c h a p t e r t w e n t y

7.2K 276 54
                                    

       MALAMIG

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

       MALAMIG. BASA. DOUBLE B. ANG LAMIG TALAGA! TEKA LANG NAMAN!

Hindi ko na nagawang makailag pa nang hawakan niya ako sa kamay at hilain pababa; diretso ang hulog ko at kasabay ng pagkumpas ng tubig ay ang aking matinis na tili.

It was the most exhilarating blur I experienced. My ears rang and my eyes stung, but I didn't mind. Lahat yata ng sakit magmula ng tumakbo ako paalis ng mansyon ng mga Lorenzo hanggang sa pagkahulog ko sa pool nawala.

"Double B!" sigaw ko at hinampas si Theo sa braso habang natatawa. He shook his head and splattered water all over my face.

Tiningnan kami ng staff na dumaan at hinampas ko siya ulit. Mukha kaming tanga habang nakalublob sa malamig na tubig at nakadamit.

"Gago, wala akong pamalit na dala," sabi ko sa kanya at nagpunas ng mukha.

"Ako rin naman. Matulog ka na lang na hubad."

"Hoy!" Tinakpan ko ang dibdib ko at tumingin sa paligid. "Mas okay talaga kapag 'di ka talaga nagsasalita e. Bawas din stress ko."

Natawa siya at umiling bago lumangoy at umahon sa pool. My eyes followed him with a glare. Tinitigan ko siya nang maigi, iniisip na baka kapag mas nagmukha akong galit, maapektuhan siya. I kept staring and staring and—

Double B with infinite Bs.

Hapit 'yong basa niyang t-shirt sa katawan niya. Napanganga na muna ako bago mabilis na nag-iwas ng tingin.

Lord, anong pagkakasala ito? Katatapos ko pa lang mag-emote pero heto ako't nakakaramdam ng paglukso ng puso dahil sa... abs? Ano ako, cliche? Ano ako, bida sa isang nobela online? Ano ako, isinulat ng isang writer para maging isang makalat na karakter at walang sariling kaisipan?

"Tara." He offered me his hand and after a brief hesitation, I swam toward him and placed my hand in his.

Para namang esksena sa pelikula, nakaka-tense. Bakit parang uminit yata? Tumaas ang dalawang kilay niya pag-ahon ko at tinitigan ako sa mukha. "Bakit namumula ka?"

"Ha?" My hands flew to my cheeks. "Weh, 'di nga? Oo ba?"

Mas lumapit pa siya. I took a step back but he came even closer. Agad akong napahawak sa dibdib niya. "Hoy, kuya, ang lapit mo na."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Theo, kung may epekto ba 'yong tubig ng pool o ang Mayon, o baka naman ay ang sinag ng buwan. But he walked closer to me until I was on the edge of the pool and had no choice but to wrap my fingers on the sleeves of his shirt.

Teka, hahalikan niya ba ako? Lumaki ang mga mata ko pero agad din akong pumikit. Mukhang tama nga si Weng. Crush talaga ako ni Theo. Hindi ako dapat makipaghalikan sa resort lalo na't may hindi ako magandang record sa mga lalaki at—

I felt a palm over my forehead.

Dumilat ako agad. Nakakunot ang noo niya.

"Wala ka namang lagnat."

His LossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon