c h a p t e r n i n e t e e n

6.9K 304 45
                                    

        HINDI KO ALAM kung paano ako nakalabas sa mansyon ng mga Lorenzo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        HINDI KO ALAM kung paano ako nakalabas sa mansyon ng mga Lorenzo. Everything was a blur magmula noong bumaba ako sa golf cart na nanginginig ang mga tuhod. Ang alam ko lang noong mga oras na iyon ay kailangan kong umalis, I needed to get away as far as I could.

Takbong-lakad ang ginawa ko kahit walang malinaw na direksyon. Sa bawat hakbang ay kasabay nito ang hagulgol ko. I kept on walking until I fell down on my knees and sobbed. Wala akong pakialam kung nasa gilid ako ng kalsada at palayan. I kept on crying as if there was someone who would hear me and save me from this despair.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit puno ng puot ang dibdib ko kahit hindi naman ako 'yong may ginawang masama o dapat maparusahan. O baka iyon ang dahilan.

Hindi ko matanggap na ang mga taong nagpahiya sa akin noon, sumira sa maayos na pananaw ko sa sarili at naging dahilan kung bakit wala ni si Papa ngayon, ay ang mga taong hanggang ngayon hindi pa rin ako iginagalang.

I thought he'd at least feel guilt. Iyon naman ang naging motibasyon ko sa loob ng sampung taon. It was the gauze that kept my wound hidden from the entire world. Ang nasa utak ko noon kahit hindi ako nakapaghiganti gaya ng nasa teleserye ay lalamunin din sila ng konsensya.

Pero mali ako. Maling-mali.

May mga tao pala talagang hindi pagsisisihan na nasaktan ka nila. Wasn't that just so unfair?

Jacket at yakap ang bumalot sa akin mula sa likuran. Hindi man ako lumingon, kabisado ko kung kaninong pabango ang nagpatahan sa akin. Though it provided me with comfort, I still felt as if I was on the brink of chaos.

"Iwan mo na lang ako," paos kong sabi. Iniyakap ko ang jacket sa aking sarili pero hindi tumayo.

"Hindi kita sinamahan kasi naaawa ako sa 'yo. Gusto ko lang makita kung anong meron sa San Juanito kapag naglalakad."

I rolled my eyes and wiped away my tears.

"Nasaan si Vince?"

Iniharap ako ni Theo sa kanya. Ilang segundo siyang tahimik at nakatitig lang sa mukha ko. He had a gentle smile on his face, pero gaya ng dati, hindi ko pa rin mahulaan kung ano ang nasa isip niya. He wiped my face with his own handkerchief and I looked away. Ang pangit ko siguro; dugyot at puno ng lupa.

"Kausap nila Vince 'yong nanay ni Derek. Pinag-uusapan nila kung ano na ang gagawin. Hindi rin kasi nila mahanap si Kiana."

Nawalan ako ng sasabihin. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Kung hindi lang kasi ako pumayag na bumalik sa mansyon, kung 'di ako pumayag sa plano ni Derek, kung hindi ako nangako na magagawan ko ng paraan kay Tito Erning, kung hindi ko sinira ang kasal ni Ronny at Patricia, kung hindi ako nakipagrelasyon kay Derek...

Napakaraming kung pero puro pagsisisi lang ang napala.

I dug my face into my folded knees. Yakap ang mga binti, hinayaan ko ang sarili na umiyak nang umiyak hanggang sa hindi na ako makahinga.

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon