CHAPTER 6: KIMI GA SUKI

48.4K 1K 174
                                    

CHAPTER 6: PARTY

TWAYLEM

''Bakit kailangan ko pang sumama sa inyo??'' tanong ko kay Danger habang inaayusan ako nung make-up artist na rinentahan nila.

''Para may utusan kami'' sagot naman nung sira ulo niyang kapatid na si Zone. ''Hindi ka naman kabayo, bakit naninipa ka??''

Birthday party daw kase nung kapatid ni Breinleigh, e ano namang paki ko diba kung hindi ako sumama. Pero sa kakapilit nitong si Zone, napapayag naman ako.

''Hindi pa, magiging kabayo palang. Asar tong batang to.'' sabay hissed ko dito. Samantalang si Danger, pinag mamasdan lang ako. Tas pangiti-ngiti ng nakakaloko.

''Oy.. Oy! Bat ganyan ka makatingin?? Alam ko maganda ako.. Pero pwede bang huwag kang masyadong obvious??''

''Hindi ka maganda, wala ka pala talagang boobs.'' sabay tawa nila, pati yung baklang nag aayos sa akin humahalakhak.

''ANG BASTOS MO TALAGA!''

''De..'' this time pinipigilan na niyang hindi matawa.

''Kahit flat tops yang ano mo.. Maganda ka naman e.''

''BOOM!'' sabay tingin ko ng masama kay Zone. Hindi naman pick up line yun e. Lait!

''UPAK GUSTO MO'' sabay pakita ko sakanya yung naka fist kong kamay. ''Kiss gusto ko'' sabay nguso nito sa akin. Sobrang kapal talaga ng magkapatid na to.

Danger at Zone ka imbyerna.

''Sige miss Gonzales.. Pwede ka ng tumayo..'' ng sabihin yun nung baklang nag aayos sa akin. Pakiramdam ko hindi ko deserve na tawaging ako sa ganung apelido.

Ano kaya yung totoong pagkatao ko?? Gusto kong malaman.

DANITA

''boyfriend mo ba siya, infairness bagay kayo.'' nakatingin lang kung saan si Tao. Alam ko naman ayaw niya talagang pumunta dito..

Simula kase nung pumunta siya dun sa bar malapit sa L.A hindi na siya nawala sa isipan ko. Oo Crush ko siya.. Super Crush.. Kaya lang may girlfriend na siya e.. :(

''Nako.. Nako! hindi ko siya boyfriend..'' maya-maya pa'y dumating ang ate ko na si Brenleigh at linapitan niya si Tao.

 ''Bakit hindi mo pa siya ligawan Tao?''

''Hinde ate, may girfl--'' tinap ni ate Bren yung balikat naming dalawa.

''Tao bat hindi mopa breakan yung girlfriend mo? Di mas hamak naman panigurado na mas maganda tong kapatid ko. Mas maganda at matalino pa.'' napansin kong bahagyang nagsalubang yung kilay nito.

''Ate, huwag mo ng..'' umalis si Tao ng walang pasabe. Nakakainis naman tong si Ate.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon