Chapter 20

1.2K 44 0
                                    


--

I was busy checking my dress at the human size mirror infront of me when I noticed my mother silently crying at my back while looking at me in the mirror. Nataranta ako kaya naman agad ko itong nilingon at nilapitan. Sinuyod ng aking paningin ang buo niyang katawan, nag hahanap ng dahil kung bakit siya umiiyak.

"Ma? What's wrong? Are you hurt?"

"I'm not"

"Then why are you crying?"

"Nothing. I'm just happy seeing you wearing that dress" tila may kamay na humaplos sa puso ko sa sinabi niyang iyon. Hinila niya ako paharap sa salamin at sabay naming tinignan ang repleksyon namin doon.

"Look at you..you're such a loving lady wearing that wedding dress. I can't believe that my baby is fully grown up now. It making me sad and happy at the same time." humilig siya sa aking balikat habang hindi tinatanggal ang paningin sa salamin "masaya ako dahil ikakasal ka na sa taong mahal mo at the same time nalulungkot ako dahil hindi ka na namin makakasama sa iisang bahay. Ang baby ko, malaki na" napangiti ako at niyakap siya patagilid. I kiss her forehead and smiled at her.

"Kahit naman po iikasal na ako, baby niyo pa din po ako ma. Atsaka, dadalaw dalawin naman po namin kayo at gano'n din kayo sa amin kaya wag ka na pong malungkot ma, okay?"

"I know. I just can't help it, sweetie" natigil ang mother- daughter talking namin nang ipinaalam ng isang katulong na nasa waiting area si Jaid.

"Mag bibihis lang po ako" paalam ko sa aking ina at tinungo ang dressing room para mahubad ang wedding gown na suot ko. Nandito kasi kami sa botique ng pinagawan ng wedding dress ko. Kilala ito ni mama at may tiwala siya dito kaya dito niya ipinagawa ang damit na susuotin ko for my wedding which will gonna happen two days from now.

Hanggang ngayon ay hindi pa din mag sink-in sa isip ko na ito na talaga..ikakasal na ako sa lalaking ama ng anak ko at nag papatibok ng puso ko. Lagi akong nag papasalamat sa biyayang ibinigay ng Diyos sa akin dahil sinuklian niya ng ganito kaganda ang mga bagay na dinanas ko sa buhay.

Lumabas ako at nginitian si mommy na matiyagang nag hihintay sa akin. Ngumiti din siya pabalik at may lumapit naman sa akin na babae kinuha ang gown na hawak ko kaya pinaubaya ko ito. Nasukat ko na ito kaya ipapadeliver nalang daw ito sa bahay..

Ikinawit ko ang kamay ko sa braso ni mommy habang papunta kami sa waiting area kung nasaan ang soon to be husband ko. Para akong tanga na napapangiti sa tuwing binabanggit ko ang salitang iyon. Wala eh, hindi ko lang mapigilan hindi kiligin HAHAHA..

Tumayo agad si Jaid sa pag kakaupo nang makita kami. Nag mano siya sa mama ko bago ako hinapit sa beywang palapit sa kaniya at walang sabing hinalikan ako sa labi sa harap ng mama ko.

Nangamatis ang mukha ko nang marinig ang halakhak ni mama "I guess I don't need here. Mag iingat nalang kayo kung saan kayo pupunta at mauuna na ako.." lumapit ito at hinalikan ako sa pisnge at tinapik naman niya ang balikat ni Jaid bago nag lakad paalis..nasa likod lang niya ang dalawa niyang bodyguard na pinilit pa talagang ipasama sa amin ni daddy kanina. Tulad ko ayaw ni mama na may bodyguard na nakasunod sa amin pero mapilit ang ama ko kanina. Hindi niya daw kami papayagan makaalis kung walang bodyguard na kasama kaya in the end ay ang desisyon ni daddy ang nasunod.

"Kasama mo ako pero iba ang iniisip mo. You're making me jealous wife. Stop that" nabalik ako sa reyalidad sa nagtatampong boses ni Jaid. Nilingon ko ito at hinalikan ang pisnge para maputol ang nag babadya niyang pagka bad mood.

"Saan tayo?" malambing kong tanong at yinakap ang braso niya. Nakita ko naman na napalunok ito at saglit na bumaba ang tingin sa dibdib ko na nakadikit sa kaniyang braso dahil yakap ko ito. I smirked when I saw his reaction. He's affected and it making me excited knowing that I have this affect on him..

"S-Sa bahay" nauutal niyang tanong pero hindi 'yon ang pinansin ko.

"Kaninong bahay?" tumitig siya sa akin at hinawakan ang beywang ko.

"Let's go" napanguso ako dahil hindi niya sinagot ang tanong ko. Lumabas kami at pumunta sa parking lot. Pinag buksan niya ako ng pintuan sa front seat kaya pumasok na ako. Pinanuod ko naman siya na mag half jog paikot sa harap ng sasakyan para makapunta sa driver seat.

"Seat belt" maiksi niyang saad kaya doon ko napansin na hindi ko pa nakakabit ang akin. Pinaandar din naman niya agad ang sasakyan pagkatapos ko mag seat belt.

"Are you hungry? Where do you want to eat?"

"Drive thru nalang, hon. Sa bahay nalang tayo kumain" pinipigilan ko na hindi naging awkward dahil sa tinawag ko sa kaniya. That's my endearment to him tinatawag ko lang siya ng gan'on sa utak ko pero one time ay nagulat ako sa pagsulpot niya at doon ko siya natawag na 'hon' naalala ko pa ang grabeng pangangamatis ng mukha ko noon pero sa halip na tuksuhin niya ako ay kinulit niya akong iyon ang itawag sa kaniya..masyado din siyang corny no?

"I really like it when you call me hon. Its giving me some unexplainable feelings" sa pag sasama namin ay unti-unti ko siyang nakikilala lalo na ang ugali niya. Sa tuwing bumabadya ang senyales ng pagiging bad mood niya ay kailangan mo itong putulin kung ayaw mong tumagal siya ng ilang araw na gan'on. Clingy din siya. Gusto niya palagi na may matatanggap siyang morning,noon, afternoon at evening kiss at kapag hindi mo pinag bigyan... kukulitin ka hanggang sa ibigay mo na lang ang gusto niya at may isa pa siyang ugali na hindi ko alam kung matutuwa o maiilang ako. He have this attitude that he will say what he want or what he feel tulad nalang ngayon..kaya naman palagi akong full sa kilig sa tuwing kasama ko siya isama mo pa ang anak namin. Buti nga at hindi kami nilalanggam.Psh..

Tulad ng suggestions ko, huminto kami sa isang Drive thru at nag order ng karaniwan naming inoorder kapag nasa Jollibee kami. Mabilis naman kaming naka order kaya balik byahe na ulit kami.

Habang kumakain ako ng burger ay kumuha din ako ng isa at inilapit sa bunganga niya. Napalingon pa ito sa akin pero iniusog ko sa kaniya ang hawak ko at doon niya naintindihan ang gusto kong mangyare.

"Ayuko niyan"

"Ha? Eh anong gusto mong kainin? Itong fries?" umiling lang ito at walang sabing kinagatan ang burger na para sa akin. Nginitian niya pa ako at ibinalik agad ang tingin sa kalsada para hindi kami mabangga. Masaya siyang ngumunguya habang ako naman ay laglag panga na nakatingin sa kaniya.

"Stop staring. Its making me think that you want to eat me instead of the burger you are holding though that's a great idea so shall we do it now or if we're in our house?"

Holly mother of yukinam generation! Sometimes I really hate how frank he is! Gosh! I can feel my burning cheeks right now.

My Son's Billionaire Father Where stories live. Discover now