Chapter 69 (Part 2)

3.5K 90 1
                                    

Chapter 69

Third Person POV

Para kay Samantha ay iyon ang pinakamasayang umaga ng buhay niya. Akalain mo 'yun? Umamin na sa wakas si Ace, at siya rin naman. Kuntinto na siya rito. Napanatag na ang puso't isip niya. Sa wakas ay pagmamay-ari na niya ito, may karapatan na siya kay Ace. At lalong-lalong may karapatang sabunotan ang Athrea'ng 'yun pag nagbalak itong gumawa ng kagagahan.

Nanatili itong nakamasid sa paligid. Nagyayapos na rin ito sa galit. Okay na eh, masaya na sila ito na naman. Dumating na naman si Athrea para sirain ang moments nila.

Nang bumalik sila kanina sa inuukopang cottage ay prente ng nakaupo sa isang bahagi si Athrea. Ang kapal talaga ng mukha, grabe sa sobrang kapal parang di na masira-sira. Isinama pala ito ni Aliyah. Gusto niyang magalit kay Aliyah, alam naman nitong ang babae ang isa sa mga dahilan ng pag-aaway nila ni Ace. Ngunit wala na siyang magagawa kundi ang pakisamahan ang babae. Basta ba'y wala itong gagawing ikakagalit niya ay masisigurado niyang magiging maayos ang bakasyon nila.

Bumalik ito sa pagiihaw. Pinaypayan niya ang niluto. Ang mga kasama naman ay busy sa pagsi-swimming. Alas-dose na maganda ang tubig, mala-krystal ito, kaya napagkasundaan nilang maligo.

Siya naman ay nagpaiwan upang magihaw. Ayaw naman nitong maligo, ayaw niya kasing makasama si Athrea sa iisang lugar baka anong magawa niya. At higit sa lahat ay wala itong dalang swim wear. Hindi kagaya ng mga kasamahang babae. Ready'ng-ready ang mga ito. Halos lahat ay nakatwo piece. Magaganda naman ang katawan ng mga ito.

"Tulongan na kita" boses iyon ng babaeng kinaiinisan niya. Kaya napairap ito.

Ano ba ang ginawa nyan rito? Siya na nga ang lumalayo ay ito naman ang lapit ng lapit.

Mas binilisan nito ang pagpaypay. Ang mga luto na ay nilagay niya sa tray.

"Kaya ko na 'to. Bumalik ka nalang don at mag enjoy" wala sa mood na wika nito. Wala talaga itong mood, ito ba naman kausap niya. Nakakawala talaga ng modo.

Sana nama'y tumigil na ito at baka ito pa ang maihaw niya.

"Alam kong galit ka sakin" biglaang wika nito sa malumanay na boses. Anong meron? Biglang nagiging maamong tupa ang gagang 'to?

"Buti alam mo"

Athrea take a deep breath before forcing her to look at her. She rolled her eyes. What the hell she want?

"I'm sorry, I'm really sorry"

"Your sorry can't change anything"

Muli itong huminga ng malalim. Inabot nito ang kanyang kanang kamay, aagawin niya sana ito ngunit mas hinigpitan lamang ni Athrea. Bahagya niya iyong pinisil.

Nagiging seryuso ang mukha nito. Alam niyang  may gusto itong sabihin.

"I know. But still I want to say sorry. I want to explain things to you, Samantha. Just hear my side" she said with her voice full of begging.

Its strange. Really strange and a bit weird. The cunning, sophisticated and angelic but devil Athrea is now begging.

"Please pakinggan mo ko. Promise hindi ko na kayo gugulohin ulit. Pangako" pagpupumilit nito.

Wala siyang nagawa kundi ang tumango. "Go on explain. Bilisan mo nalang"

Medyo napipilitan pa ito. Baka lokohin lang siya ng babaeng 'to. Hindi siya nakakasigurado kung totoo ba ang mga sasabihin nito o hindi. Baka susubokan na naman nitong sirain sila o ano. Nagkaka-trust issue na talaga si Samantha.

"The truth... I don't really like Ace anymore nor love him.." nakangiting pagaamin nito. Ano ang ibig sabihin nito? Kasinungalingan ba ang sinabi nito noon? But that was imposible. Eh halos makipagpatayan na nga ito makuha lang si Ace. Ano na naman bang palabas ito?

Hiding the Billionaires son Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon