Chapter 63

2.4K 149 1
                                    

Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ako nakaupo sa study table. Hindi ko na rin alam kung ilang pahina na ang nabasa ko. Ibinalik ko na ang sarili ko sa pag-aaral. Inaral ko ulit ang bawat opisyal na nasasakupan ng mga Cairon. Ipinagpatuloy ko ang mga sinauna kong mga plano. Sa tulong din ni Otis, ay sinasabi niya sa akin kung anong kulay ng bawat isa sa kanila. Kung ano ang family background ng mga ito. Sa mga impormasyon na ibinigay niya sa akin, nakakatulong sa akin ito.

Bukod din sa pag-aaral ko sa mga Opisyal, sinimulan na din ang iminmungkahi ko kay Emperador Audrirck, ang pagtotroso, pag-ani ng mga perlas, pati na din ang pagbubukas ulit ng mga minahan. Si Prinsipe Mival ang itinalaga ng Emperador sa kakahuyan kung saan gaganapin ang pagtotroso, si Prinsipe Hadden naman ang inutusan para malaman ang lagay sa pag-aani ng mga troso. Si Otis naman ay nanatiling nakafocus sa militar, pero napapansin ko na parang may bumabagabag sa kaniya simulang nabalitaan ko na bumalik ang kaniyang matalik na kaibigan na si Duke Arundel na galing pa sa ibang bansa dahil may ipinapagawa daw siya doon. Hindi ko rin naman malaman kung ano 'yon, nirerespeto ko nalang din na hindi usisain. At ako naman ay nagprisintang pupunta ng bubuksang mga minahan, sa gayon ay malaman ko kung ano pang mga mineral na madidiskobre at maaaring gamitin sa pagpangangalakal.

Malaking bagay din ang naitulong ang araw ng kasal namin ni Otis. Nabalitaan ko kasi na marami daw ang naging interisado, lalo na't nalaman na magbubukas na daw ang Thilawiel sa mundo. Na aalis na sila sa magiging isa sa mga mailap na bansa. Magbubukas na ito sa kalakaran, lalo na sa turismo. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang magandang balita na 'yan na msimo nanggaling kay Egos at Otis. May mga naisip pa akong ideya para sa pag-usad pa ng bansang ito pero mas mainam kung isa-isa muna ang gagawin para hindi hassle.

For now, my hands are full. Kabi-kabilang trabaho ang nakatambak sa akin kaya gumawa ako ng time management. Hindi lang ang trabaho ko ang tanging ginagawa ko. Ginagaw ako ang lahat ng makakaya ko upang magampanan ko ng maayos bilang asawa ni Otis.

Madalas kapag nasa silid na kami ay hindi namin maiwasan na hindi namin pag-usapan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa Thilawiel. Nabanggit din niya sa akin na ginagawa na daw nila ang suheyson ko na ang mga nahuli nilang mga bilanggo ay magtatrabaho sa pagtotroso, nasabi din niya sa akin na mas nasiyahan daw ang mamamayan nila nang nalaman nila na mabibigyan sila ng bagong trabaho, 'yon ay sa pagkuha at pagpropseso ng mga perlas bago man ito ibebenta sa mga gumagawa ng alahas, pati na din sa minahan.

"Otis," malumanay kong tawag sa kaniya. Magkayakap kami sa isa't isa na pareho kaming nakahiga na. Anumang oras na maaari na kaming matulog.

"Ano 'yon, my rose?" masuyo niyang tanong. Masuyo niyang hinahaplos ang aking buhok.

"Hindi ba, pinoproblema ninyo din ang maglobo ng krimen sa Thilawiel?"

"Oo, pero hinahanapan pa namin ito ng paraan." sagot niya na gamit niya ang namamaos niyang boses.

Bumalikwas ako ng bangon. Idinapo ko ang aking mga palad sa kaniyang dibdib. Ipinatong ko naman ang aking baba sa likod ng aking mga palad para mas maayos ko siyang tingnan mula dito. "Tingin ko ay maganda din kung bumuo tayo ng kawal at patalinong pangsandatahan." suhesyon ko bigla.

"Tulad ng trabaho mo sa Cyan, my rose?"

Ngumiti ako. "Oo, parang ganoon na nga." sagot ko.

"Pero marami ka nang gawain, my rose. Ayokong mahirapan ka ng husto."

"Hindi naman ako ang hahawak." mabilis kong saad.

Natigilan siya nang kaunti. "Kung hindi ikaw, sino?"

"Hmm, sa ngayon ay iniisip ko pa kung sino ang maaari at nababagay na humawak ng organisasyon na 'yon. Sa akin lang kasi, hindi lang sapat ang mga kawal mula sa palasyo ang para malaban ng lumulobong krimen dito. Maganda na may magbabantay din na hukbo sa loob habang ika'y abala sa labas." medyo namumungay na din ang aking mga mata. Gusto nang bumagsak ang mga talukap ko.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon