Chapter 67

2K 136 12
                                    


Sabay kaming papunta ni Otis sa Opisina ni Emperador Audrick. Ang totoo niyan, hindi dapat kasama. Dapat ay may meeting pa siya sa mga kabalyero na matataas na ranggo sa pamumuno niya. Pero dahil sa magkasalubong kami kanina, tinanong niya kung saan ako tutungo. Ako naman, sinabi ko na pupuntahan ko ang tatay niya para magbigay ng ulat kung ano na ang lagay ng minahan. Sadyang makulit naman isang 'to, gusto talaga ako samahan. Sinabi din niya daw kay Egos na mahuhuli daw siya sa meeting nang kaunti.

Tatlong buwan mahigit nang nakalipas buhat na opisyal nang binuksan ang minahan. Kasabay pa na marami ding mga kumakatawan sa mga kalapit na bansa ang bumisita sa Thilawiel, sinasabi nila na isa daw sila sa mga kinausap nina Otis at Egos para ipromote ang mga produkto na ilalabas namin. Nabalitaan ko kasi na paunti-unti ay naglalabas ang isa sa produkto namin na pagtotroso sa mga bansa na nais bumili.

Maganda din ang daloy sa pag-aani ng mga perlas. Mas marami pa palang perlas ang maaani namin kaysa sa inaasahan ko. Sobra pa ito sa kalahati kaysa sa naestimate ko. Hindi bale, estimated lang 'yon, hindi naman eksakto ang bilang ko kung ilan ang magpoproduce namin. Mabuti nalang din ay maganda ang pagkahawak ni Prinsipe Hadden doon. Walang palya ang kaniyang trabaho na ibinigay sa kaniya.

Nang marating na namin ang pinto ng Opisina ay ako na mismo ang kumatok. Rinig namin ang boses ni Emperador Audrick mula sa loob. Pinapayagan niya kaming makapasok. Pinihit ko ang pinto saka dahan-dahan ko ito itinulak. Humakbang na kami papasok.

Nadatnan namin si Emeprador Audrick na nakatitig siya sa papel na kaniyang hawak. Tumigil lang 'yon nang narinig niya ang tunog ng pinto na gawa namin. Inilapag niya muna ang hawak niyang papel saka tumingin sa amin. Tumayo siya saka dinaluhan niya kami. Itinuro niya sa amin na umupo daw kami sa sofa dito sa Opisina niya.

"Naparito ka, Prinsesa Styriniana." nakangiti niyang sambit.

Bago ako umupo ay nagbow ako sa kaniya. "Binabati ko po ang mahal na Emperador." nakangiting bati ko sa kaniya. Sabay na kaming umupong tatlo. "Narito po ako para magbigay po ng ulat ukol sa minahan, kamahalan." sabi ko.

Tumango siya. Lumapit sa amin ang mga personal niyang mayordomo. Ipinaghanda nila kami ng maiinom. "Kung ganoon, anong ulat na sasabihin mo, Prinsesa Styriniana?"

Binawi ko kay Otis ang hawak niyang papel. Ipinasa ko ito sa emperador. Tinanggap niya 'yon saka tahimik niya itong binabasa sa harap namin. Pinapanood namin ang kaniyang reaksyon. Ilang beses siya tumango habang nanatiling nasa papel ang kaniyang mga mata. "Sa paglipas ng mahigit tatlong buwan ay mas marami kayong nakuhang mga diamante at ginto, meron ding mga batong-bakal..." sabi niya, nanatili pa rin niyang pinag-aaralan ang papel.

"Opo, kamahalan." pormal kong tugon.

Tumingin siya sa amin. "Mas maganda pala ang resulta na buksan ulit natin ang minahan tulad ng aking inaasahan  Mas maganda kung pagpapatuloy natin ang mga ito at makatagal." bakas sa boses niya ang kagalakan sa kaniyang mga nalaman. Animo'y isang magandang balita.

"Naniniwala po ako na tatagal po ito."

Tumango siya saka bumaling siya kay Otis. "Ikaw? Anong sadya mo dito? Hindi ba't may pagpupulong kayo ng mga kabalyero mo?"

"Naririto po ako upang samahan ang aking asawa, kamahalan." magalang na wika ni Otis sa kaniyang ama.

Sabay kaming tumingin sa kaniya, pareho kami nagtataka sa pinagsasabi niya. Bakit kailangan niya akong samahan?

"Hindi ko alam kung bakit ngunit, nakaramdam po ako ng kaba para sa prinsesa na tagapagmana." magalang niyang sagot.

"Bakit ka naman kakabahan?"

Masuyo niyang hinawakan ang isa kong kamay.  Mataimtim niya akong tiningnan. "Medyo nag-aalala lang ako dahil napapansin ko na masyado kang nagpapakasubsob sa trabaho. Nalaman ko sa mga tagapagsilbi mo kahit saan ka magpunta, kahit sa kasuluk-sulukan ng Palasyo, nasa minahan parin ang isipan mo. Kung hindi sa minahan, nagkukulong ka sa silid-aklatan na minsan ay naaabutan ka nilang nakakatulog doon." bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hinawi niya ang takas kong buhok saka masuyo niyang isinabit 'yon sa aking tainga.

I'm Born as an Eryndor! (Season 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon