LX

1.5K 135 17
                                    


MARSELA MARI GUIA

"Tumae na ba kayo ngayong araw?"

Kunot noong napatingin ako sa kanya. "Tapos na, bago pumasok." sagot ko. "Bakit? Hindi ka paba napopo?"

She nodded slowly. "Oo ee. Parang nahilab tiyan ko." nakangusong sagot pa niya habang hinimas-himas ang tiyan. "Kanina parin ako utot ng utot." she added.

"Kaya pala ang baho!" may kalakasang sambit naman ni Belle. "Amoy santol na bulok. Ilang araw kabang hindi nakatae ha?" dagdag pa niya habang napapapaypay ng kamay.

Napatawa ako. Parang mga basag ee. Nakakakuha narin kami ng atensyon ng mga estudyante dito, pero hayaan na. Masaya kami, wala munang eepal.

"Tatlong araw na." simpleng sagot pa nitong isa. "Anong magagawa ko? Ayaw lumabas ee." para pa siyang nai-stress sa lagay na 'yon.

"Sana humangin ng malakas." Lara said. "Yung tipong magtatayuan lahat ng balahibo mo tas matatae ka ng wala sa oras." mala demonyo pang tumawa ang gaga.

Pati rin tuloy ako, napahagalpak ng tawa. Ayaw kong maging masamang kaibigan, pero sana nga humangin ng malakas.

"Okay lang, basta sasamahan mo ko sa loob ng restroom." balahurang sagot pa ni Bonitah. "Ikaw din gagawin kong taga hugas ng puwit ko." at katulad ng ginawa ni Lara, nagpakawala rin si Sheki ng mala demonyong tawa.

Napangiwi ako bago muling tumawa. Buti na lang tapos na kami kumain. Hindi nakakadiri kung sakali.

"Ang baboy jusko." nakangiwi namang  tumawa si Belle. "Manahimik nga kayong dalawa. Nakakasuka kayo."

Hindi naman na pumalag pa ang dalawa, pero nagbabatuhan lang sila ng tissue. Napapailing na lang na nakangiti lang ako.

Simula na ngayong araw ang practice namin para sa Graduation. Medyo nakakapagod pero kaya naman. At least nandito narin kami sa sitwasyong 'to. Ang tagal naming hinintay ang araw na 'to ee.

"Wala sa tentative list si Abby ah." Medyo may kahinaang sambit ni Belle.

Napahinga ako ng malalim. "Mukhang inaayos pa ang grades niya." sagot ko.

Kanina kasi pagsilip namin sa Bulletin Board wala pangalan ni Abby. Feeling ko, hinahabol pa lang ang records niya, malamang dahil yun sa nangyari noon. Lagi siyang hindi napasok,  naapektuhan ang pag-aaral niya.

Magsasalita pa sana ako ng bigla namang dumating si Ate Alice. Napakunot noo pa nga ako. Pawis na pawis siya, akala mo galing sa kung saan ee.

"Oh Sela."

Saglit ko lang pinagmasdan itong cellphone niyang inaabot niya sa'kin bago ko muling ibalik ang atensyon sa kanya. "Anong gagawin ko diyan ate?"

She took a deep breath. "May bagong nilagay sa Board. Bagong list ng tentative students." napapunas pa siya sa noong basang-basa na ng pawis. "Nando'n na pangalan ni Abby." pagpapatuloy niya.

Under The Shade (SeBy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon