-117-

292 8 2
                                    

-oleya's pov-


"dad, good evening" bati ko kay daddy at nagbeso kami. 9pm na at inintay talaga namin ni mommy sya makauwi para magawa namin ang request kong dinner.






nasa kwarto na si oliver, at sinigurado ko talaga iyon.








"tara na po," i really helped our family chef para sa pagkain na inihanda sa lamesa. we seated immediately, dahil gutom na si mommy.








"what's wrong at nagpa dinner ka?" takang tanong ni mommy habang kumukuha ng pagkain.







"you need something? you can tell us without this.. ikaw talagang bata ka" napangiti ako ng bahagya sa sinabi ni daddy. malaki ang kailangan ko sa inyo.







"i just want to.. spend time with you two. and may itatanong ako, pero kain po muna tayo" we ate peacefully, tahimik lang.







ganito naman kami palagi, hindi kami madalas sabay-sabay kumain pero kapag sabay-sabay kami parang hindi pa din dahil sa katahimikan.








"dad.. ten years ago.." i opened up, kumakain na kami ng dessert.







natigilan si mommy sa panimula ko kaya napatingin sya sa akin. "hindi po ba.. naaksidente ako?" he calmly nodded.








"yes, that was so stupid of me. nawalan tayo ng preno kaya-"







"hindi dad, naaalala ko na lahat" mommy gasped. nagulat din si daddy ngunit agad nyang binawi ang ekspresyon nya.









"tumawid ako sa daan dahil may nakilala at hinahabol ako.. nasagasaan ako ng kotse, nararamdaman ko na ngayon yung pagtama noon sa katawan ko, alam ko na.. nararamdaman ko na ulit yung sakit" nanginginig ako. that was traumatic for an 8 yearold kid. pero mas gusto kong malaman ang katotohanan kung bakit nila itinago yun.








"kailan ka pa..." mommy was still so shocked.








"kahapon lang po" a tear fell in my eyes. "bakit po? bakit... bakit hindi nyo sinabi na nawalan ako ng ala-ala? bakit..." i started to sobbed, it hurts.






mayaman kami, naiibigay nila ang mga bagay na gusto ko. magandang skwelahan, mga damit. akala ng lahat, i am living with a beautiful life. matalino, mayaman, magandang pamilya.








pero hindi alam ng lahat na, kulang ako sa pagmamahal, atensyon, inagawan ako ng ala-ala mula sa aking pagkabata... pinagkaitan akong maalala ang mga importanteng tao sa buhay ko, ang pinakapaboritong tao sa buhay ko, itinago sa akin ang katotohanan.








wala nang mas sasakit pa doon dahil pamilya ko ang gumawa noon sa akin.








"i.. i am sorry anak" tumango ako kay mommy. handang magpatawad. dahil, pagod na ako. pagod na akong gumising sa umaga na nagtatanong kung anong kulang sa akin, or mahal ba talaga nila ako.




at ang pagpapatawad at pag intindi lang ang magagawa ko para tuluyan na akong makawala.








"o.. okay lang, sagot lang ang kailangan ko my" tumayo si mommy sa kinauupuan nya at tumabi sa akin para yakapin ako, naiiyak na din.








"i am sorry" paulit ulit na bulong nya. "takot lang naman kami.. natatakot lang kami na lumaki ka na itinatanong mo sa sarili mo kung bakit ka namin iniwan sa ampunan, baka isipin mo hindi ka namin mahal" ganun pa din naman ang naramdaman ko habang lumalaki ako.









kasama ko sila pero parang iniwan pa din ako, lumaki pa din naman ako na parang hindi nila ako mahal.










"maiintindihan ko po yun, sumama nga po ako sa inyo... hindi ba?" tumango si mommy.








"that's why i am sorry, sweetheart.. natakot lang si mommy" she hugged me more tighter.









"always remember we did that because we love you, kayo ng mga kapatid mo" nahihiya pa atang sinabi ni daddy. hindi naman kasi sya expressive na tao.









"totoo po ba? bakit.. habang lumalaki ako.. parang wala kayo sa tabi ko? palaging si ate.. palaging si oliver.. sila ang magaling.. sila ang pinagmamalaki nyo sa mga kaibigan nyo" nagsisimula na naman akong humahulgol.







"omygosh.. hindi yan tunay, anak" ilang beses na umiling si mommy. "i am always proud of you" dugtong nya.








"dahil.. sabi.. ni heeseung, matapang ka" napalingon ako sa sinabi ni daddy. "p-po?"








"sabi nya sa akin.. iyakin ka daw pero matapang ka deep inside. and he's right, i saw that while you are growing up" what...








"yes, oleya. tama si heeseung, i am proud of you when you fight for the course you want. i am proud of you when you are achieving something. i am proud of you silently, maybe because.. i was still hurt, and sobrang linaw pa sa akin kung paano mo ako itinulak noong unang beses kang umuwi sa amin" she's in pain, si mommy. ngayon ko lang napansin iyon.








"and when you wake up, sa hospital, after the accident.. i was so shocked and proud of you too.. anak" i cried loudly dahil sa sinabi nila.








baka nga hindi ang mundo ang nananakit sa akin, baka sarili ko lang talaga. masyado lang akong nabubulag, masyado ko lang tinakpan ang mga mata ko.









i cried after the dinner. nag sink in sa akin lahat. na lahat talaga may rason. masaya ako, masaya ako na narinig ko ang mga paliwanag nila. tinanggap nila ang mali nila, at narealize ko din ang mali ko. naiyak ako dahil.. feeling ko ang dami kong nasayang na panahon, na ipakita at iparamdam na mahal ko din sila.








"oleya..." pumasok si mommy sa kwarto, tapos na ako maiyak. pagod na ang mga mata ko.









"sorry, sobra.. anak.. hindi namin kasi naisip na.. bata ka lang din, na kahit matapang ka, humihina ka din, kailangan mo din kami minsan" hinaplos nya ang buhok ko.








"mahal ka namin, i am sorry.. hindi pa naman huli ang lahat hindi ba?" tumango ako sa kanya.









madaming nasayang na oras, pero kahit kailan hindi naging huli ang lahat para sa pagbabago.

love to hateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon