Midnight Lover - 34

120K 1.9K 63
                                    

RAVEN

Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko alam kung paano ko kinayang wala si Asher sa tabi ko. Aaminin kong nami-miss ko siya... sobra. Kung may salita pang mas hihigit sa "sobra," iyon na mismo ang nararamdaman ko.

Ilang araw na rin akong nangangalumata dahil kulang ako sa tulog gawa ng kakaisip sa kanya. At mas lalo pang nadagdagan ang pangungulila ko sa kanya nang bigla na lang dumalaw sina mommy at daddy dito sa unit ko nang nakaraang araw.

Bagama't may dinaramdam ay pinilit kong ngumiti sa harap nila. Pero sabi nga nila, parents knows best. Alam nila kung kelan tayo malungkot at kung kelan tayo higit na masaya.

"Anak, are you okay?" tanong ni daddy na nakamata sa 'kin. Nasa sala kami at pinagsasaluhan ang mga pagkaing dala nila ni mommy.

"I'm okay, dad," pinilit kong ngumiti.

"He didn't proposed to you?" tanong naman ni mommy na hinawakan pa ang mga kamay ko. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya nang makitang wala akong suot na singsing sa daliri ko.

I felt a lump in my throat. Parang bigla ay maiiyak ako dahil sa dami ng emosyong nasa dibdib ko na naipon sa loob ng mga nakalipas na araw.

"He came into our house two weeks ago. Tinanong niya kami kung pwede siyang mag propose sa 'yo. Asher seemed like a very nice guy. Bihira na ngayon ang mga lalaking gagawin ang ginawa niya. He loves you very much and he wasn't afraid of showing it to us. He respects you and he respects us as your parents. What happened, hija?"

Nang marinig ko ang sinabi ni mommy ay doon na nagsimulang malaglag ang mga luha sa mata ko. I never knew na bago pa pala siya mag propose sa akin ay nagpaalam muna siya sa parents ko. Isn't that the sweetest and most noble thing a boyfriend could do to his girlfriend?

Pero ano'ng ginawa ko? I turned him down and pushed him away from me.

Pinipilit kong umakto ng normal pero sa bawat galaw ko dito sa condo, si Asher ang naaalala ko. I can see him everywhere. And I could almost hear his crisp and full of life laughter. God I must be really crazy for missing him like this.

Tinatamad na naglakad ako papunta sa banyo ko para maligo. Ngayon na ang araw ng premier night ng Midnight Lover. Dapat ay masaya ako dahil sa wakas ay makikita ko na ang bunga ng mga pagpupuyat ko sa mga nakalipas na buwan. One of my masterpieces is now coming to life.

Matapos maligo ay nag-apply ako ng light make-up na tingin ko ay babagay sa okasyon. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at pagkatapos ay lumabas na ako ng unit ko nang masigurong nasa bag ko ang wallet at susi ng unit ko.

Nang dumating ako sa Mega Mall ay marami nang taong naghihintay. May mga fans na may bitbit na mga tarpaulin para sa mga artistang iniidolo nila. Dumagsa rin ang mga celebrities na sumusuporta sa pelikula namin. This night is indeed colourful.

Male-late ng dating sina mommy at daddy dahil may a-attend-an silang importanteng meeting pero sabi naman nila ay hahabol sila ano't anuman ang mangyari.

Habang naglalakad ako sa red carpet ay hindi ko maiwasang hindi malungkot. Nagsimulang mangilid ang luha ko nang maalala ko si Ash. Dapat ay kasama ko siya ngayon. Dapat ay magkahawak kamay kaming naglalakad sa red carpet habang sabay kaming pinapalakpakan ng mga tao. But he is not here with me tonight.

Kaya nang hingan ako ng maikling message ng host ay hindi ko maiwasang hind imaging emosyunal.

"When I was writing the script of this movie, there's this particular man who stood by me. Sa kanya nanggaling ang halos karamihan ng inputs sa movie na 'to. He may not know it, pero kung hindi dahil sa kanya, hindi ko siguro matatapos ang script ng movie na 'to. He was my inspiration so I'd like to dedicate this movie to him. To God be the Glory."

Nakakabingi ang palakpakang ibinigay sa akin ng mga taong nandito ngayon. Pero sa kabila niyon, isang tao lang ang gusto kong makita ngayon na pinapalakpakan ako—at iyon ay walang iba kundi si Ash.

Matapos ang maikling program ay pumasok na ang lahat ng may ticket sa loob ng cinema at hindi nagtagal ay nagsimula nang ipalabas ang Midnight Lover.

Iyak ako nang iyak sa kalagitnaan pa lang ng movie kahit na nga ba alam ko naman na ang mga susunod na eksena. Hindi rin ako umiiyak dahil nadadala ako sa galing umarte ng mga artista. Naiiyak ako dahil naaalala ko si Ash. Lahat ng mga galaw at mga salitang binibitawan ng bidang lalake ay hinugot ko mula sa karakter ni Asher.

How I wish you're with me right now...

Nang matapos ang palabas ay nagpalakpakan ang mga tao at binigyan pa kami ng standing ovation.

Nang bumukas na ang mga ilaw sa loob ng cinema ay isang lady guard ang lumapit sa akin at may inabot na isang bungkos ng mga pulang bulaklak.

"May lalake pong nagpapabigay sa inyo nito ma'am," anang guard. Tatanungin ko sana siya kung sino ang lalakeng nagpabigay ng mga bulaklak pero nakaalis na ang gwardiya. Nang lumingon-lingon ako ay wala naman akong nakitang lalake na nakamasid sa akin.

Pero nang tignan ko ang mga bulaklak ay saka ko lang nakita ang sticky note na nakaipit sa mga bulaklak. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang note at binasa ang nakasulat.

"I'm so proud of you."

Hindi ko na napigilang maiyak dahil kahit walang pangalan na nakasulat sa note, alam ko—at alam ng puso ko kung kanino nanggaling ang mga flowers na 'to...

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon