051 - WAKING UP

1.2K 34 3
                                    


When the lassie slowly opened her eyes, she saw herself located in a white room while her body is in heavy state. Matagumpay nitong nagagalaw ang mga daliri niya kaso hindi ang buong sistema ng kanyang katawan. Agad na lumaki ang mata ni Shania ng nasaksihan nito ang dalawang magulang na tinungo ang kanyang direksyon.

"Anak! Ayos ka lang ba?!" Sapphira lightly touched her daughter's hand. Lumitaw na din ang doktor para sabihan ang dalawang magulang ni Shania na ang kanilang anak ay makakaranas ng Amnesia. Maaring sa parte ng memorya nito ay hindi nito maaalala ang insidente bago siya maaksidente.

'Amnesia huh? I didn't feel like I'm suffering in that kind of way.' Shania replied to herself. Yung likuran ng kanyang ulo ay parang pinupukpok.

"Anak, diyan ka lang muna ahhh. Gusto mo na ba kumain?" ani ng tatay nito.

"O... O-O-Opo." hirap nitong saad. Ang asul nitong mata ay nakatutok lang sa puting bumbilya na nasa itaas hanggang sa lumitaw ang mga malalabong senaryo sa kanyang sariling utak.

"Mahal kita ng sobra Shania..."

"Gusto ko ang lasa ng iyong matamis na labi na sasalubong sa akin tuwing pag-uwi."

Bumibigat ang puso ni Shania. Kumawala na din ang luha nito at pahingal hingal na inaabot ang hininga. Saka teka... Paano ba siya naaksidente?

Parang yung huli niyang natatandaan ay parang may sumaksak sa kanya sa bandang leeg. Tapos yung babae may kulay berdeng mga mata at kakaibang kulay ng buhok. A single maid entered her room as she tried her best to speak.

"H-H-Hello.

"HALA madam, wag ka muna magsalita baka mapano ka. May iuutos ka ba?" tanong ng babae na  medyo may edad na.

"P-P-Pa... Ano... A-Ako na-napu-napunta dito?" she licked her dry lips as the maid goes closer to her direction to report everything.

"Hala dimo alam madam? Yung jowa mo na si Jairuss Kingston sinalba yung buhay mo. Kasi eto iyan madam, tinext mo ako na mag de-date kayo ng bebe labs mo tapos nawalan ng preno yung sasakyan nito. Buti si Ione na locate yung location niyo kaya agad kayong natakbo parehas sa ospital."

'Ahhhh, so that's what happened.' hindi niya matandaan na nakipag date siya kay Jairuss. Her mind is full of blurry scenes habang may kinakasama siyang lalaki na walang mukha.

'Tae naman kasi... Sino ba nakalandian ko bago ako napunta sa ganitong posisyon?' she feels like there's something off. Kumbaga, parang naninibago siya sa presensya ng kanyang paligid. Like her soul belonged to the old era but it's not.

Napagdesisyunan ni Shania na matulog na lang ng mahimbig at makapag pahinga ng maayos para maka kuha pa ito ng sapat na lakas at makaalis na sa ospital.


━━━━━❘༻༺❘━━━━━


It's been one and a half weeks but she's still staying inside the hospital. On the other hand, her friend Ione was always giving her a visit. Tinuturo din nito ang mga napag usapan sa loob ng klase para hindi mapag-iwanan si Shania.

"Kamusta naman kayo sa school?" pangangamusta ni Shania kay Ione.

"Kami? Pati ba si Zioquel kasama? Oo naman, sobrang smooth ng buhay namin sa iskwelahan." niligpit ni Ione ang mga gamit dahil uuwi pa ito sa mansion nila Shania upang magpalipas ng gabi.

"Ano-ano palang nangyari nung bago ako mapunta sa ganitong posisyon?" ngayon niya lang ito matatanong kay Ione dahil nung nakalipas na ilang araw ay nananaginip siya na parang siya mismo ang nakaranas ng pangyayari sa paligid.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon