c h a p t e r f i f t e e n

7.9K 316 92
                                    

         TAPOS NA ANG PRE-NUP at nagliligpit na kami ng set-up nang lumapit sa akin si Derek

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

         TAPOS NA ANG PRE-NUP at nagliligpit na kami ng set-up nang lumapit sa akin si Derek. It caught me off-guard dahil una sa lahat, he barely acknowledged me. Pangalawa, kung papansinin niya man ako, laging may animosity. But this time, it was different. Pasimple niya akong nilapitan nang makaakyat na ang iba at tanging si Theo at Vince na lang ang naiwan na kasama ko.

May ilang segundong pinaalala niya sa akin ang taong minahal ko noon, that young, naive, teenage boy who thought he could run away with me with nothing but love and determination on our backs.

Parang tanga lang. Totoong immature teenagers lang talaga ang makakaisip noon. But for a while, it did feel good to believe that everything would be okay.

Nahulog ang takip ng isa sa mga storage boxes na inaayos ko at agad siyang tumakbo para ibalik iyon.

"Salamat," walang lingon na sabi ko pagkatapos niyang ligpitin ang storage box. Umupo ako sa nakalatag na mat sa damuhan at sinimulan ko ang pagtupi ng mga tela at sumunod naman siya. "Sir," may halong inis kong sabi. "Trabaho ko po 'yan."

"Okay lang, kulang kayo sa manpower dahil din sa request namin." Kumuha siya ulit ng tela at itinupi iyon. We moved fluidly for a while, parehong walang imik na nakaupo sa garden nila at abala sa pagliligpit.

I risked a glance at the man who sat beside me. Malinis ang gupit niya, far from the untamable and longer cut he sported in high school. His eyes now held lines of maturity and right decisions. Pamilyar siya, but he was also a stranger.

It was nostalgic but sad. Turns out it was hard to tether between familiarity and strangeness. He was the most familiar stranger, but a stranger nonetheless. Huminga na lang ako nang malalim.

"May tinatanong ba sa 'yo si Kiana?"

Natigil ang mga kamay ko sa pagtupi. I scoffed. Kaya pala siya lumapit, may itatanong pala kasi.

"May sinabi ka ba sa kanya?" he pressed, sumusulyap-sulyap sa akin.

Ah. He wanted to know about what Kiana asked earlier after their photoshoot. It was a brief conversation out of everyone's earshot. Lumapit sa akin si Kiana para magtanong tungkol sa diskusyon namin ni Tasha and she went to check the alterations I made.

She squinted her eyes as she took in the designs, nodding her head approvingly with every flip of the page. Sabi niya, magaling daw ako mag-design. Sana raw mabigyan pa ako ng pagkakataon na gumawa ng mga damit. She mentioned that if I had a boyfriend, he would be lucky. But why would I tell Derek that?

"Kinamusta niya lang ako kaninang umaga. Lahat ng tinanong niya, tungkol sa kasal niyo. Kung worried ka, puwede mo naman siyang tanungin."

"Megan." There he goes with that patronizing tone of his. Ganyan na ganyan din ang tono niya noong sumisigaw ako sa tapat ng gate nila pagkatapos kong malaman na sinaraan ako ng pamilya sa buong San Juanito. "I'm trying to have a decent conversation with you here."

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon