Chapter 47

1.4K 78 18
                                    

Chapter 47

Parang dinaanan ng sampung bagyo na kasingtindi ng Yolanda ang kuwarto ko. Naturingang room attendant sa OJT pero hindi man lang maayos ang sariling kuwarto. How did my room even end up like this?

It was always tidy and neat. I might not dust my things every day, but I make sure that my used clothes don't litter the floor. Now, my room reeked of my unpleasant dried sweat. And Axasiel went in here last night?

Yuck. The all and always clean, proper, fragrant, and hygienic Axasiel saw and smelled something obnoxious inside his girlfriend's bedroom. You're so disgusting, Izzy!

Naglinis muna ako bago nagpahinga. Balak ko sanang maligo kaso tinamad na rin ako. Ayos lang. Nasa bahay lang naman, e.

"Izzy!" Kasunod nito ay tatlong malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. "Busy ka ba, 'nak?"

I finger combed my hair and stalked toward the door. Si Mama ang kumatok at nakangiti siya sa akin. Ngumiti rin ako.

"Wala naman po akong ginagawa, Ma. Bakit po?"

"Magbi-bake sana ako. You want to give me a hand?"

"Oh! Sige po!" Lumawak ang ngiti ko at isinarado ang pinto sa likuran. "Si Papa, Ma? Umalis na ulit?"

Tumango siya. "Ewan ko ba sa kanya at umuwi pa kasi kanina tapos aalis din. Lakas ng amats."

"Ma!" Tumawa ako sa sinabi niya. "Lakas ng amats no'n sa 'yo, Ma. Ayaw mahiwalay, gano'n!"

Mama and I weren't really enamored of making pastries or cakes, but once in a while, mainly during February and December yearly, we bake to give out sweet treats for everyone close to us.

The ingredients and equipment that we will be using were already prepared and organized at the center of our kitchen island. Iniabot sa akin ni Mama ang isang apron at iniangat ang strap ng suot kong top na nahulog mula sa aking balikat.

"Tie your hair, 'nak."

My fingers stroked my other hand's wrist. Tumingin ako kay Mama at naabutan siyang nakatitig sa akin habang nakalahad ang kamay hawak ang itim na panali sa buhok.

"Thanks, Ma..."

She simpered. Pagkatapos magtali ng buhok ay naghugas na rin ako ng kamay para makapagsimula na kami sa pagbi-bake. Ang iPad niya ay nakabukas at nakapatong na sa counter para makita namin ang susundin na ingredients sa gagawing cake at cookies.

"Alam mo bang ang tatay mo lang ang may gustong magpahaba ka ng buhok noon?" Mama initiated a topic as we started measuring the ingredients. "Ayaw kong pahabain ang buhok mo noon dahil tuwing susuklayan kita—no, makita mo pa lang na hawak ko ang suklay, iiyak ka na at tatakbo sa Papa mo."

Tumawa ako sa kuwento ni Mama. Wala akong maalalang kinuwento niya na ito sa akin noon pero aware akong palaging mahaba ang buhok ko. I still have my class pictures since I was in elementary and my hair during those years were always long.

Sa mga childhood picture ko noong hindi pa ako pumapasok, iyon lang ang hanggang balikat lang ang buhok ko o mas maikli pa. Surely, I was simply powerless babe to complain during those years.

"You would tell him that I was trying to cut your hair even though I just wanted to comb and tie your hair," Mama continued with a laugh. "Ending, si Papa mo lagi ang magsusuklay sa 'yo. Kapag sa kanya, hindi ka nagrereklamo nang masakit. Nagtatampo nga ako noon dahil ayaw mo sa akin kahit na 'di hamak na mas magaan naman ang kamay ko kaysa sa Papa mo."

"Bakit naman kaya naisip ko na gugupitan mo ako kapag susuklayan mo ako, Ma?" usisa ko.

"'Cause I really had cut your hair back then. I had to." She smiled. "You were playing with Raghnall and Axasiel that time, and apparently, you were chewing a piece of bubble gum. Turned out, bigay pala iyon ni Tito Miko mo sa 'yo."

Melting You Softly (Student Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon