pangyayari ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na ako naman ang nakahiga sa kama at siya naman ang nasa ibabaw ko. Nagtama ang aming mga mata, pareho kaming halos kakapusin ng hininga sa puntong ito. Kusang gumalaw ang mga kamay ko. Marahan kong idinapo ang aking mga palad sa magkabilang niyang pisngi. Kahit na nagtatas-baba ang aking dibdib ay hindi 'yon hadlang upang mas maaninag ko pa ang maganda niyang mukha. Mas napupukaw ng aking atensyon ay ang kaniyang kulay berdeng mga mata na punung-puno ng pagpapahayag.

"Otis..." sinikap kong tawagin ang kaniyang pangalan.

"Ano 'yon, my rose?" masuyo niyang tanong.

"Gusto kita." muli kong deklara sa pangalawang pagkakataon. "Maaari bang ikaw ang una at huli ko?"

Hindi siya agad makasagot. Subalit nahuli ng aking mga mata na nangingislap na mala-emerald niyang mga mata. Na parang bang matagal na niyang inaasam na marinig ang mga kataga na aking binitawan. Doon ko napagtanto ay may namumunong luha na pala sa kaniyang mga mata.

Why, my rose? Why are you crying? This is should be the night to share and show our genuine joys and emotions. Ito na ang sandali na maging isa na tayo.

Dahil sa umaapaw na emosyon sa akin, umahon ako upang maabot ko ang mga labi niya. Inumpisahan kong bahain siya ng mga halik. Lumipat ang mga palad ko sa kaniyang likuran. Nagawa na naman niya akong ibalik sa malapad at malambot na kama. Muli niya akong siniil ng halik, may halong panggigigil. Kung kanina ay maingat, ngayon ay unti-unti na itong nawawala. Mas naging mapusok na. Nagawa kong tugunan ang mga 'yon. Animo'y mga gutom kami sa isa't isa. Ramdam ko din ang masuyo niyang hinahaplos ang bawat parte ng aking katawan.

Hindi pa siya nakuntento sa pag-angkin niya sa aking mga labi. Bumaba ang mga labi niya sa aking leeg, kasabay na nagpakawala ako ng pagsinghap. Ramdam ko na may basa na sa parte ng aking katawan.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon