c h a p t e r e i g h t e e n

6.8K 253 80
                                    

      HINDI NA NAGAWA NI DEREK na itago ang takot sa mukha niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

      HINDI NA NAGAWA NI DEREK na itago ang takot sa mukha niya. Alam namin pareho kung ano ang nakasalalay sa oras na 'to. Hindi kami puwedeng magkamali. One mistake could mean the end of the wedding, public humiliation, or worse, the end of their relationship. He frantically slipped his phone back into his pocket and faced Kiana. Kita naman ang pagtataka sa maganda nitong mukha.

"Is everything okay?" tanong ni Kiana at hinawakan si Derek sa braso.

Gusto kong sabihin na hindi okay, na ako mismo ay hindi handa sa mangyayari at nanginginig ang mga tuhod. Pero hindi ako makapagsalita. Parang ibinalik ako sa panahon sampung taon na ang nakalipas.

It felt like I was that sixteen-year-old kid again who was quivering in fear.

Hindi siya sinagot ni Derek at tumingin sa akin. "Babalik muna kami sa mansyon, Megs. Umuwi ka na muna siguro. Sasabihan ko kayo kung kailan na lang natin itutuloy 'yong discussion."

"Pero, Sir," alma ni Tasha. Nabitawan niya ang braso ni Theo at nakasimangot na umabante. "We're way behind schedule. Dapat po matapos natin today 'yong pagplano ng set-up natin sa hacienda niyo at pagbisita sa simbahan."

"Trixie, right?"

Lalong sumimangot si Tasha. "Tasha po, Sir."

"Right. May kailangan lang akong asikasuhin. Kung gusto niyo, puwede namang kayo na lang muna ang tumingin sa simbahan. I'll also have your things moved to a hotel."

"Babe, bakit mo pa sila ipapalipat sa hotel? They're leaving the next day. It's unnecessary." Worry was clear in Kiana's tone, but her smile told a different story.

Parang bumigat ang dibdib ko.

"No—"

"You know what," putol ni Kiana sa sasabihin nito at lumapit sa akin. "Why don't we discuss the other things we need to work on sa bahay. Bumalik na tayo instead of staying here sa likod. Nakakapagod maglakad sa laki ng property nila Derek, 'di ba, Megan?"

Mabilis ang naging pag-iling ko. "Nako, Ms. Kiana. Hindi na po kailangan. Aayusin ko na lang po mamayang gabi. Ilalagay ko sa isang document tapos ay ipapakita ko sa inyo bukas."

She waved a manicured hand at lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso ko. No. Kailangan ko ng umalis.

Laking gulat ko nang magsalita si Theo. Kahit na si Kiana ang kausap ay sa akin nakatuon ang mga mata niya. "Ah, Ms. Kiana. 'Yong graphic album na muna po siguro ang pag-usapan natin. Sisimulan ko na po kasi."

"Wow," Kiana mused, blinking. "That's the longest I've heard you say."

"Theo, sabay na lang kasi natin pag-usapan mamaya with Megan para isahan na lang. Kulang na tayo sa oras," giit ni Tasha at nanlaki ang mga mata ko.

Alam ko kung ano ang maabutan ko sa mansyon nila Derek, at alam kong hindi ko magugustuhan 'yon. It could ruin everything and I needed to try my best to get out of this situation without raising any suspicion.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon