c h a p t e r s i x t e e n

7.2K 317 54
                                    

         KINABUKASAN, WE WERE BACK TO BUSINESS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

         KINABUKASAN, WE WERE BACK TO BUSINESS. Parang walang diskusyon na namigitan sa amin ni Derek, at hindi rin akong nangahas na kausapin ulit si Theo na mukhang umiiwas sa akin.

Tahimik ang naging biyahe tungo sa Casa Adelia para sa taste-test ng menu sa reception. Pinagmasdan ang restaurant na napili nila Derek pagkababa namin ng sasakyan. It was a fairly new restaurant that offered catering services. Spanish cuisine ang specialty nito, but they offered Filipino and other Western dishes as well. Hindi naging madali ang paghahanap ng catering services sa San Juanito habang nasa Manila. Pero pagkatapos ng ilang tawag, nahanap ko rin ang papasa sa mag-fiancé.

The ambiance inside the restaurant was warm. Tila hinihila kami papasok ng amoy na nagmumula sa kusina. Maski si Kiana na kanina pa nakasimangot sa 'di malamang dahilan ay mukhang masaya na.

This could be the start of an amazing day... or not.

Suot ang isang malaking ngiti, at pulang dress at heels, sinalubong kami ng isang taong ayaw ko nang makita pa. "Hello, hello! Welcome to Casa Emilia. I'm assuming this is for the Lorenzo-June nuptials, scheduled by Ms. Megan Espiritu of Elixir Weddings and Events."

"Reena?" gulat na sabi ni Derek.

Renna Gallardo. My mouth dropped open in shock. Anong ginagawa niya rito?

"Ah, yes." She did a happy twirl. "I go by Ina De León now." Lumapit siya sa aming grupo at tila bumulong kahit dinig naman iyon ng lahat. "Spanish kasi napangasawa ko. Siya 'yong magiging chef niyo sa kasal."

My nails bit the skin of my palms as my hands formed into fists. Kaya pala noong nag-email ako kay Ina De León ay napaka-excited niya.

"Oh," iyon lang ang nasabi ni Derek na napalingon sa akin. Stupid move. Ngayon ay lumipad sa akin ang mga mapanuring mata ni Reena na may makapal na linya ng eyeliner.

"Megan!" Tumakbo siya papunta sa akin para bumeso but I remained stiff. "Wow. Para palang reunion 'to. I should tell our classmates in high school na nandito kayo. Imagine, after ten years ngayon ko lang kayo ulit nakita, 'tapos sa kasal pa ni Derek!" Her grin that was exclusive to me turned sly. "Aren't you excited as his coordinator and good friend?"

Biglang tumawa nang malakas si Vince at nagpunas ng pawis sa noo. "Nagugutom na ako, grabe! Ms. Ina, naka-ready na ho ba 'yong titikman kasi kukunan ko sana ng picture, kailangan sa graphic album."

Ina batted her lashes at me bago humarap muli sa grupo. "Of course, of course, please walk straight ahead. Elaine, hija, please assist our clients to the private dining room, please."

Hinawakan ko siya sa siko nang makaalis sila. She glanced down at my hand and smirked at me. "Oh, yes, Megan, can I help you, darling?"

"Huwag kang gumawa ng eksena rito, Reena—"

"It's Ina."

"Wala akong pakialam. Nakikiusap ako, para sa benepisyo ng lahat, huwag kang gumawa ng eksena."

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon